Balita

"Way Chacha," inilunsad ng kababaihan at kabataan ng Davao City

,

Nagbuklod noong Pebrero 8 ang kababaihan at kabataan sa Davao City para ilunsad ang “Way Chacha” (No Chacha) para itulak ang pagpapatigil sa pakanang charter change.

“Naninindigan kami bilang bahagi ng nagpapatuloy na kasaysayan para sa tunay na empowerment ng mamamayan sa demokratikong mga proseso sa Davao,” ayon sa pahayag ng grupo.

Tinuligsa nito ang pakanang pagpapapirma sa ngalan ng “people’s initiative” kapalit ang barya-baryang suhol, at ayuda ng mga ahensya ng estado. “(W)ala itong tunay na partisipasyon na mamamayan at sa halip ay hungkag at mapang-abuso sa tiwala ng publiko, laluna sa nangangailangan, anito.

“Hindi papayag ang kababaihan at kabataan ng Davao City na pagpatutuloy itong pakanang mapanlinlang, iligal at imoral,” dagdag ng grupo. Sa halip na chacha, dapat tugunan ang mga usapin ng kababaihan at kabataan, tulad ng kahirapan, implasyon at kawalan ng mga oportunidad sa empleyo at edukasyon.

Kabilang sa mga pumirma sa pinag-isang pahayag ang kinatawan ng Gabriela Women’s Party, PILIPINA at iba pang mga non-government organization.

AB: "Way Chacha," inilunsad ng kababaihan at kabataan ng Davao City