Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

10 boluntir ng kampanyang #Makabayan4LeniKiko, iligal na inaresto sa Cavite
March 10, 2022

Iligal na inaresto ng mga operatiba ng pulis ang 10 boluntir sa kampanyang #Makabayan4LeniKono kaninang umaga sa Sityo Silangan at Talaba 7, Bacoor, Cavite. Sinalakay ng mga pulis ang mga bahay ng mga biktima sa ang tabing ng “gera kontra droga.” Ayon sa inisyal na ulat, ang mga inarestong residente ay pawang mga kasapi ng […]

Panunumbalik ng open pit mining at TGCP, mariing tinututulan
March 09, 2022

Mariing tinututulan ng mamamayan ng South Cotabato ang panukalang pagpayag ng prubinsya sa open-pit mining na magbibigay daan sa operasyon ng Tampakan gold-copper project. Patuloy na lumalawak ang oposisyon at muling pagsama-sama ng iba’t-ibang mga grupo ng mamamayan at mga indibidwal para ipagtanggol ang Environment Code ng prubinsya na nagbabawal sa open-pit mining at para […]

Iligal na inarestong unyonista, pinalaya ng korte
March 09, 2022

Nakalaya na kahapon, Marso 8, ang unyonistang si Dennise Velasco matapos ang isang taon at tatlong buwang pagkakabilanggo. Isa si Velasco sa pitong inaresto sa serye ng mga reyd noong Disyembre 10, 2020 sa Metro Manila na kinilalang Human Rights Day 7. Gumamit ang pulis ng kwestyunableng mga search warrant para pasukin ang tinitirhan ng […]

Huwes na naglabas ng mga warrant sa Bloody Sunday at Tumandok masaker, inangat sa Court of Appeals
March 09, 2022

Itinalaga ni Rodrigo Duterte noong Lunes, Marso 7, ang dating huwes ng Manila Regional Trial Court na naglabas ng tatlong search warrant na ginamit ng mga elemento ng pulis at militar sa madugong pagpatay sa mga aktibista sa Southern Tagalog noong Marso 7, 2021. Itinaon pa sa anibersaryo ng maramihang pagpatay na inaalala bilang Bloody […]

Mga kumpanya sa langis, binatikos ng mga drayber sa "malaswang pagkamkam ng tubo"
March 07, 2022

Nakatakdang tumaas nang hanggang P6 kada litro ng diesel bukas. Pansampung pagtaas na ito ng presyo ng langis ngayong taon. Kaliwa’t kanan na ang reklamo ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan dahil sila ang pangunahing bumabalikat sa mga pagtaas at hindi naman itinataas ang pamasahe. “Sinasabi ng malalaking kumpanya na ang gyera sa Ukraine […]

PKP: Walay basihan ang pagkundena sa CHR sa BHB
March 07, 2022

Gisaway sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) karong adlawa ang Commission on Human Rights (CHR) nga wala kiniy basihan sa pagkundena niini sa gitawag niining “mga kalapasan sa Bagong Hukbong Bayan” sa mga balaod sa gubat ug sa internasyunal nga makitawhanong balaod. Gikundena bag-o lang sa CHR ang armadong aksyon nga gilunsad sa NPA-Sorsogon batok […]

CPP says CHR’s condemnation of the NPA is baseless
March 07, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today hit the Commission on Human Rights (CHR) for its baseless condemnation of what it deems “New People’s Army violations” of the rules of war and the international humanitarian law. The CHR recently condemned the armed action mounted by the NPA-Sorsogon against the headquarters of the 504th Police […]

PKP: Walang batayan ang CHR sa pagbatikos sa BHB
March 07, 2022

Inalmahan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang walang batayang paglalabas ng Commission on Human Rights ng mga pahayag sa mga itinuring nitong mga “paglabag ng Bagong Hukbong Bayan” sa mga patakaran ng digma at internasyunal na makataong batas. Kinundena kamakailan ng CHR ang armadong aksyon ng BHB-Sorsogon sa hedkwarters ng 504th Police Maneuver Company […]

Pagpabor ng Korte Suprema sa batas “kontra-terorismo,” hiniling na baliktarin
March 06, 2022

Naghain ng motion for reconsideration ang mga abugado mula sa National Union of People’s Lawyers at Integrated Bar of the Philippines sa Korte Suprema na umaapela dito na baligtarin ang una nitong desisyong pabor sa Anti-Terrorism Law noong Marso 2. “May mga bahagi sa ating kasaysayan na hindi na dapat maulit, laluna yaong mga nagluluwal […]

Kaya pa ba ang sunod na gahiganteng pagtaas ng presyo ng langis?
March 06, 2022

Nakatakdang tumaas pa nang hanggang ₱5.50 ang presyo kada litro ng diesel sa susunod na linggo. Ito ang tantya ng kumpanyang Unioil noong Marso 5, matapos ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa nakaraang dalawang buwan. Ang nakatakdang pagtaas na ito ang ika-10 na sa loob ng taon. Liban sa diesel, taya ng […]