Binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ika-48 na anibersaryo nito. Sa mga nagdaang taon, binuo ng NDFP ang pagkakaisa ng malawak na hanay ng mga inaapi at pinagsasamantalahang uri at sektor sa lipunan laban sa mga naghaharing uri. Naitatag ang malapad na alyansa na nagsisilbi […]
Hindi magkakaroon ng usok kung walang apoy. Pilit na inaapula ng rehimeng Duterte ang lumalaganap na balitang may mga retirado at aktibong upisyal militar na binawi na ang kanilang suporta kay Duterte. Nagkukumahog ang mga alipores ng rehimen na sina Lorenzana at Sobejana na pasubalian ito. Maging ang Malakanyang ay nagpahayag na hindi na sila […]
Militante ang pagdiriwang ng mga yunit sa ilalim ng Melito Glor Command (MGC) at mamamayan sa ika-52 anibersaryo ng NPA. Inilugar ang selebrasyon sa gitna ng mga operasyong militar ng AFP-PNP. Sinimulan ng mga yunit ang pagdiriwang sa pagtataas ng bandila ng CPP at NPA. Dinaluhan ito ng mamamayan mula sa kanayunan at kalunsuran. Ligtas […]
Malugod na binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang mga Pulang mandirigma at kumander sa buong bansa ngayong ika-52 anibersaryo ng NPA! Ipagbunyi natin ang lagpas sa limang dekadang pagsusulong ng armadong pakikibaka na kailanma’y hindi nagawang gapiin ng mga nagdaang rehimen. Hanggang ngayon, patuloy na binibigo ng NPA ang mga atake ng estado […]
Download here: PDF Sapul nang itinatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang New People’s Army (NPA) noong Marso 29, 1969, nasa mga Saligang Alituntunin na nito ang mataas na disiplina, pagpapahalaga sa kapakanan ng mga sibilyan at pag-alinsunod sa mga internasyunal na mga panuntunan kaugnay sa nagaganap na gerang sibil sa Pilipinas. Itinatag […]
Pulang saludo ang ipinapaabot ng Melito Glor Command (MGC) – NPA Southern Tagalog sa Romulo Jallores Command – NPA Bicol para sa matatagumpay na taktikal na opensiba mula Pebrero hanggang Marso. Nakasamsam ang mga yunit ng NPA Bicol ng 17 armas at nagdulot ng pitong patay at apat na sugatan sa hanay ng AFP-PNP. Noong […]
Download here: PDF Pinatunayan na ng kasaysayan ang kawastuhan at pagiging makatarungan ng demokratikong rebolusyong bayan (DRB) na pinamumunuan ng CPP-NPA-NDFP. Sinusuportahan at itinataguyod ito ng malawak na sambayanan dahil isinusulong nito ang kanilang pambansa at demokratikong adhikain. Ang NPA ang tanging armadong pwersa sa Pilipinas na nakikidigma upang itatag ang bagong lipunang malaya, masagana […]
Sinalubong ng mga opensibang militar ng NPA sa Timog Katagalugan (TK) ang masinsin na focused military operations (FMO) ng AFP sa pagbubukas ng buwan ng Marso. Limang kaswalti ang tinamo ng mga berdugong kaaway sa dalawang magkasunod na opensiba ng NPA sa TK. Noong Marso 3, kinomando ng isang tim ng Lucio de Guzman Command […]
Nagpupuyos sa galit at sumisigaw ng katarungan ang MGC-NPA ST para sa karumal-dumal na pagpatay sa siyam na aktibista at pagdakip sa anim na iba pa ng PNP CALABARZON noong Marso 7. Kaisa ito ng mamamayan ng TK sa paniningil kay Duterte at sa AFP-PNP sa kanilang utang na dugo sa bayan. Sagad sa buto […]
Sinasaluduhan ng Melito Glor Command-New People’s Army Southern Tagalog ang lahat ng mga militante at nakikibakang kababaihan ngayong ika-110 taon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Patunay sa napakalaking papel at ambag nila sa lipunang Pilipino ang kanilang nagpapatuloy na laban sa harap ng tumitinding pasismo ng rehimeng US-Duterte. Malaon nang pinagsasamantalahan ng bulok na estado […]