Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Balita nitong nakaraang linggo ang paggigiit ng mga kabataan at guro para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan. Kabilang sa mga pagsisikap ng mga progresibong grupo ang pagsusulong ng karagdagang badyet sa edukasyon para matiyak ang pagpapatupad nito. Ngunit sa ikalawang pagbasa pa lamang ng Bayanihan 3 o Bayanihan To Arise As One Act, […]
Pinarerepaso ng Senado sa Department of Energy ang magkasunod na pagbili ng kumpanya ni Dennis Uy na Udenna Corporation sa Malampaya Deep Water Gas-To-Power Project mula sa Royal Dutch Shell nitong taon at sa Chevron Corporation noong 2019. Kontrolado ng dalawang kumpanya ang 90% ng proyekto. Ito ang kaisa-isang operasyon ng pagmimina ng natural gas […]
Kinwestyon sa isang pagdinig sa Senado noong Lunes ang paggamit ng Philippine National Police (PNP) sa mga detinido sa mga “buy-bust operation” nito. Inilunsad ang pagdinig matapos na magkasa ng hindi koordinadong operasyon ang PNP at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang mall sa Barangay Greater Lagro, Quezon City noong Mayo 14 na muntikang nauwi […]
Libu-libong indibidwal ang nagtipon at nagmartsa noong Mayo 25 sa iba’t ibang syudad ng US para gunitain ang unang anibersaryo ng pagkamatay ni George Floyd. Sa Minneapolis kung saan pinatay si Floyd, nagsindi ng mga kandila at nag-alay ng ilang sandali ng katahimikan ang kanyang mga tagasuport para dakilain ang kanyang alaala. Kasabay nito, nakipagkita […]
Pagkatapos ng apat na taon, wala pa ring hustisya para sa mga biktima ng Marawi Siege. Hindi pa rin makabalik sa syudad ang karamihan sa 27,000 pamilya ng 11,000 kabahayang winasak ng teroristang gera at pambobomba ng rehimeng US-Duterte. Nananatili pa rin ang malaking mayorya na walang sariling mga bahay at nagsisiksikan sa mga sentrong […]
34 pinaslang, 104 ikinulong ng AFP/PNP habang dinidinig sa Korte Suprema Nagtapos na ang pagdinig ng Korte Suprema sa mga argumento mula sa mga abugado ng mga nagpetisyong ibasura ang Anti-Terror Law at tugon ng gubyerno hinggil dito noong Mayo 17. Umabot sa siyam na magkahiwalay na araw sa loob ng apat na buwan ang […]
Inaprubahan kahapon sa pangalawang pagdiniig sa Mababang Kapulungan ang panukalang Bayanihan 3 na nakatakdang magbigay ng P2,000 ayuda para sa lahat. Ipamamahagiito sa dalawang bigayan ngayong taon. Malayong-malayo ito sa iginigiit ng Ayuda Network na P10,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan. Anang grupo, malinaw na hindi pinakinggan ng mga nagpanukala at nagpasa nito […]
Umani ng internasyunal na pagbatikos ang pag-hijack ng bansang Belarus noong Mayo 23 sa isang pampasaherong eroplano na sinasakyan ni Roman Protasevich, 22, mamamahayag at kilalang kritiko ng presidente ng bansa na si Alexander Lukashenko. Papunta ang eroplano sa bansang Lithuania mula Greece nang makatanggap ng mensahe mula sa Belarus na nag-obliga rito na lumapag […]
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng ₱11.2 bilyong proyektong mega-dam sa Barangay Agcalaga, Calinog, Iloilo sa tag-init ng taong 2023. Magiging operational ang Jalaur River Mutipurpose Project Phase II (JRMP II) sa unang kwarto ng 2024, ayon sa anunsyo ng project manager nitong ikalawang linggo ng Mayo. Ilambuhay na ang naging kapalit ng pagtutuloy ng dam. […]
Umaabot na sa 67 Palestino, kabilang ang 17 menor de edad, ang naitalang patay noong Mayo 13 sa tuluy-tuloy na teroristang pang-aatake ng Israel sa Gaza Strip. Halos 400 ang naiulat na sugatan sa mga airstrike, kung saan mahigit 100 ay mga bata. Ang Gaza Strip ay isang makitid na englabo kung saan nakatira ang […]