Muling naglubid ng kasinungalingan ang AFP, ang numero unong tagapagpalaganap ng fake news sa bansa, sa pahayag nitong 48 ang “sumukong” NPA sa rehiyon matapos ang pagdakip sa tagapagsalita ng Melito Glor Command – NPA Southern Tagalog na si Jaime “Ka Diego” Padilla. Malisyoso at pang-iintriga ang pinalalabas nitong “nagkakagulo” sa loob ng hanay ng […]
Pangitang-pangita ang pagiging utak-kriminal at balasubas ni Duterte sa banta niyang hulihin at pabalikin ang mga pinalayang bilanggo sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), kung saan sinabi niyang “pabalikin ang mga bilanggo, buhay man o patay, ngunit mas mainam na patay”. Ibinunga nito ang kontrobersyal na pagbalik ng mga naturang bilanggo nang mas […]
Mariing kinukondena ng Melito Glor Command — New People’s Army Southern Tagalog (MGC-NPA ST) ang pagkamatay ni Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong Setyembre 18 sa isang hazing sa loob ng PMA. Ang AFP, bilang isang marahas at berdugong institusyon, ang dapat singilin sa naturang krimen. Ang hazing na ginagawa sa […]
Naobliga ang hambog na presidente ng reaksyunaryong Gobyerno ng Republika ng Pilpinas na si Rodrigo Roa Duterte na ipag-utos na bawiin ang ginawang pagpapalaya sa 1,900 kriminal na may mga kasong heinous crimes. Nagkandarapa siya sa takot nang kundinahin siya ng buong sambayanan at salubungin ng galit sa pakanang paggawad ng kanyang masugid na alipures […]
Ang panukalang muling buhayin ang kontra-mamamayan at kontra-demokratikong Anti-Subversion Law ng pasista at dating heneral Eduardo Año ay panibagong pakana ng kriminal at tiranikong rehimeng Duterte upang supilin at sikilin ang saligang demokratikong karapatan ng mamamayang Pilipino sa ngalan ng anti-Komunismo. Habang ipokritong nag-iingay si Año, Albayalde at Bato dela Rosa na nais nilang “iligtas […]
Habang patuloy ang paninira ng AFP-PNP at DILG sa CPP-NPA at demokratikong kilusan, lalong dumarami ang mga kabataang lumalahok sa iba’t ibang anyo ng pagkilos at pakikibaka sa kalunsuran at kanayunan resulta ng patuloy na pagsikil at panggigipit ng estado sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan at sa mga kabataan sa mga sakahan, pabrika, komunidad […]
Hinahamon namin si Ronald “Bato” dela Rosa na pumasok sa alinmang bahagi ng sonang gerilya ng Timog Katagalugan upang personal na mag-alam sa tunay na kalagayan ng mga kabataang nagpasyang lumahok sa armadong pakikibaka sa kanayunan. Dito, personal niyang makakapanayam ang mga kabataan at kahit sinong Pulang kumander at mandirigma upang mag-alam kung bakit […]
Pakitang-tao at isang malinaw na propaganda lamang ang pag-aabot ng hepe ng AFP na si Gen. Benjamin Madrigal ng P14.2 milyon sa limang maskaradong intelligence asset bilang pabuya sa pagkakahuli at pagkakapaslang sa lima umanong kasapi ng NPA. Pinalalabas pa ng mersenaryong hepe na “pangangalaga sa pagkatao” ng mga nagsuplong ang pagtakip ng mga […]
Tatlong taon ng pagtataksil, pamamaslang, karahasan at pangangayupapa sa dayuhan ang tunay na larawan ng SONA ni Duterte sa darating na Hulyo 22. Walang dulot na kabutihan at kapakinabangan para sa taumbayan ang gagawing ulat sa bayan ni Duterte. Mga pag-uulit lang ito ng mga pangakong hayagang tinalikuran ni Duterte mula ng manungkulan bilang presidente […]
Ipinapaabot ng Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog (MGC – NPA ST) ang pinakamataas na pagpupugay sa mga Pulang Mandirigma at Kumander ng Apolonio Mendoza Command – New People’s Army (AMC – NPA) sa Quezon laban sa mga atake ng AFP sa magkaibang distrito ng probinsya. Inilunsad ng AMC – NPA ang […]