Bitak sa militar sa likod ng pekeng balita
October 21, 2019

PILIT ITINATAGO NG mga pekeng balita ang matinding bitak at demoralisasyon sa loob ng militar at pulisya. Sa Kalinga, Abra at Ifugao, pekeng balita ang ipinantakip sa mga insidente ng barilan sa pagitan ng mga sundalo at CAFGU, at ng mga pulis. Noong Agosto 15, dalawang myembro ng CAFGU ang napatay matapos makipagbarilan sa mga […]

Ang nagtatanim, walang makain
October 21, 2019

Seryoso ang problema ng kagutuman sa Pilipinas. Ito ang iginiit ng Welthungerhilfe at Concerned Worldwide hinggil sa Global Hunger Index (GHI) noong 2019. Ang GHI ay naglalaman ng tantos ng kagutuman at malnutrisyon sa mga bansa. Sinabi rin sa ulat na “nakaaalarma” ang pagkabansot ng mga batang wala pang limang taong gulang, tanda ng laganap […]

Ayuda, hindi importasyon at pautang
October 21, 2019

IGINIIT NG MGA progresibong organisasyon ng magsasaka nitong Oktubre na kaagad itigil ng rehimeng US-Duterte ang importasyon ng bigas at bigyan ng kinakailangang ayuda ang mga magsasaka ng palay. Ipinanawagan nila ang pagbabasura sa Batas sa Liberalisasyon ng Bigas o RA 11203 na malaking pabigat pa sa mga magsasaka. Anila, walang magiging silbi ang mga […]

Manggagawa ng Wyeth-Nestlé, nagpiket
October 21, 2019

Nagpiket ang mga manggagawa ng Wyeth-Nestlé noong Oktubre 14 sa harap ng kumpanya sa Cabuyao, Laguna. Dismayado sila sa naging resulta ng collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng maneydsment at mga upisyal ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPU). Anang unyon, napakaliit ng iniaalok na dagdag-sahod gayong ipinagmamalaki ng kumpanya na kumikita ito ng […]

Ikaapat na edisyon ng MKLRP, inilabas
October 21, 2019

  INILABAS NOONG SETYEMBRE 23 ang ikaapat na edisyon ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino (MKLRP). Ang MKLRP ay saligang kursong pag-aaral na inililimbag ng Partido sa pamamagitan ng Pambansang Kagawaran sa Edukasyon (PAKED). Sa edisyong ito ng MKLRP, idinagdag ang seksyon tungkol sa rehimeng Benigno Aquino III. Kininis din ang diskusyon hinggil […]

Mga manggagawa sa NKTI, nagtagumpay
October 21, 2019

INIANUNSYO NOONG OKTUBRE 11 ng asosasyon ng mga manggagawang pangkalusugan sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang kanilang mga tagumpay sa kanilang collective negotiating agreement (CNA) sa maneydsment ng ospital. Nagiit ng mga manggagawa ang pagbibigay sa kanila ng mga benepisyo tulad ng dagdag na pondong paluwagan (P5,000 kada manggagawa), libreng pagkain, libreng ospitalisasyon […]

Paano nagkamal ng yaman ang mga Alcantara?
October 21, 2019

Malaki ang puhunan ng pamilyang Alcantara sa kontrobersyal na Tampakan Copper-Gold Project. Isa lamang ito sa mga negosyo ng Alsons Consolidated Resources Incorporated (ACR o Alcantara Group), isang dambuhalang kumpanyang may samutsaring sangay ng negosyo na nakabase sa Mindanao. Kontrolado rin ng Alcantara Group ang malaking sapi sa Australian na kumpanyang Indophil Resources NL. Kabilang […]

Militar at mina, kambal delubyo sa Tampakan
October 21, 2019

Muling umigting ngayong taon ang walang awat na kampanyang militar sa mga hangganan ng mga prubinsya ng South Cotabato, Davao del Sur, Sultan Kudarat at North Cotabato. Naglunsad ng operasyong dumog sa naturang lugar ang mga pasistang pwersa ng 39th IB, 27th IB, at 73rd IB sa ilalim ng 1002nd IBde ng AFP, at ang […]

Regalong karahasan sa mga guro
October 21, 2019

Sa Buwan ng mga Guro, karahasan ang iniregalo ng rehimeng US-Duterte sa mga guro at kanilang mga estudyante. Dalawang guro ang tinangkang paslangin habang apat ang iligal na inaresto. Sa Bukidnon, binaril ng mga ahente ng rehimen sa harap ng kanyang mga estudyante si Zhaydee Cabañelez at asawa niyang si Ramil noong umaga ng Oktubre […]

Krisis sa transportasyon, bulok na ekonomya
October 21, 2019

Noong nakaraang linggo, sumiklab ang galit ng mga residente ng Metro Manila matapos sabay-sabay na pumalya ang tatlong sistema ng tren na sinasakyan ng milyun-milyong mamamayan. Dumagdag ito sa napakalala nang trapik sa mayor na mga daan sa pambansang kabisera. Sa harap nito, ipinagpilitan pa ng rehimeng Duterte na walang nagaganap na krisis sa transportasyon. […]