Archive of Fortunato Magtanggol | Spokesperson

Pagbubunyi ni Sec. Roque sa aniya’y pagkapanalo laban sa “UP Projection”, insulto sa mamamayang Pilipinong biktima ng kapabayaan ng gubyerno
July 02, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

“PANALO NA TAYO! WE BEAT THE UP PROJECTION NA 40,000 CASES! PANALO NA ANG MGA PILIPINO!” Yan ang ipinagsigawan at halos napatalon pa sa tuwang deklarasyon ng madaldal at sinungaling na si Sec. Roque. Mariing kinokondena ng Revolutionary Council for Trade Union-NDF-ST (RCTU-NDF-ST) kasama ng Sambayanang Pilipino ang rehimeng US-Duterte sa IRESPONSABLENG PAHAYAG at pagiging […]

RCTU-ST: Modernisasyon ng tradisyunal na jeepney, anti-maralitang plano sa balangkas ng neoliberal na patakaran ni Duterte!
June 28, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Mariing kinokondena ng Revolutionary Council for Trade Unions-NDF-ST (RCTU-NDF-ST) ang kawalang-katarungang nararanasan ngayon ng mga kawawang drayber ng jeepney at kanilang mga pamilya dahil sa pagpatay ng gobyernong Duterte sa kanilang kabuhayan. Walang awang pinahirapan ng rehimeng US-Duterte at inilulubog pa sa kalunos-lunos na kalagayan ang mga drayber ng dyip at pamilya nila. Dahil sa […]

Anti-terror bill, isinusulong ni Duterte para sa ibayong terorismo ng estado!
June 13, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Mariing kinokondena ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) kasama ng Sambayanang Pilipino ang niratsadang batas ng mababang kapulungan na Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA 2020) na kinopya lamang ng buong-buo sa naunang ipinasa ng Senado na SB1083. Panukala ito ng pasista at mamamatay taong Senador na si Sen. Panfilo “Kuratong Baleleng” Lacson. Masahol pa […]

Anti-manggagawang patakaran, inilusot sa gitna ng pandemyang Covid-19
May 28, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Nakagagalit ang mga tusong hakbangin ng rehimeng US-Duterte sa paglulusot ng mga anti-manggagawang neoliberal na patakaran habang abala ang mamamayan sa paglaban sa pananalasa ng pandemyang Covid-19 at pagharap sa ipinapatupad na militaristang Enhanced Community Quarantine (ECQ). Habang naghihirap, nagugutom, nababalisa at nakakulong sa kanya-kanyang mga kabahayan ang malawak na hanay ng mamamayan ay parang […]

Balik-probinsya-Balik Pag-asa Program, isang recycled na programang balak pagkakitaan ng rehimeng US-Duterte
May 22, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

HUNGKAG AT AMPAW ang planong Balik Probinsya – Balik Pag-asa Program (BP-BP) ng rehimeng US-Duterte bilang haligi daw ng balanseng pag-unlad sa mga malalayong rehiyon! Walang patutunguhan ang programang BP-BP hanggat hindi nauugat at nareresolba ang pundamental na problema ng masang anakpawis sa kawalan ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalsasyon. Hindi naman bago […]

NTF-ELCAC, parang asong ulol na pinakawalan ng rehimeng US-Duterte, desperadong tuluyang alisin sa ere ang ABS-CBN
May 10, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Kitang-kita ang pagkapikon ni Rodrigo Duterte sa ABS-CBN. Ginagamit nya ang buong makinarya ng rehimeng US-Duterte upang ipawalang bisa ang prangkisa sa free airwave frequency na nakalaan sa kumpanyang pag-aari ng pamilya Lopez. Hindi na kayang pagtakpan, saan mang angolo tingnan na punong kapural ang pangulo sa sistematikong pagpapawalang bisa ng prangkisa nang ABS-CBN. Dahil […]

RCTU-ST: Regalo ni Duterte sa Mayo uno, panis na mumo!
May 02, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Muli na namang napatunayan ang pagka-inutil, kriminal, pabaya, pahirap, korap at pasista ang rehimeng US-Duterte. Makatapos ang pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng paggawa, gaya ng inaasahan ng mga manggagawa, walang ibinigay na magandang balita para sa mga manggagawa kundi panis na mumo si Rodrigo Duterte. Bagkus, kaliwa’t kanang paglabag sa karapatang pantao sa pamamagitan ng […]

Manggagawang Pilipino, magkaisa at ipaglaban ang karapatan sa harap ng pasismong Duterte!
May 01, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Taas-kamaong nagpupugay ang Revolutionary Council of Trade Unions – NDF-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) sa mga manggagawa Pilipino sa dakilang pagdiriwang nito ika-117 taon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa buong daigdig! Gugunitain ng buong uring manggagawa ng daigdig ang makasaysayang araw na ito sa gitna ng tumitinding pananalasa ng pandemikong Covid-19 at ibayong panunupil ng mga […]

Ipagdiwang ang Ika-47 Anibersaryo ng NDFP! Iligtas ang bayan sa panganib ng pandemikong COVID-19 at sa pasista’t tiranikong rehimeng US Duterte! — RCTU-ST
April 28, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Malugod na binabati ng lahat ng rebolusyonaryong proletaryado ng Timog Katagalugan sa ngalan ng RCTU-NDF-ST ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ika-47 anibersaryo nito. Pinagpupugayan namin ang lahat ng mga martir at bayani ng rebolusyon sa rehiyon at sa buong bansa. Makasaysayan ang ginampanang papel ng NDFP sa matagumpay na pagsulong ng […]

Martial Law at paghaharing sibilyan-militar na junta sa Pilipinas, ilantad at labanan! — RCTU-ST
April 24, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Revolutionary Council of Trade Unions-Southern Tagalog | Fortunato Magtanggol | Spokesperson |

Ginagamit ng rehimeng Duterte ang krisis sa Covid-19 upang isulong ang kanyang pasistang adyenda para sa pagpapataw ng Batas Militar sa bansa at itanghal ang sarili bilang punong diktador na nasa serbisyo ng imperyalismong US tulad ng diktador na si Ferdinand Marcos. Sa simula’t simula pa lamang ng pagkaluklok sa poder ni Duterte, sinimulan nya […]