Pahayag

Kapitan ng Baryo at pamilya nito, pinagnakawan at hinaras ng 31st IBPA sa Sorsogon

Mariin naming kinukundena ang pinakabagong insidente ng paglabag sa karapatang tao na ginawa ng mga alipores ng rehimeng US-Duterte laban sa kapitan ng Brgy. Gate, Bulan.

Nitong nakaraang Abril 25 bandang alas 2 ng umaga, pumasok ang isang SUV at isang motor sa Brgy. Gate na may lulang armadong kalalakihan. Pito dito ay pwersahang pinasok ang bahay ni Antonio Boncan, kapitan ng baryo. Pinadapa ng mga armadong kalalakihan ang asawa ni Boncan habang tinapakan naman sa leeg ang anak nito. Wala si Boncan sa kanyang bahay nang mga oras na iyon. Hinalughog ang bahay at ninakaw ang kanilang pera. Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa rin ng mga Pulang Mandirigma ang insidente.

Malinaw na ang mga pasistang tuta ng rehimeng US-Duterte, ang 31st IBPA ang salarin sa garapalang paglabag na ito sa ngalan ng Oplan Kapayapaan at MO32. Wala nang iginagalang ang mga tauhan ni Duterte, mismong ang mga naglilingkod sa kanyang gubyerno ay hindi ligtas sa anumang kagustuhan nilang isailalim sa pandarahas, pagpatay, pandurukot at iba pang malalalang hakbangin nito na sikilin ang karapatan ng bawat indibidwal.

Asahan nang ang ganitong pasismo sa mamamayan ang higit na magtutulak sa sambayanan na magkaisa at kumilos laban sa pasistang rehimeng ito.

Katarungan para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang tao!
Ibagsak si Duterte!
Mamamayan, Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Biguin ang Oplan Kapayapaan at MO32!

Kapitan ng Baryo at pamilya nito, pinagnakawan at hinaras ng 31st IBPA sa Sorsogon