Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Kasamang Celso “Ka Jose/Yok” Oabina
July 20, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Florante Orobia | Spokesperson |

Nagpupugay ang Santos Binamera Command Bagong Hukbong Bayan – Albay (SBC BHB – Albay) sa pinakamataas na sakripisyong inialay ni Kasamang Celso Oabina o mas kilala bilang Kasamang Jose ng mga kasamang kanyang nakasalamuha. Napatay si Ka Jose sa isang depensibang labanan nitong nakaraang Hulyo 15, 2021. Sinikap niyang sa kanya mapokus ang atensyon ng […]

POLYETO | Biguin ang pasistang pananalasa ng 83rd IBPA!
July 15, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-East Camarines Sur (Tomas Pilapil Command) |

Dapat labanan ng masa ng Camarines Sur ang pananalasa ng 83rd IBPA sa kanilang buhay at kabuhayan. Daragdagan lamang ng presensyang militar ang kahirapang dinaranas ng masa dulot ng nagpapatuloy na pandemya at iba pang kontramamamayang patakaran ng rehimeng US-Duterte.

Higit na Paghihirap at Pasismo ang dulot ng planong Naval Base sa Catanduanes
July 14, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Catanduanes (Nerissa San Juan Command) | Teresa Magtanggol | Spokesperson |

Malawakang pagpapalayas sa kabuhayan at komunidad ng mangingisda at malulupit na operasyong militar sa mga apektadong bayan ang tiyak na idudulot ng planong pagtatayo ng base nabal sa bayan ng Bagamanoc.

Labanan ang pagtatayo ng naval base sa Bagamanoc, Catanduanes!
July 14, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Mulat ang mamamayang Pilipinong hungkag at pawang pakitang-tao ang binabalak ng rehimeng US-Duterte na magpatayo ng baseng nabal sa Panay Island, Bagamanoc, Catanduanes.

Ka Raymundo Buenfuerza sa pagkamatay ng mga sundalo at sibilyan sa bumagsak na C-130
July 14, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Ang pagkasawi ng sariling tropa ng gubyerno ay resulta ng kurapsyon ni Duterte at ng AFP. Dapat managot ang imperyalistang US, ang korap na si Duterte at mga tutang upisyal sa AFP sa pagkasawi ng mga sundalo sa mga serye ng aksidenteng dulot ng bulok at palyadong mga asset-militar na binili at inutang sa US […]

Komento ng NPA-Bicol sa paghuramentado ng isang CAFGU sa Sorsogon
July 14, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Kung halimaw ang puno, halimaw rin ang bunga. Ang berdugong pagkahubog sa grupong paramilitar na CAFGU ay ilinuwal ng mas masahol pang kultura ng brutalidad at karahasan ng berdugong AFP. Hindi na nakagugulat ang nangyaring pag-aamok ng isang CAFGU member sa Brgy. San Isidro, Sta. Magdalena, Sorsogon sa loob mismo ng kanilang detatsment. Isa lang […]

Nagpapatuloy ang makatarungang digma ng mamamayan sa Masbate
July 10, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Rebolusyonaryong hustisya ang iginawad ng mga Pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command (JRC-Masbate) nitong July 10, 5:30 ng umaga sa Sitio Balunos, Brgy. Rizal, Dimasalang. Apat ang napatay at 17 ang nasugatan sa hanay ng mersenaryong hukbo sa ambus na isinagawa ng JRC. Ang 24 na elemento ng dagdag pwersa na ipinadala ng 9th ID […]

Pati ba naman mga bata?
June 29, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Ayaw lubayan ng mga tropa ng 22nd IBPA ang walang kalaban-labang mga sibilyan sa Bulan. Pati mga batang walang muwang ay hindi pinapatawad ng mga pasista. Kagabi, dinukot ng mga sundalo sa Barangay Bulawan ang magsasakang si Alvin Mapula, 39, at mga pamangkin niyang sina Althea Mapula, 2 anyos, at Janrex Mapula, 13. Hinanap at […]

Mag-aarmas ang mamamayan laban sa terorismo ng estado
June 27, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Hindi nakapagtatakang desperado nang manawagan ang mga terorista at pahirap na gaya ni Duterte na mag-armas ang sibilyang populasyon. Lantad na lantad na ang pangangatog ng kanyang tuhod sa harap ng lumalakas na armadong paglaban ng mamamayan. Ngunit, hindi na kailangang udyukan ang mamamayang mag-armas. Ilang siglo na nila itong ginagawa at ginagamit upang ipagtanggol […]

Pananalasa ng RCSP sa Partido Area: Pandarambong ng mga likas-yaman, pagwawasiwas ng teror sa mga komunidad
June 26, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-East Camarines Sur (Tomas Pilapil Command) | Baldomero Archanghel | Spokesperson |

Dinudumog ng militar ang Partido area. Mula sa siyam na barangay noong Mayo, 23 nang barangay o 61% ng bayan ng Tinambac ang sinasalanta sa kasalukuyan ng operasyong Retooled Community Support Program (RCSP). Tatlong barangay sa Lagonoy at dalawa pang barangay sa Goa ang militarisado rin. Tapat sa pagiging mersenaryo, nagsisilbing goons ng mga dambuhalang […]