Pondong pantugon sa Covid-19, balon ng korapsyon
July 07, 2021

Balon ng korapsyon ang bilyun-bilyong pisong inilaan ng rehimeng Duterte sa tugong nito sa pandemyang Covid-19. Sa ulat ng mga ahensya ng estado noong Hunyo 25, tinatayang aabot pa sa ₱168.7-bilyong pondo o 25.43% ng kabuuang ₱665.7 bilyong inilaan para rito ang hindi nagastos ng iba’t ibang ahensya ng gubyernong Duterte simula pa Marso sa […]

Pang-aaresto at militarisasyon sa Bicol
July 07, 2021

Isang magsasaka ang pinatay at 19 sibilyan ang inaresto sa iba’t ibang operasyong militar sa Bicol nitong nagdaang dalawang linggo. Nakapailalim pa rin sa okupasyong militar ang maraming bahagi ng rehiyon. Binaril at napatay ng mga pwersa ng Regional Mobile Force Battalion si Alex Llabres, magsasaka at residente ng Barangay San Roque Heights, Bula, Camarines […]

Magsasaka pinaslang, 22 pamilya nagbakwit
July 07, 2021

Nitong nagdaang mga linggo, tig-isang kaso ng pagpaslang at panganganyon ang naiulat sa Negros Occidental, habang 22 pamilya ang nagbakwit sa Surigao del Sur. Limang sibilyan naman ang inaresto sa Bohol, Laguna at Agusan del Sur. Pagpaslang. Pinatay ng mga sundalo ng 3rd ID noong Hunyo 9 si Erming Pacheco, isang Tumandok, sa Sityo Dala-upon, […]

2 M16, nakumpiska ng BHB-Surigao del Sur
July 07, 2021

Dinisarmahan ng mga Pulang mandirigma ang mga armadong gwardya ng MR1 Construction Company noong Hunyo 24 sa Barangay Zone 3, Lanuza, Surigao del Sur. Nakumpiska sa nasabing opensiba ang dalawang ripleng M16, isang shotgun, isang kalibre .45 pistola at iba pang gamit militar. Nasawi sa aksyong militar ang isang gwardya at isang elemento ng CAFGU. […]

DDoS attack ng AFP, DOST sa alternatibong midya
July 07, 2021

Nilantad ng Qurium Media, organisasyon sa cybersecurity na nakabase sa Sweden, sa isang ulat noong Hunyo 22 na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Science and Technology (DOST) ay nasa likod ng mga distributed denial-of-service (DDoS) attack sa mga grupong Bulatlat, Altermidya at Karapatan. Nagsimula ang mga atake noong kalagitnaan ng […]

Ika-5 taon ni Duterte, sinalubong ng protesta
July 07, 2021

Higit isang libo ang nagmartsa patungo sa Mendiola Bridge sa Maynila sa ika-5 taon sa poder ni Rodrigo Duterte noong Hunyo 30 para singilin ang kanyang rehimen ng korapsyon, pagtataksil, pagpaslang at pagpapahirap sa bayan. Sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan, giit ng iba’t ibang mga organisasyon ang pagwawakas sa mga pagpaslang at pagsasakdal sa […]

Mga protesta
July 07, 2021

75-taon ng neokolonyalismo. Naglunsad ng isang raling iglap ang may isandaang kabataan sa harap ng Embahada ng United States sa Pasay City noong Hulyo 4. Sa pangunguna ng League of Filipino Students, giit ng mga kabataan ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement, Enhanced Defense Cooperation Agreement at lahat ng hindi pantay na mga kasunduan at […]

Sa madaling salita
July 07, 2021
Nang busugin ng diktador ang kanyang mga halimaw
July 07, 2021

Hanggang sa nalalabing mga buwan ng upisyal na termino ni Rodrigo Duterte, nagpapatuloy ang pagpabor niya sa kanyang armadong mga tauhan, laluna sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang malimit niyang ituring na “mga sundalo ko” ay ipinapalayaw sa madalas na pagbisita sa mga kampo, pag-udyok sa kanila na pumatay at manggahasa, at maging […]

Mga sasakyan-panghimpapawid ng AFP: Lumilipad na mga kabaong?
July 07, 2021

Mistulang lumilipad na mga kabaong ang mga helikopter at eroplano ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Bumagsak noong Hulyo 4 ang isang C-130 Hercules transort plane ng militar sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu, na nagtamo ng pinakamalalang kaswalti sa nakaraang tatlong dekada. Ayon sa pinakahuling ulat, umabot na sa 52 ang kumpirmadong namatay kabilang […]