Tatlong pulis ang sugatan sa ginawang ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sorsogon sa Barangay Putiao, Pilar noong Pebrero 22. Isa dito si MSgt. Osmer Edwin Apa. Ang aksyong ito ay tugon ng BHB sa mga krimen ng PNP sa masang Sorsoganon. Tampok dito ang pagmasaker sa limang magsasaka sa Dolos, Bulan noong nakaraang taon at […]
Tiwala ang Bagong Hukbong Bayan-Eastern Visayas (BHB-EV) na muling mabibigo ang panibagong dedlayn ng 8th ID na “durugin” ang tatlong larangang gerilya sa rehiyon sa ikalawang kwarto ng 2021, at ang ika-apat bago magtapos ang termino ni Rodrigo Duterte. Sa ulat nito ngayong buwan, sinabi ng BHB-EV na umaabot na sa 18 batalyong pangkombat ng […]
Lima ang pinatay at walo ang inaresto sa ala-Tokhang na mga operasyon ng pulisya at militar sa Southern Tagalog simula Marso 4. Madaling araw isinagawa ang mga operasyong ito. Pinaslang ng mga pulis si Emmanuel Asuncion, lider ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Cavite sa hedkwarters ng mga manggagawa na kanyang tinutuluyan sa Dasmariñas, Cavite noong Marso […]
Brutal na inatake ng mga ahente ng estado ang dalawang tagapagtanggol ng mga Tumandok noong nakaraang linggo. Binaril at napatay ng nagpakilalang mga pulis noong Pebrero 28 si Julie Catamin sa Malitbog, Tapaz, Capiz. Si Catamin ay kapitan ng Barangay Roosevelt sa parehong bayan. Ibinunyag ni Catamin na tinamnan ng mga armas at eksplosibo ang […]
Kahit sa gitna ng pandemya, tuluy-tuloy na nagpapakawala ang rehimeng Duterte ng lagim sa mga komunidad ng mga Moro sa tabing ng “gera kontra-terorismo.” Mula Disyembre 2020, libu-libong pamilya ang nagbakwit dulot ng pagsalakay ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang mga komunidad sa kunwa’y mga operasyong pagtugis sa “natitirang pwersa” […]
Limang sibilyan ang pinatay ng mga sundalo at pulis sa magkakahiwalay na insidente mula Marso 1 sa Camarines Norte at Camarines Sur. Pinalabas nila na pawang “nanlaban” ang mga biktima at mga kasapi o tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan. Tatlo ang minasaker sa Barangay Lanot, Mercedes, Camarines Norte noong Marso 3. Pinagbabaril ng mga pasista […]
Mariing tinutulan ng blokeng Makabayan ang panukalang ipinasa sa Kongreso noong Marso 2 na babaklas sa saligang karapatang ituring na inosente ang isang indibidwal hanggang di napatutunayan ang kanyang krimen. Anito, tinatanggal ng House Bill No. 7814 ang batayang mga proseso ng hustisya sa mga pinagsususpetsahang sangkot sa iligal na droga. Sa ilalim nito, agad […]
Personal na sinalubong ni Rodrigo Duterte ang mga bakunang dumating mula sa China sa Villamor Airbase noong Pebrero 28. Noong Marso 4, dumating na rin ang halos 500,000 dosis mula sa Covax Facility ng World Health Organization (WHO). Liban sa mga manggagawa sa kalusugan, prayoridad ng rehimen na mabakunahan ang mga sundalo at pulis. Ang […]
Laganap sa buong mundo ang pag-aalangan at kawalang-tiwala sa mga bakuna laban Covid-19. Idinulot ito ng mga pagdududa sa pangkalahatang kaligtasan, kahalagahan at bisa sa mga bakuna sa nakaraang mga taon. Sa maraming lugar, nakaugat sa kasaysayan ang pagdadalawang-isip ng mamamayan sa mga bakuna. Sa US, halimbawa, mas maraming Itim at Hispanic ang walang tiwala […]