Inihalal ng pamabansang kombensiyon ng Partido Liberal si Sen. Sergio Osmena bilang kandidato sa pagkapangulo noong ika-15 ng Hunyo at hinirang naman ng Partido Nacionalista ang kasalukuyang presidente, Ferdinand Marcos bilang kandidatong reeleksiyonista noong ika-21 ng Hunyo. Ang dalawang kombensiyon ay kapwa nagpatotoo sa kriminal na kaluhuan at kabulukan ng dalawang partidong burges-asendero. Sa darating […]
Lalong maliwang ang estratehikong alyansa ng imperyalismong sosyal ng Sobyet at imperyalismong Amerikano nang idineklara ng papet na Presidente Marcos sa pangkulturang misyong Sobyet, na binuo ni Dr. Evgeny Ivanov, Dr. Julie Letonova at Alexander Kalov Philippovich, na “kami ay umaasa na magkakaroon ng higit na marami pang korespondensya, pangkulturang palitan at mapagkaibigang ugnayan.” Sa […]
Sa komperensiya ng mga ministro ng Asian Pacific Council (ASPAC) sa Kawana, Hapon, noong nakaraang buwan, gumawa ang Kalihim Panlabas na si Carlos P. Romulo ng isang nakakalokong mungkahi na sumanib ang Republika ng Mamamayan ng Tsina sa ASPAC. Ang retorikong tanong na ito ng isang utusang aso ng imperyalismong Amerikano ay isang paghamak sa […]
Walang pang-apat na taon mula nang ang unang rebolusyonaryong putok ng riple ay narinig sa Taylandia noong 1965 sa bundok Pupan sa hilagang-silangang Taylandia, ang lagablab ng sandatahang pakikibaka ay kumalat na sa 33 ng 71 probinsya ng bansa. Ang sandatahang lakas ng mamamayan ng Taylandia mula noon ay patuloy na nagtaas sa kasanayang panagupa […]
Kamangha-mangha ang mga tagumpay na nakakamit ng mga rebolusyonaryo at mga rebolusyonaryong mamamayan ng Indiya sa kanilang pakikibaka laban sa daan-daang taong makahayup na paghahari ng imperyalismo, peudalismo at burukrata kapitalismo. Ang Partido Komunistang Indiyo na nasasandatahan ng Marxismo-Leninismo Kaisipang Mao Tsetung ay naglunsad ng pakikibaka laban sa mga rebisyonista sa loob ng Partido na […]
Ang prinsipal na dahilan kung bakit ang badyet ng reaksiyonaryong gobyerno ay hindi napagpatibay ng regular na sesyon ng Konggreso na natapos noong Mayo ay ang mahabang debate na nagbuhat sa labis na laki ng panustos na inilalaan para sa parasitikong reaksiyonaryong Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ang lantad na kasamaan ng hangarin nito. Sa […]
Ang mga taksil na rebisyonista ay lumilikha ng gulo rito at sa buong daigdig at walang-kahinatnang nagsisikap na hadlangan ang matagumpay na pagsulong ng rebolusyong demokratiko ng bayan sa Pilipinas at ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo. Imposibleng malabanan at magapi ang imperyalismong Amerikano at ang katutubong reaksiyon nang hindi lalabanan at magagapi ang makabagong rebisyonismo. Ginagawa […]
IV Mga ______________ kamalian at kahinaan A. Mga Kahinaan sa Ideolohiya Ang pangunahing kahinaang pang-ideolohiya ng nakaraang liderato ng Partido Komunista ng Pilipinas ay suhetibismo na lumabas sa hugis ng dogmatismo at emperisismo at nagbunga ng mga linyang Deretsista at “Iskiyerdistang” oportunismo. Ang Pilipinas sa kanyang pagiging mala-peudal at mala-kolonyal na bansa, ay may malawak […]
Ang pinakanakasisilay na kontra-rebolusyonaryong krimen sa Timog-Silangang Asya ng mga bagong tsa ng Kremlin ay ang pag-aarmas nito sa mga reaksiyonaryo sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya ng malaking kantidad ng mga sandata at iba pang kagamitang militar upang tulungan silang puksain ng buong bangis ang rebolusyonaryong sandatahang pakikibaka ng mga mamamayan. Ang taksil na […]
Itinaas ng Monetary Board ng Central Bank ang rediscount rate mula sa 8 bahagdan upang maging 10 bahagdan. Ito ay nangangahulugan na ang sistema ng pananalapi ng Pilipinas ay malapit nang bumagsak. Napakakitid na ang palugit para sa mga bangkong komersiyal na makatubo. Ang maksimum na interes na maari nilang singilin sa mga may garantiyang […]