Archive of AB Dailies

Pinuno ng CHR, pumanaw
October 13, 2021

Nagpahayag ng pakikiramay at pagkilala ang iba’t ibang mga progresibong grupo sa pagkamatay noong Oktubre 9 ng pinuno ng Commission on Human Rights (CHR) na si Jose Luis Martin Gascon. Ayon sa pamilya ni Gascon, namatay siya sa sakit na Covid-19 sa edad na 56. Si Gascon ay hinirang na pinuno ng CHR noong 2015 […]

Programang imprastruktura kontra mahirap, binatikos ng mga maralita
October 12, 2021

Binatikos ng mga maralitang lungsod ang mga mapang-aping patakaran ng rehimeng Duterte at pagbibigay prayoridad sa mga proyektong pang-imprastruktura ng malalaking kapitalista na nagresulta sa pagkawala ng tirahan ng hindi bababa sa 1.2 milyong maralitang Pilipino ngayong taon. Ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), tumaas ang bilang ng kakulangan sa tirahan sa bansa […]

NTF-ELCAC, may dagdag pa palang ₱4 bilyon
October 12, 2021

Nabunyag sa pagdinig sa Senado noong Oktubre 7 na bilyun-bilyong pisong dagdag na pondo pa ang matatanggap ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) liban sa badyet nito sa panukalang badyet sa 2022. Ito ay dahil inoobliga ng NTF-ELCAC ang iba’t ibang ahensya ng gubyerno na maglaan ng pondo ng “suportang […]

Pilipinong mamamahayag, binati sa pagkapanalo ng Nobel Peace Prize
October 12, 2021

Binati ng mga mamamahayag ang unang Pilipinong nakatanggap ng premyong Nobel Peace Prize para sa 2021. Iginawad ang pagkilalang ito noong Oktubre 8 kay Maria Ressa at sa mamamahayag na si Dmitry Muratov ng Russia. Ang Nobel Peace Prize ay burges na institusyon sa Norway. Ayon sa grupong Altermidya, isang alyansa ng mga alternatibong mamamahayag […]

Pumatay sa lider-maralita, pinarusahan ng BHB
October 11, 2021

Ang kriminal na mamamatay-tao sa likod ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa isang pambansang lider maralita ay pinarusahan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ayon sa ulat noong Oktubre 2 ng Larab, rebolusyonaryong pahayagan sa Eastern Visayas, isinagawa ng mga pwersa BHB ang hakbang pamamarusa laban kay Jojo “Pekulo” Lucero noong Hunyo 25 sa Ormoc City, Leyte. […]

Mga pekeng party-list, pakawala ng NTF-ELCAC—PKP
October 11, 2021

Nagpakawala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng tatlong pekeng “party-list” na gumagamit sa pondo ng gubyerno para maghasik ng maruming propaganda laban sa mga progresibong partido sa darating na eleksyon. Ito ang paliwanag ngayong araw ni Marco Valbuena, punong upisyal sa impormasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) kaugnay […]

Pagluluwag sa dayuhang pagmamay-ari, mapanganib—mga akademiko
October 11, 2021

Nagbabala ang pinakamataas ng organisasyon ng mga propesor ng University of the Philippines (UP)-Diliman laban sa mga panukalang pagluluwag sa mga restriksyon sa dayuhang pagmamay-ari sa mga negosyo, serbisyo at rekursong Pilipino. Ayon sa University Council ang mga batayan at pangako ng mga panukalang ito ay “di reyalistiko” at “labis na pinalaki” o eksaherado. Habang […]

Mabuhay ang Workers’ Party of Korea!—NDFP
October 10, 2021

Binati ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang Workers’ Party of Korea (WPK) sa ika-76 taong anibersaryo nito ngayong araw, Oktubre 10. Sa pahayag na inilabas ng National Executive Council, ipinaabot ng NDFP ang pakikiisa nito sa uring manggagawa at mamamayan ng North Korea. Ipinahayag nito ang “malalim na pagrespeto at paghanga” ng […]

Moreno, pinutakti ng batikos sa kanyang pagmamaliit sa paglaban sa mga Marcos
October 09, 2021

Pinutakti ng batikos si Isko Moreno, kandidato pagkapresidente, matapos niyang maliitin ang pakikibaka laban sa panunumbalik ng mga Marcos sa Malacanang bilang “labanan sa pagitan ng dalawang pamilya.” Ginawa ni Moreno ang pagmamaliit nang sagutin niya ang pahayag ni Leni Robredo, kalaban niya sa pulitika, na nagsabing isa sa mga nagtulak sa kanya na tumakbo […]

Sa ulat ng Nikkei Asia, Pilipinas, kulelat na naman
October 09, 2021

Sa pangatlong pagkakataon ngayong buwan, kulelat na naman ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang niranggo ayon sa husay ng pagtugon sa pandemya. Ayon sa pananaliksik ng Nikkei, isang kilalang pahayagan pangnegosyo na nakabase sa Japan, ang Pilipinas ay nasa dulo o pinakahuli sa sinusubaybayan nitong 121 bansa. Inilabas ng pahayagan ang pagkukumpara noong Oktubre […]