Gunitain natin ang ika-57 taong anibersaryo ng ating pinakamamahal na Partido Komunista ng Pilipinas nang may walang-kaparis na rebolusyonaryong paninindigan at pagtanaw sa maniningning na hinaharap ng sambayanang Pilipino. Sa dakilang araw na ito, pinagpupugayan natin ang mga kasamang nagbuwis ng buhay at nabuwal habang nakikibaka. Binibigyan natin ng pinakamataas na pagpupugay si Kasamang Luis […]
Nagpupugay ang RCTU-ST sa paglahok ng daan-daang manggagawa sa makasaysayang araw ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 2025. Tinatakan ng uring manggagawa ang araw na ito bilang araw ng mga bayaning anakpawis. Sa inspirasyon ni Bonifacio, nararapat na lalong pasiglahin ang pagkilos ng mga manggagawa at pahigpitin ang pagkakaisa sa iba pang […]
Lubos na binabati ng rebolusyonaryong proletaryo ang pagkakatalaga ni Kasamang Cleo del Mundo bilang bagong tagapagsalita ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog. Malugod itong balita sa harap ng tumitinding kasinungalingan at buladas ng reaksyunaryong gobyerno ng Pilipinas na pinamumunuan ngayon ng imperyalismong US at ng pasista at mandarambong na pangkating Marcos Jr. Sampal ito sa […]
Taas-kamao at rebolusyonaryong pagbati ang ipinaaabot ng Revolutionary Council of Trade Unions-ST (RCTU-NDFP-ST), sa lahat ng uring manggagawa sa daigdig para sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Taong 1856, sinimulan ng mga manggagawa sa bansang Australia na sinundan ng mga manggagawang Amerikano noong 1886 ang taunang pagkilos sa Mayo Uno para sa panawagan na […]
Ikinagagalak ng buong Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) at ng buong masang manggagawa sa Timog Katagalugan ang Oslo Joint Statement para muling buksan ang peace talks sa pagitan ng GRP at NDFP. Ang Oslo Joint Statement ay nilagdaan ng Negotiating Panel ng NDFP at ng GRP noong Nobyembre 23, 2023 sa Oslo, Norway. Produkto […]
Nakikiisa ang buong Revolutionary Council of Trade Unions-National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) sa pagdadalamhati ng kanyang pamilya, mga kaibigan, mga kasama, mga rebolusyonaryong pwersa at inaaping masa sa rehiyon sa pagpanaw ng ating mahusay na pinuno at proletaryong lider sa Rehiyon na si Ka Sandy. Sa gitna ng ating pagdadalamhati ay iginagawad […]
Mariing kinukundena ng Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) ang rehimeng US-Marcos-Duterte at ang protektor ng mga kriminal na kalihim ng Department of Justice (DOJ) na si Crispin Remulla sa pagmaniubra para iabswelto ang mga pulis na pumatay kay Manny Asuncion. Nakapagngingitngit sa galit ang inilabas na desisyon ng Panel of Prosecutor ng DOJ na […]
Ang Revolutionary Council of Trade Unions – National Democratic Front of the Philippines – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ay kaisa ng kanyang pamilya, mga kaibigan, mga rebolusyonaryong pwersa at inaaping sambayanang Pilipino sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni Ka Joma Sison, ang dakilang komunistang Pilipino sa kasalukuyang panahon at tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa […]
Kasama ng buong manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, mga organisasyon at indibidwal na may pagpapahalaga sa kapakanan ng bayan, nakikiisa ang Revolutionary Council of Trade Union – NDF – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) sa mariing pagtuligsa at pagtutol sa plano ni Marcos na itatag ang Maharlika Investment Fund (MIF). Ganap na niratsada tungo sa senado […]
Kasama ng buong hanay ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan, mariing kinukondena ng Revolutionary Council of Trade Union – National Democratic Front – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ang patuloy na pagbabahay-bahay sa mga lider unyon, pag-iinteroga sa kanilang aktibidad pang-unyon, pananakot para sapilitang tumiwalag sa militanteng sentrong unyong kinaaniban nila at ang militarisasyon sa komunidad ng […]