Archive of Armando Cienfuego | Spokesperson

Bulok, kriminal na PNP sa ilalim ng berdugong si Sinas, pananagutin ng mamamayan
March 03, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Sinusuportahan ng MGC-NPA ST ang mataas na kahilingan ng bayan na panagutin ang nabubulok, kriminal at pasistang aparatong Philippine National Police (PNP) at ang namumuong panawagang alisin sa pwesto ang hepe nitong si Debold Sinas. Marapat na pagbayarin ang mga pasistang tagapagtanggol ng estado upang bigyang-katarungan ang mga biktima at hawanin ang daan sa pagkakamit […]

Nalantad ang kasinungalingan ng 201st Brigade sa pagkamatay ng 1 tinyente at 2 pang sundalo ng 85th IBPA
February 18, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Malaking kasinungalingan ang ikinakalat ng 201st Brigade na may naganap pang mga labanan sa pagitan ng Apolonio Mendoza Command (AMC) – NPA Quezon at 85th IBPA matapos magkaengkwentro noong Pebrero 5, alas kwatro ng madaling araw, sa Sitio Pung-uy, Brgy. Masaya, Buenavista. Inimbento ang naganap na dalawa pang sagupaan noong Pebrero 5 alinsunod sa nakasaad […]

Pulang pagpupugay kay Ka Marwin, kadre, kumander, dakilang martir ng sambayanan
February 18, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Pinakamataas na pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog kay Ronel “Ka Marwin” Batarlo, kabataang kadre at Pulang kumander ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-NPA Quezon. Si Ka Marwin ay nag-alay ng buhay sa isang labanan noong Pebrero 5 sa Brgy. Masaya, Buenavista, Quezon. Dakila ang buhay na inialay ni Ka Marwin para […]

Dalawang taon ng RLL, pasakit sa magsasaka at taumbayan
February 18, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Pinatutunayan ng kalunus-lunos na kalagayan ng mga magsasaka sa palayan at umiiral na krisis sa pagkain ang kainutilan at kapalaluan ng ipinasang Rice Liberalization Law (RLL) ng rehimeng Duterte noong Pebrero 15, 2019. Wala itong kabutihang idinulot at sa katunaya’y naging salot lang sa kabuhayan ng masang anakpawis. Sa pagsasabatas ng RLL, tinanggal na ang […]

Laos na ang propaganda ng NTF-ELCAC at AFP-PNP laban sa rebolusyonaryong kilusan
February 08, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Lalo lamang nalulubog sa kahihiyan ang AFP-PNP at NTF-ELCAC sa pagbubuga ng mga pekeng balita at laos na itim na propaganda laban sa rebolusyonaryong kilusan. Pinakahuli rito ang pagyayabang ng 2nd ID na nawasak nila ang tatlong larangang gerilya ng NPA sa CALABARZON at ang pagsuko ng diumano’y 75 NPA na iprinesinta pa ng PNP […]

Isang sundalo patay at maraming nasugatan sa dalawang matagumpay na opensiba ng NPA-ST
February 08, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nagtamo ang mga pwersa ng 201st at 203rd Brigade ng AFP ng tatlong patay at hindi mabilang na sugatan sa dalawang matagumpay na taktikal na opensiba ng NPA Southern Tagalog sa huling bahagi ng Enero. Binabati ng Melito Glor Command ang mga yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC) – NPA Quezon at Lucio de Guzman […]

Papanagutin si Gen. Parlade, AFP at NTF-ELCAC para sa paglalabas ng mga fake news at mga malisyosong pahayag
February 05, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nakikiisa ang Melito Glor Command sa panawagan ng mamamayan na dapat na papanagutin si SOLCOM Chief at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Spokesperson Gen. Antonio Parlade at ang AFP para sa pagpapakalat ng disimpormasyon, fake news at malisyosong listahan ng mga pinaparatangang mga dating sumuko at nahuling NPA na walang iba […]

Hinggil sa atas ni Gapay na lipulin ang mga larangang gerilya sa katapusan ng 2021
February 02, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nangangarap nang gising ang paretirong AFP Chief of Staff na si General Gilbert Gapay na mawawasak nila ang lahat ng mga larangang gerilya sa katapusan ng 2021. Nahihibang si Gapay kung inaakala niyang humihina ang NPA at iilan na lang ang mga nasasaklaw nitong mga larangan. Tulad ng mga nauna sa kanyang hepe ng AFP, […]

Bibiguin ng nakikibakang mamamayan ang bantang paninibasib ng rehimeng US-Duterte sa Mindoro
January 31, 2021 | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Buong giting na haharapin at bibiguin ng rebolusyonaryong kilusan at mga Mindoreño ang pagbabanta ni SOLCOM Chief at NTF-ELCAC Spokesperson Antonio Parlade nitong Enero na ang isla ng Mindoro ang magiging sentro ng kontra-rebolusyonaryong gera sa Southern Tagalog sa 2021. Mabibigo ang saywar ni Parlade na takutin ang mga Mindoreño dahil imbes na mayanig ay […]

Sa ika-34 anibersaryo ng Mendiola Massacre, Tuloy ang laban para sa hustisya at karapatan sa lupa
January 22, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Patuloy na iginigiit ng mga magsasaka ang hustisya at karapatan sa lupa. Sa 34 taong nagdaan, katarungan ang sigaw ng mga magsasaka at kaanak ng 13 biktima ng Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987. Lumalalim ang mga sugat na iniwan nito ngayong pinasahol ni Duterte ang kalagayan ng mga magsasaka. Ito ang higit na nagpapaalab […]