Matagumpay na inambus ng Celso Minguez Command – Bagong Hukbong Bayan Sorsogon ang mga elemento ng 92nd Special Action Company-9th Special Action Force sa Brgy. Putiao nito lamang 7:00 ng umaga, ika-22 ng Pebrero. Sugatan sa command-detonated explosive based na operasyon ng BHB ang mga pulis na sina MSgt. Osmer Edwin Apa, drayber ng […]
Pagpupugay ang iginagawad ng RJC-BHB Bikol sa Celso Minguez Command – Bagong Hukbong Bayan Sorsogon sa matagumpay na ambus sa mga elemento ng 92nd Special Action Company-9th Special Action Force sa hangganan ng Brgy. Putiao nito lamang 7:00 ng umaga, ika-22 ng Pebrero. Marami ang sugatan sa mga pulis kabilang ang team leader na si […]
Nitong mga nakaraang taon, agresibong ipinatupad ng rehimeng US-Duterte ang mapanlinlang na programang E-CLIP na dili iba’t ang pagpapasuko sa mga NPA at panggigipit sa masang pinagbibintangang kalahok sa rebolusyonaryong kilusan. Marami sa inyo at inyong kapamilya ang naobligang pumasok sa programang ito at idineklara bilang “rebel returnees” o mga “balik-loob” kahit na karamihan sa […]
Kinukundena namin ang paggamit ng PNP-Sorsogon sa rebolusyonaryong kilusan upang makatakas sa kanilang responsibilidad at di masilip ang kanilang katamaran, kainutilan at kawalan ng kakayanang resolbahin ang pagkapaslang kay Jobert Bercasio, isang mamamahayag, noong Setyembre 14, 2020. Nitong Enero 21, sa pangunguna ni Lt. Col. Benito Dipad, ay idineklara ng PNP na resolbado na ang […]
PINASLANG ng mga armadong tauhan ng estado si Michael Bagasala alyas Teban kahapon, Enero 24, sa Barangay San Antonio, Barcelona, Sorsogon. Si Teban ay dating mandirigma ng NPA na sumuko sa reaksyunaryong gobyerno noong 2018. Ayon sa mga saksi, ang pumatay kay Teban ay mga unipormadong lalaking nagpakilalang CIDG at PNP ng Gubat, Sorsogon. Gwardyado […]
Tatlo (3) ang patay, isa ang sugatan at tatlong maiigsing armas ang nasamsam sa matagumpay na ambus na ilinunsad ng yunit ng Santos Binamera Command – Bagong Hukbong Bayan Albay laban sa mga elemento ng 31st Infantry Battallion – Phil. Army sa Brgy. Banquerohan, Legazpi City nito lamang Enero 17, 8:00 ng umaga. Ang naturang […]
Walang kaugnayan ang rebolusyonaryong kilusan kay Jonel Alcanso, lider ng Alcanso Gun for Hire group, isang armadong grupong sindikatong hawak ng PNP Camarines Norte. Si Alcanso, kasama ang isa pang nagngangalang Joseph Piat, ay pinatay ng pinagsamang pwersa ng Regional Intelligence Unit V, Camarines Norte Provincial Intelligence Branch, PNP-SAF, PMFC at PNP Labo sa kani-kanilang […]
Panibagong Fake News ng 9th Infantry Division – Phil. Army ang 10 umanong sumukong mga NPA sa kanilang headquarters. Batay sa kumpirmasyon ng mga yunit ng Pulang Hukbo sa Camarines Sur at maging sa iba pang mga prubinsya, walang ulat na may sumuko mula sa anumang yunit nito bagkus dumaragdag pa nga ang mga bagong […]
Pinagpupugayan ng Romulo Jallores Command – Bagong Hukbong Bayan Bikol ang matagumpay na ambus na isinagawa ng yunit ng Armando Catapia Command – BHB Camarines Norte laban sa yunit ng 902nd Infantry Brigade sa So. Manlapat, Brgy. Baay, Labo Camarines Norte nito lamang Disyembre 12, 2020. Humigit-kumulang 30 elemento ng militar ang nagsasagawa ng tuluy-tuloy […]
Nagmimistulang maamong mga tupa at makadiyos ang pagpopostura ng 2nd IBPA at PNP PPO Masbate matapos pangunahan nila ang “Light a Candle Rally” noong Oktubre 29, 2020 sa tapat ng kapitolyo. Layunin ng nasabing aktibidad na ipakita sa mga tao sa sentrong lungsod ng Masbate kung gaano ang pagpapahalaga nila sa buhay ng mamamayan sukdulan […]