Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Dalawang sibilyan, panibagong biktima ng Tokhang style-EJK ng 2nd IBPA sa isla ng Ticao
June 18, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

  Mariing kinokondena ng JRC-BHB Masbate ang nagpapatuloy na Tokhang style-EJK sa bayan ng San Fernando, Masbate na ikinamatay ng dalawang sibilyan na kagagawan ng mga berdugo at mersenaryo ng 2nd IBPA sa ilalim ng Peace and Development Team (PDT) na nakapakat ngayon sa mga baryo ng Talisay, Altavista, Buenavista, Canelas, Del Rosario at Progreso. […]

Lansakang paglabag sa karapatang pantao ang pagpapatupad ng M.O. 32 at E.O. 70 ng AFP at PNP sa Kabikolan partikular sa probinsya ng Masbate at Sorsogon
June 18, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Mataas na pagkondina ang ipinapahayag ng Jose Rapsing Command, JRC- BHB Masbate sa sunod-sunod na ekstra-hudisyal na pamamaslang dito sa lalawigan, ganun din sa probinsya ng Sorsogon. Sa loob lamang ng linggong ito ay apat na katao ang magkakasunod na pinatay sa paraang tokhang style na kagagawan ng mga death squad ng 9th IDPA sa […]

Kundenahin ang pagpaslang sa 2 human rights worker!
June 17, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Pinakamataas na antas ng pagkundena ang ipinapahayag namin sa ekstrahudisyal na pamamaslang na ginawa ng mga death squad ni Duterte sa dalawang staff ng Karapatan-Sorsogon. Sina Ryan Hubilla, 22 taong gulang, grade 12 student sa Sorsogon National Highschool, residente ng Brgy. Trece Martirez, Casiguran at Nelly Bagasala, 69 taong gulang, may asawa at anak, residente […]

Matinding paglabag sa karapatang tao ng 31st IBPA at PNP-Magallanes
June 15, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Pinakamataas na antas ng pagkundena ang aming ipinaaabot sa pinakabagong insidente ng paglabag ng 31st IBPA at Philippine National Police- Magallanes, mga tuta ng pasista at tiranikong rehimen ni US-Duterte. Alas-10 ng gabi nang maglunsad ng strike operation ang pinagkumbinang pwersa sa bahay ni Edwin Dematera “Ka Dupax” noong Hunyo 12. Bisperas ng piyesta noon […]

Patuloy na pananalasa ng teroristang 2nd IBPA, MICO at PNP Masbate sa ilalim ng Oplan Kapanatagan bilang pampalit sa Oplan Kapayapaan ng pasistang diktadurang rehimeng US-Duterte na ang mga biktima ay mahihirap na magsasakang Masbatenyo sa kanayunan
May 31, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Kaisa ng masang Masbatenyo ang Jose Rapsing Command (JRC-BHB Masbate) sa pagkundina sa nagpapatuloy at tumitinding militarisasyon sa walong(8) mga barangay, (Dalipe, Panan-awan, RM. Magbalon, Guiom, Taberna, Cabayugan, Calumpang at Iraya) sa bayan ng Cawayan, Masbate. Ito ay malinaw na paglabag sa karapatang tao ng mga residente na mabuhay ng mapayapa at ligtas sa anumang […]

Atake at Karahasan sa mamamayang Masbatenyo nagpapatuloy sa ilalim ng 2nd IBPA, 9th IDPA at PNP Masbate
May 23, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Muli na namang naghasik ng takot at pangamba sa seguridad at kabuhayan ng mga tao ang grupo ng 2nd IBPA, 9th IDPA at PNP Masbate nang lusubin nito ang mga kabahayan sa isang sitio sa Brgy. Dalipe, Cawayan, Masbate nitong ika-20 ng Mayo. Iligal na pinasok ang ilang mga kabahayan, pinaghahalughog ang mga gamit at […]

Dennis Espano, pang-apat na biktima ng death squad ni Duterte
April 30, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Pinakamataas na antas ng pagkundena ang ipinapahayag namin sa panibagong kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang na ginawa ng armadong pwersa ni Duterte sa pangunguna ng itinayo nitong death squad kay Dennis Espano, 28 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Tinampo, Bulusan, Sorsogon nitong Abril 30 bandang ala 1:40 ng hapon. Nagmamaneho ng tricycle […]

Kapitan ng Baryo at pamilya nito, pinagnakawan at hinaras ng 31st IBPA sa Sorsogon
April 26, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariin naming kinukundena ang pinakabagong insidente ng paglabag sa karapatang tao na ginawa ng mga alipores ng rehimeng US-Duterte laban sa kapitan ng Brgy. Gate, Bulan. Nitong nakaraang Abril 25 bandang alas 2 ng umaga, pumasok ang isang SUV at isang motor sa Brgy. Gate na may lulang armadong kalalakihan. Pito dito ay pwersahang pinasok […]

Pagnanakaw at pananakot ng 31st IB PA sa Sorsogon
April 12, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariing naming kinukundena ang pinakabagong paglabag sa karapatang tao na ginawa ng mga ahente ng estado laban sa mga residente ng Brgy. San Juan Daan, Bulan, Sorsogon. Bandang 5:30 ng hapon nitong Abril 8 nang dumating sa sentro ng baryo ang mga armadong kalalakihang sakay ng 2 van, 2 truck at ilang motorsiklo. Pwersahan nilang […]

Pagmasaker sa 14 na magsasaka sa Negros Oriental, kinundena ng Celso Minguez Command
April 05, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Nakikiisa ang Celso Minguez Command ng Bagong Hukbong Bayan sa Sorsogon sa pagkundena sa nangyaring masaker sa 14 na magsasaka sa tatlong magkakahiwalay na lugar nitong Marso 30 sa Negros Oriental. Nakikiramay ang CMCBHB-Sorsogon sa mga pamilya, kaanak at mga kaibigan ng mga magsasakang walang hinangad at ipinaglaban kundi ang tunay na reporma sa lupa. […]