Archive of AB Dailies

Inaprubahang panukalang para sa ayuda na Bayanihan 3 — kakarampot na nga, siningitan pa ng pensyon para sa mga sundalo at pulis
May 26, 2021

Inaprubahan kahapon sa pangalawang pagdiniig sa Mababang Kapulungan ang panukalang Bayanihan 3 na nakatakdang magbigay ng P2,000 ayuda para sa lahat. Ipamamahagiito sa dalawang bigayan ngayong taon. Malayong-malayo ito sa iginigiit ng Ayuda Network na P10,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan. Anang grupo, malinaw na hindi pinakinggan ng mga nagpanukala at nagpasa nito […]

Gaano ka nakamamatay ang Anti-Terror Law?
May 26, 2021

34 pinaslang, 104 ikinulong ng AFP/PNP habang dinidinig sa Korte Suprema Nagtapos na ang pagdinig ng Korte Suprema sa mga argumento mula sa mga abugado ng mga nagpetisyong ibasura ang Anti-Terror Law at tugon ng gubyerno hinggil dito noong Mayo 17. Umabot sa siyam na magkahiwalay na araw sa loob ng apat na buwan ang […]

Jalaur Mega-dam: imprastrukturang kapalit ay luha’t dugo ng masa
May 16, 2021

Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng ₱11.2 bilyong proyektong mega-dam sa Barangay Agcalaga, Calinog, Iloilo sa tag-init ng taong 2023. Magiging operational ang Jalaur River Mutipurpose Project Phase II (JRMP II) sa unang kwarto ng 2024, ayon sa anunsyo ng project manager nitong ikalawang linggo ng Mayo. Ilambuhay na ang naging kapalit ng pagtutuloy ng dam. […]

67 Palestino, kabilang ang 17 menor de edad, patay sa teroristang pang-aatake ng Israel
May 13, 2021

Umaabot na sa 67 Palestino, kabilang ang 17 menor de edad, ang naitalang patay noong Mayo 13 sa tuluy-tuloy na teroristang pang-aatake ng Israel sa Gaza Strip. Halos 400 ang naiulat na sugatan sa mga airstrike, kung saan mahigit 100 ay mga bata. Ang Gaza Strip ay isang makitid na englabo kung saan nakatira ang […]

Update sa mga pagdinig kaugnay sa Anti-Terror Law sa Korte Suprema
May 13, 2021

Sumentro kahapon ang mga pagdinig sa Anti-Terror Law (ATL) sa probisyon nito na nagpapahintulot ng arbitraryong pagdedeklara ng mga indibidwal at grupo bilang mga terorista nang hindi dumadaan sa karampatang proseso. Ang partikular na probisyon ay matatagpuan sa Seksyon 2 ng naturang batas. Dalawa sa pinaka-senior na mahistrado ang nagsagawa ng pagtatanong sa abugado mula […]

Balik-tanaw sa Kasaysayan: Labanan sa Dien Bien Phu, Vietnam (maliit at mahinang bansa laban sa malaki’t makapangyarihang bansa)
May 12, 2021

Sa loob ng 55 araw may, 67 taon nang nakalipas, tinalo ng isang maliit at mahinang bansang Vietnam ang isang malaki at makapangyarihang imperyalistang France sa Dien Bien Phu noong Mayo 7, 1954. Bunsod ng kanyang pagkatalo, umatras ang France sa mga kolonya nito sa Indochina (na sumasakop noon sa Vietnam, Laos at Cambodia). Ang […]

Mayo 10 | Kontra-huntang gubyerno, idineklarang “teroristang organisasyon” ng militar sa Myanmar
May 10, 2021

Balita kahapon ang pagdeklara ng huntang militar sa Myanmar sa National Unity Government (NUG), ang binuong gubyerno ng mga ministro ng National League of Democracy (NLD) bilang isang “teroristang organisasyon.” Bago nito, idineklara ng hunta bilang “iligal na organisasyon” ang Committee Representing Pyidaungsu Hluttaw (CRPH), ang paunang pormasyon ng naturang gubyerno. Sa pamamagitan nito, maaari […]

Herd immunity at pagbabalik sa normal sa Pilipinas, sa 2030 pa?
May 09, 2021

Balita kahapon ang pagdating sa bansa ng 2 milyong dosis ng bakuna ng AstraZeneca mula sa Covax Faciltiy ng World Health Organization. Sa kabuuan, may 7.5 milyong dosis nang bakuna ang dumating sa bansa. Sapat ito para bakunahan ang 5.39% sa 77 milyon (o 70% ng populasyon) na kailangang maabot para makamit ang tinatawag na […]

May 9| Nagliliyab ang mga protesta laban sa dagdag na buwis at kainutilan ng estado sa Colombia
May 08, 2021

Araw-araw na mga protesta ang inilulunsad ng mamamayan ng Colombia mula pa Abril 28 para ipahayag ang kanilang galit sa gubyerno at presidente nitong si Ivan Duque. Binalak ng gubyerno dito na magpataw ng value added tax o VAT sa maraming batayang produkto para makalikom diumano ng $6.7 bilyon na rebenyu para sa gubyerno sa […]

Petron, kumita ng P1.7 bilyon sa mataas na presyo ng langis
May 08, 2021

Balita nitong linggo na kumita ang Petron Corporation ng P1.74 bilyon sa unang tatlong buwan ng taon dulot ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Bumagsak ang kita ng Petron sa unang hati ng 2020 dulot ng mga restriksyon sa transportasyon pero mabilis itong nakabawi sa huling kwarto ng taon. Mula Enero, […]