Bukas na liham para sa mga CAFGU at armadong grupo ni Brgy. Captain Adriel “Boyet” Besana

Madalas kayong ginagawang bantay sa gabi habang mahimbing na natutulog ang mga militar at si Brgy. Captain Adriel ”Boyet” Besana. Ginagawa kayong mga giya at pain sa kanilang operasyon. Ipinapaloob sa intel upang mangalap ng impormasyon laban sa rebolusyonaryong kilusan at New Peoples Army. Pinaggagawa kayo ng kampo at katulong habang kakarampot lang ang natatanggap na sahod na kinakaltasan pa ng mga amo niyong opisyal ng militar. Pinagnanakaw kayo upang may pangpulutan at pambabae ang mga militar, pulis at si Kapitan Besana. Samantala, habang tinutupad niyo ang kanilang atas ay ginagahasa naman nila ang inyong ina, kapatid, asawa at anak. Kadalasan ay ginagawa silang mga kabit ng militar at pulis. Dahil pananakot at pagbabanta ay hindi makapagsumbong at makapalag. Maging kayo mismo ay inaalipusta at binubugbog ng inyong mga opisyal, Malala pa pinapaslang kayo.

May napinsala sa hanay ng militar at pulis sa kanilang operasyon subalit dahil sa takot ay nananatili kayong pipi, bingi at bulag. Patuloy na napipilitang sumunod kahit labag na sa inyong kalooban. Maging kayo ay natutulak na rin gawin ang mga gawaing anti-sosyal upang maitawid sa gutom ang inyong pamilya dahil sa tumutinding krisis at hirap sa buhay. Marai na ang nag-awol sa inyong kasamahan dahil sa pagmamalupit at kakarampot na sahod nailing buwan o bago matanggap o kaya’y tuluyang ipinagkakait. Ito ba ang magandang buhay na ipinangako at pinagyabang ng inyong mga pinalilingkurang militar, pulis at ni Brgy. Captain Boyet Besana?

Batid ng JRC – BHB Masbate ang pagsasamantala at pang-aaping ginagawa sa inyo ng militar, pulis at ni Brgy. Captain Boyet Besana. Hinihikayat kayo ng mga kasama na iwanan niyo na ang ganitong gawain. Walang katiyakan ang inyong kaligtasa habang nananatili kayong tuta ng mga militar, pulis at ni Brgy. Captain Boyet Besana. Paghalawan niyo ng aral ang nangyaring paghatol ng pinakamataas na parusa ng hukumang bayan kay Brgy. Captain Adriel”Boyet” Besana ng Brgy. Dalipe, Cawayan, Masbate dahil sa kaniyang ginawang mabibigat na krimen laban sa mamamayang Masbatenyo higit sa lahat sa masang magsasaka kung kaya nahatulang siya ng parusang kamatayan.

Natitiis niyo ba ang hinagpis ng inyong asawa at mga anak habang walang hustisya na iginagawad sa mga criminal na militar at pulis? Maaatim niyo ban a kapwa niyo anakpawis ang inyong pinapalayas at pinapaslang dahil sa pagsunod sa atas ng inyong pinaglilingkuran? Malaki ang inyong papel upang baguhin ang bulok na sistema ng ating bansa.

Mabibigyan ng hustisya ang lahat ng biktima ng pagsasamantala at pang-aapi ng reaksyonaryong estado at pasistang pwersa ng military at pulis. Palaging bukas ang mga kasama na pagbigyan kayo ng pagkakataong magbago at tuluyang hindi na maging kasangkapan ng militar at pulis at ni Besana. Sa halip suportahan ninyo ang organisadong paglaban ng kapwa niyong anakpawis sa pamamagitan ng pagkakaisa, sama sama at organisadong paglaban ay tiyak na makakamit ang tagumpay sa anumang laban ng masang anakpawis .

Huwag ng magpalinlang sa AFP at PNP at buong reaksyonaryong gobyerno. Hanggat nananatili ang bulok na Sistema ng ating bansa at hindi naibabagsak ang reaksyunaryong estado ay walang pagbabagong mapapala ang masang anakpawis. Tanging sa pamamagitan lamang ng armadong rebolusyon at pagkamit ng sosyalistag lipunan tunay na makakamtamang ninanais niyong kaunlaran at kapayapaan.#####

Bukas na liham para sa mga CAFGU at armadong grupo ni Brgy. Captain Adriel “Boyet” Besana