Nakaamba ang malawakang pagwasak sa Masbate sa pakana ng AFP-PNP-CAFGU na bombahin mula sa himpapawid ang ilang kritikal na kabundukan sa prubinsya. Pinakautak ng pakanang ito ay ang rehimeng US-Marcos Jr sa bago nitong patakaran sa pambansang seguridad o National Security Policy na nagdidiin sa malawakang pambubomba sa himpapawid bilang bahagi ng pinatinding pagsupil sa […]
Kasuklam-suklam at isang kahibangan ang planong pagbomba ng 2nd Infantry Battalion Phil. Army sa bundok ng Bagulayag sa bayan ng Uson. Ilalagay sa panganib ng militar ang buhay at kabuhayan ng mga residente upang bigyang-laya ang ekspansyon ng Filminera – Masbate Gold Project sa mga bulubunduking nagdudugtong sa mga bayan ng Uson, Milagros at Mobo. […]
JOSE RAPSING COMMAND BAGONG HUKBONG BAYAN PRUBINSYA NG MASBATE Setyembre 2023 Rebolusyonaryong pagbati! Nasa kalunus-lunos na kalagayan ang ating pinakamamahal na prubinsyang Masbate at ang buong Pilipinas sa ilalim ng rehimeng US – Marcos, Jr. Lunod sa walang kaparis na paghihirap, gutom at pang-aapi ang ating mga kababayan. Patuloy sa pagsadsad ang buhay at kabuhayan […]
Hindi na kagulat-gulat para sa mga Masbatenyo ang nadiskubreng mga kolorum na operasyon ng Kho Shipping Lines, isa sa mga negosyong pag-aari ng dinastiyang Kho sa prubinsya. Ayon sa balita, karamihan sa mga barko’y sinuspinde ang operasyon dahil hindi rehistrado. Ibig sabihin, iligal na nag-oopereyt. Malamang ay may mga maaari pang masilip sa likod ng […]
Binabati ng Jose Rapsing Command – NPA Masbate ang matagumpay na haras na ilinunsad ng isang yunit ng milisyang bayan noong Setyembre 3, alas-7 ng gabi sa Sityo Kampoon, Brgy. Batuan, Masbate City. Tatlo ang sugatan sa mga pulis na nagtatago lang sa masukal na bahagi ng naturang lugar. Matagal ng ginagalugad ng mga militar […]
Nakaabot sa kabatiran ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang mga naging pahayag ni Monreal, Masbate Mayor Glenda Villahermosa sa pagkamatay ng tatlong kababaihang sibilyan na sina Divina Lubiano Ajitan, Sheryl Dejomo Salazar at Jenlyn Guis Matimtim sa kamay ng militar. Sila ay walang pagtatanging dinamay ng militar sa isang labanan sa pagitan ng […]
Pinakamataas na parangal ang ipinapaabot ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate at ng buong rebolusyonaryong kilusan kay Eddie Rosero na nakilala ng masang Masbatenyo bilang si Ka Star/Art/Picolo. Para sa masa, siya ay dakilang bayani ng mamamayang Masbatenyo. Kaisa ng masa, ng mga kaanak at pamilya ng mga biktima ang buong rebolusyonaryong […]
Dulot nang hindi na maatim na epekto sa kabuhayan at pangamba sa buhay, ispontanyong kumilos ang mga mamamayan sa bayan ng Milagros upang palayasin ang punong himpilan ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army na nakabase sa naturang bayan. Ayon sa nakuhang ulat ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate, nagtipon sa bulwagan ng munisipyo ang mga residente ng […]
Mariing kinukundena ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate ang nagpapatuloy na malawakang militarisasyon sa mga bayan ng Mobo at Uson. Kahindik-hindik na terorismo at abusong militar ang ipinararanas sa mga komunidad sa naturang mga lugar upang takutin ang mamamayan at supilin ang kanilang pagtutol sa nagbabadyang ekspansyon ng mapaminsalang operasyong mina na […]
Sugatan sa pananambang ang barangay Kapitan ng Barangay Bonifacio, Uson na si Democ Movera at dalawa nitong kasamahang CAFGU noong Agosto 9, 2023. Sakay ang tatlo sa isang pick-up trak nang pasabugan ng isang tim ng mga pulang mandirigma ang kanilang sinasakyan. Sila Movera at kasamahan ay mga kasapi ng ALSA MASA o mga ahente […]