Archive of AB Dailies

Manggagawa sa poso negro, namatay sa pagkalunod
July 31, 2022

Isang manggagawa ng EC Soliman Septic Tank Disposal sa Pasay City ang nasawi matapos mahilo ang mga manggagawa sa sumabog na bumubulang likido sa isang septic tank o poso negro. Bigong makalabas dito ang biktimang si Jesus Sison. Apat pang trabahador ang nailigtas mula sa septic tank. Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno at Institute for […]

Food Panda Philippines, pinagbabayad ng ₱2-milyon sa sinisanteng mga rider
July 31, 2022

Sa desisyon na inilabas ng National Labor Relations Commission sa Davao, pinagbabayad ng mahigit ₱2 milyon ang Foodpanda Philippine Incorporated bilang kumpensasyon sa iligal nitong pagtanggal sa pitong delivery rider sa Davao City. Ang Foodpanda ay kumpanyang nagdedeliber ng pagkain. Ang pitong rider na tinanggal nito ay sina Edmund Carrillo, Francis Ghlenn Costan, Nerjhun Claramon, […]

94 pamilya sa Masbate, pinalayas ng 2nd IB sa kanilang lupa
July 30, 2022

Tuluy-tuloy ang pagpapalayas ng 2nd IB sa mga magsasaka sa lupang dating pag-aari ng gubernador ng Masbate na si Antonio Kho. Noong Hulyo 26, iniulat ng Defend Bicol Stop the Attacks Network na higit 94 pamilya na ang pwersahang pinalayas ng mga sundalo sa lupang deka-dekada na nilang binubungkal. Ang mga sakahan ng mga magsasaka […]

Mga pulis sa Tarlac, kinasuhan ng Tinang 83
July 29, 2022

Sinampahan ng mga magsasaka at kanilang mga tagasuporta na tinawag na Tinang 83 ang mga pulis na sangkot sa brutal at di makataong pag-aresto sa kanila noong Hunyo 9. Nagtungo sa upisina ng Ombudsman ang Tinang 83 noong Hulyo 26 para isampa ang limang kaso laban sa di bababa na 30 myembro ng Philippine National […]

Tatlong bata, pinaslang ng AFP nitong Hulyo
July 29, 2022

Hindi bababa sa tatlong bata ang pinaslang ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kampanyang kontra-insurhensya nito ngayong buwan ng Hulyo. Noong Hulyo 18, napaslang sa walang-habas na pamamaril ng 59th IB si Kyllene Casao, 9-anyos na batang babae, sa Sityo Centro, Barangay Guinhawa, Taysan. Kasama ng batang babae ang kanyang […]

Bilyun-bilyong halaga ng bakunang kontra-Covid, nasayang
July 28, 2022

Sa pangatlong taon ng pandemya, nasa 71.5 milyong Pilipino (o 65%) pa lamang ang naturukan ng dalawang dosis ng bakuna. Hindi nito abot ang mababa na ngang target na 78.1 milyon o 70% ng populasyon. (Sa maraming bansa, itinaas na ang target tungong 90% ng populasyon, kabilang ang mga bata.) Mas mababa pa ang nabigyan […]

CPP calls Marcos 1st SONA a 'fairy tale'
July 27, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) blasted yesterday the first State of the Nation Address (SONA) of Ferdinand Marcos Jr held last July 25. The CPP called the speech a “fairy tale” completely disconnected from the reality of the toiling masses’ pressing socioeconomic problems. CPP Chief Information Officer Marco Valbuena noted that the Filipino […]

CPP calls NPA units in Luzon to assess post-earthquake situation in communities
July 27, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today immediately directed units of the New People’s Army (NPA) to assess the situation of communities in its areas of operations after Luzon island was hit by a major earthquake this morning. “Nakikiramay at nakikiisa kami sa mamamayang labis na naapektuhan ng malakas na lindol kanina sa iba’t […]

Mag-ina at isa pang sibilyan, minasaker ng 62nd IB sa Negros Oriental
July 27, 2022

Walang-awa at walang kalaban-labang pinaslang ng mga elemento ng 62nd IB ang tatlong sibilyan sa Sityo Banderahan, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental ala-5 ng umaga kahapon, Hulyo 26. Pinatay ng mga sundalo si Christina Jacolbe, kasama ang kanyang anak na si Everly Kee Jacolbe, 16 taong gulang. Pinatay din ng mga sundalo ang kasama […]

Libu-libong mamamayan nagprotesta sa araw ng unang SONA ni Marcos Jr
July 26, 2022

Inulat ng grupong Bayan na umabot sa 8,000 katao ang nagmartsa kahapon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para ipahayag ang tunay na kalagayan ng bayan kasabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. Hindi natinag ang delegasyon ng mga pambansa-demokratikong organisasyon sa kabila ng makailang-ulit na paninindak, panggigipit at ala-batas militar […]