Mahigit isang buwan na lamang bago ang eleksyon sa Mayo 9. Habang papalapit ito, lumalakas ang kilusang masa laban sa tiraniya ni Rodrigo Duterte at sa tangkang panunumbalik ng mga Marcos sa poder. Nakasanib ito sa pangunahing agos ng kampanyang pang-eleksyon ng nangungunang kandidato ng pampulitikang oposisyon, at inaabot at pinupukaw ang daan-daan libong mamamayang […]
Bigo ang rehimeng Duterte, sampu ng mga heneral nito, na gapiin ang armadong paglaban ng bayan matapos ang halos anim na taong matitinding operasyong militar. Noong Marso 29, ipinagdiwang sa buong bansa ang mga tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa nagdaang taon, kasabay ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Sa ulat ng […]
Tinambangan ng BHB-Rizal ang tropa ng 80th IB malapit sa kampo militar sa Maugraw, Sityo Quinao, Barangay Puray, Rodriguez, Rizal noong Marso 26. Dalawang sundalo ang napatay habang dalawa ang nasugatan. Ayon sa lokal na yunit ng BHB, ang ambus ay tugon sa kahingian ng mamamayan na parusahan ang mga sundalo na naghahasik ng terorismo […]
Mahigit 30 sasakyan at daan-daang magsasaka at kanilang mga tagasuporta ang naglunsad ng “Caravan of the Landless for Land, Food and Justice” noong Marso 25-30 sa 41 bayan at limang syudad sa Bicol. Pinangunahan ito ng Kilusang Magbubukid ng Bicol (KMB). Bitbit ng mga nagkaraban ang mga panawagan para sa libreng pamamahagi ng lupa; pagkain, […]
Ipinagmamayabang kapwa ng US at Pilipinas na “pinakamalaki” sa nagdaang pitong taon ang Balikatan 2022, ang taunang pinagsanib na pagsasanay sa pagitan ng mga armadong hukbo nito. May mga aspeto itong nakatuon sa paghahanda ng US sa pakikipaggera nito sa China. Mayroon din itong mga aspetong lalupang magpapaigting sa brutal na gera kontra-insurhensya laban sa […]
Bumisita ang punong kumander ng Philippine Army First Scout Ranger Regiment sa Indonesia noong Marso 29 hanggang Abril 1 upang planuhin ang gaganaping pagsasanay ng mga militar ng Pilipinas at Indonesia sa Hunyo nitong taon. Layunin ng naturang pagsasanay ang magbahaginan ng kaalaman, taktika at teknika, at mga paraan sa pagsagawa ng mga operasyong kontra-insurhensya. […]
“Mga kapatid at kasama, kain lang kayo kung anong makita ninyo diyan.” Ito ang nakapaskil sa dinatnan ng mga kasamang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa labas ng isang kubo sa isang larangan sa North Central Mindanao Region. Napaligiran ang naturang kubo ng maraming saging kaya tuwang-tuwa sila sa paanyaya. Nang mabusog, hinawan […]
Dalawang sibilyan ang pinatay ng mga sundalong naghuramentado matapos silang mabigwasan ng isang yunit ng hukbong bayan sa Himamaylan City, Negros Occidental. Dinukot at pinatay ng mga ito ang magkapatid na magsasakang sina Jayson at Arnulfo Sabanal, mga residente ng Sityo Maliko-liko, Barangay Carabalan, noong Marso 25. Pinalabas silang mga Pulang mandirigmang napatay sa labanan. […]
Malaki ang maiaambag ng kabataan, laluna ang kabataang intelektwal, sa pagsulong ng digmang bayan, ayon kay Ka Amihan Guerrero, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Sur. Isa si Ka Amihan sa mga Pulang mandirigma na nagpadala ng liham para sa mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) sa okasyon ng ika-53 anibersaryo ng BHB noong […]