Para sa mga tumiwalag sa rebolusyonaryong landas at sumurender sa reaksyonaryong gobyerno, Batid ng mga kasama na ang ilan sa inyo ay dating mga kasama na hindi kinayang sundin ang rebolusyonaryong patakaran. Hndi kinayang harapin at tanggapin ang aksyong pandisiplina at magwasto sa pagkakamali. Ang iba ay masa na hindi pa lubos nauunawaan ang layunin […]
Madalas kayong ginagawang bantay sa gabi habang mahimbing na natutulog ang mga militar at si Brgy. Captain Adriel ”Boyet” Besana. Ginagawa kayong mga giya at pain sa kanilang operasyon. Ipinapaloob sa intel upang mangalap ng impormasyon laban sa rebolusyonaryong kilusan at New Peoples Army. Pinaggagawa kayo ng kampo at katulong habang kakarampot lang ang natatanggap […]
Senyales ng desperasyon ang lumalalang kampanya ng batalyon ng Philippine Army laban sa mga sibilyan dahil sa kabiguang masukol ang rebolusyonaryong kilusan sa probinsya. Pina uulit-ulit na lamang ng militar at pulis ang marumi nilang taktika ng paninindak at pasipikasyong masa. Nakatuon ang militar ngayon sa kampanya ng panggigipit at pagwawasak sa kabuhayan ng masa. […]
Buong tapang at determinasyong magpupursige ang mamamayang Masbatenyo na isulong ang rebolusyonaryong paglaban upang mag-ambag sa paghihiwalay at pagbigo sa rehimeng Marcos-Duterte. Itinatakwil nila ang pakana ng rehimen na absolutong makapaghari sa karatula ng “pagkakaisa”. Sa halip, handa ang mamamayan ng prubinsya na pangibabawan ang takot, pag-aalangan at pananahimik upang kumilos at sumulong sa landas […]
Pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng lahat ng yunit sa ilalim ng Romulo Jallores Command-BHB Bikol sa magiting na rebolusyonaryong si Antonio “Ka Jovan” Abadeza. Ang kanyang pagkamartir sa kamay ng mga ahente ng estado ay sagisag ng kanyang pinakamataas na anyo ng pagbubuwis ng buhay para itaguyod ang interes ng mamamayan. Sa […]
Pinakamataas na parangal ang iginagawad ng Bagong Hukbong Bayan-Albay kay Kasamang Antonio Abadeza, 57, na pinaslang ng mga tropa ng PNP at Philippine Army sa Barangay Anislag, Daraga noong hapon ng Mayo 28. Kinukundena namin ang pagpatay sa kanya. Taliwas sa pinalalabas ngayon ng militar at pulisya na ang sadya sana nila ay magsilbi ng […]
Pinakamataas na pagpupugay ang ginagawad ng Celso Minguez Command at buong rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon kila Ka Arking at Ka Bitri na nag-alay ng kanilang talino, talento, husay at puso para sa sambayanan. Nasawi sa labanan si Ka Arking nitong Marso 10, 2022, sa edad na 30 at si Ka Bitri nitong Abril 13, 2022. […]
Mariin naming kinukundena ang serye ng pagtatanim ng baril at bomba/granada modus at ang pagbibintang na NPA o MB na ginagawa ng PNP at AFP laban sa mga sibilyan sa probinsya ng Sorsogon. Sinisira ng pakanang ito ang buhay ng mamamayang walang kalaban-laban. Mula 2021 ay umabot na sa 24 na sibilyan ang walang pakundangang […]
Ginugunita ngayon ang araw ng mga ina. Okasyon ito ng pagkilala sa natatanging papel ng mga ina sa mundo. Sa ganang rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon, pagkakataon ito para parangalan at pagpugayan si Leonora “Ka Lyn” Chija, isang inang nag-alay ng kataas-taasang sakripisyo sa pagsusulong ng rebolusyonaryong digma sa probinsya. Si Ka Lyn ay napaslang sa […]
Sinasaluduhan ng rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon ang lahat ng mamamahayag at kagawad ng midya sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag. Wala silang kapaguran sa pagtupad sa tungkulin nila bilang mga ahente ng pagpapalaganap ng impormasyon at katotohanan. May mga nagbuwis na ng buhay sa probinsya para sa adhikaing ito at nakalulungkot na […]