Archive of AB Dailies

Pagbabawal sa mga libro ng NDFP sa mga aklatan, pinalagan
September 30, 2021

Pinalagan ng mga akademiko at iba pang sektor ang pwersahang pagtatanggal ng mga libro at babasahing akda ng National Democratic Front of the Philippines at ni Prof. Jose Ma. Sison mula sa mga silid-aklatan ng mga pampublikong unibesidad. Isa sa mga pumalag ang chancellor ng University of the Philippines-Visayas sa Iloilo na si Clement Camposano […]

Kasunduan para sa paglalatag ng PAREX, pinatitigil
September 30, 2021

Umabot na sa mahigit 70 organisasyon at 900 indibidwal ang pumirma sa isang petisyon para ipatigil ang Pasig River Expressway (PAREX) Project, isang 19.37-kilometrong proyektong kalsada na itatayo sa ibabaw ng Pasig River na magdudugtong sa Maynila at Pasig. Ayon sa mga petisyuner, palalalain lamang ng proyektong ito ang malubha nang trapiko sa lugar, at […]

Panukala laban sa panggagahasa sa mga bata, malapit na maisabatas
September 30, 2021

Pumasa na noong Setyembre 28 sa pangatlo at panghuling pagbabasa sa Senado ang panukalang nagtataas sa “age of consent” o edad para sa ligal na relasyong sekswal ng mga bata ula sa dating 12-taong gulang tungong 16-taong gulang. Dalawampu’t dalawang senador ang pumabor dito habang isa ang nagpaliban. Ang panukala (Senate Bill No. 2332) ay tinagurian […]

Buwis sa yaman ng mga bilyunaryo, ipinanukala sa Kongreso
September 29, 2021

Ipinanukala ng mga kinatawan ng blokeng Makabayan noong nakaraang linggo ang House Bill No. 10253 para patawan ng karagdagang buwis ang pinakamayayamang kapitalistang mayroong hindi bababa sa ₱1 bilyong halaga ng ari-arian. Nakasaad sa panukala na bubuwisan ng 1% ang pag-aari ng mga kapitalistang may halaang ₱1 bilyon, habang tig-2% at 3% naman ang may […]

Partido, nagparangal kay Bien Lumbera, pambansa-demokratikong alagad ng sining
September 29, 2021

Nakidalamhati ang Partido Komunista ng Pilipinas, kasama ang sambayanang Pilipino, sa pagkamatay noong Setyembre 28 ni Bienvenido Lumbera, makata, mandudula, kritikong pangkultura at pampanitikan at guro, Pambansang Alagad ng Sining at aktibistang pambansa-demokratiko. Isang malaking kawalan sa pambansa demokratikong kilusang pangkultura ang pagpanaw ni Ka Bien, ayon sa Partido. Malaki ang kanyang ambag sa teorya at […]

Pagtortyur sa dalawang mandirigma, kinundena
September 29, 2021

Tinuligsa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Benguet ang mahigit isang buwang iligal na lihim na pagkukulong at sikolohikal na tortyur sa mag-asawang Ricca Llanes at Daniel Ladawan, Jr., mag-asawa, na dinukot ng militar noon pang Agosto 7. Ang mag-asawa ay kapwa mandirigma ng BHB na bumibisita noon sa kanilang mga kamag-anak. Hinuli sila na walang mandamyento […]

Aerial bombing sa Cagayan at Northern Samar, kinundena ng mga residente
September 29, 2021

Mariing kinundena ng Taripnong Cagayan Valley, asosasyon na nagtataguyod sa kagalingan ng mga taga-Cagayan Valley, ang paghuhulog ng Philippie Airforce ng mga bomba sa Barangay Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan noong Setyembre 21. Ayon sa grupo, perwisyo at pagwawaldas ng pera ang pambobomba. Pinangangambahan din ng mga residente rito ang maaaaring idudulot na pinsala ng mga […]

Barat at mapanghating alawans, tinanggihan ng mga frontliner
September 28, 2021

Tinanggihan ng Alliance of Health Workers (AHW) noong Lunes ang panukala ng Department of Health na mamahagi ng “singular allowance” (isang tipo lamang ng alawans) na nagkakahalaga ng kakarampot na ₱3,000 hanggang ₱9,000 batay sa antas ng eksposyur sa Covid-19 ng manggagawa sa kalusugan. Ipinanukala ito para balewalain ang mga batas na nag-oobliga sa gubyerno […]

Pinsalang idudulot ng black sand mining sa Lingayan Gulf, pinangangambahan
September 28, 2021

Pinababawi ng mamamayan ng Pangasinan sa ilalim ng Pangasinan People’s Strike for the Environment ang permit na iginawad ng upisina ni Rodrigo Duterte sa Vanadium Resources (Phils), subsidyaryo ng isang kumpanyang Australian, na magmina ng black sand o magnetitte sa prubinsya. Ang permit na may petsang Nobyembre 25, 2020 ay pirmado ni Executive Secretary Salvador […]

Ipagtanggol si Bai Bibyaon
September 28, 2021

Bigo ang tangka ng militar na dukutin si Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay, sa tabing ng “operasyong pagsagip” mula sa kanyang sangtwaryo sa Metro Manila at pwersahin siyang bumalik sa kanyang komunidad sa Talaingod na kontrolado ng 56th IB. Ginamit ng militar ang kanyang mga kaanak na nanatili sa Talaingod para palabasing “kinidnap” siya at pinipigilang […]