Archive of Ma. Roja Banua | Spokesperson

Paglusot ng kontra-mamamayang patakaran sa gitna ng malaganap na takot sa COVID-19 at ASF, dapat bantayan
March 15, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Matagal nang gawi ng reaksyunaryong gubyernong samantalahin ang malaganap at matinding takot o anumang kaguluhan upang ilihis ang atensyon ng taumbayan at ilusot ang pagpapatupad ng mga kontra-mamamayang patakaran. Kasabay ng laban para sa libre, naaabot at de kalidad na serbisyong pangkalusugan, nananawagan ang NDF-Bikol sa mamamayang maging mapagbantay sa anumang pasista at neoliberal na […]

Higit pang panunupil at pagsasamantala ang mensahe ni Duterte at ng Bicol RTF-ELCAC sa Bicol RPOC at RDC
March 08, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Desperado si Duterte na makapanatili sa poder. Nagmamakaawa siyang makuhang muli ang suporta at isalba ng imperyalistang US at mga lokal nitong ahente sa kanyang napipintong pagbagsak. Naglalaway siyang lamunin ang bilyun-bilyongkurakot mula sa pondo ng taumbayan. Hindi kataka-taka sa gayon ang pagkukumahog ng rehimen na ipatupad ang mga nangungunang adyenda ng kanyang amo: ang […]

Manggangawang kababaihan, pwersa ng tunay na lipunang pagbabago
March 08, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ngayong Pandaigdigang Araw ng Manggagawang Kababaihan, pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng NDF-Bikol sa kababaihang patuloy na nakikibaka kaisa ang masang anakpawis. Mula sa paglaban sa dayuhang mananakop at imperyalismo at pagtatanggol ng mga demokratikong karapatan, nananatiling integral na bahagi ang kababaihan sa pakikibaka ng mamamayan para sa tunay na kalayaan, katarungan at demokorasya. Sa […]

Imperyalistang panghihimasok ng US, mananatili sa kabila ng pagsasawalang-bisa ng VFA
February 29, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hanggang angas lang ang hakbang ni Duterte na talikuran ang Visiting Forces Agreement (VFA). Kamakailan, inamin na ng imperyalistang US na patuloy silang ‘magbibigay ng tulong’ sa militar ng Pilipinas di umano’y para labanan ang insurhensya. Lingid sa kaalaman ng publiko, nagsasagawa na ng counterinsurgency training ang mga mersenaryong hukbo ng Pilipinas at US sa […]

Duguan ang kamay ng AFP-PNP-CAFGU
February 29, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mapanghati at mapanlilang ang mga pahayag nina Presidential Peace Adviser Gen. Carlito Galvez, Jr., AFP SolCom Chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. at 31st IBPA Commanding Officer Lt. Col. Eric Culvera. Matapos ang matagumpay na operasyon laban sa rebolusyonaryong taksil na si Antonio Benzon, Jr, alias Hazel, pinalutang nila ang tanong na bakit kailangang patayin […]

Tunay na demokrasya, makakamit sa tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan
February 25, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Tatlumpung apat na taong nakalipas, pinatunayan ng mamamayang Pilipino ang lakas ng pagkakaisa at pinatalsik ang isa sa pinakamalulupit na diktador sa kasaysayan ng bansa. Sa pagbabalik ng diktadura sa mukha ng rehimeng US-Duterte, higit na nahahamon ang mamamayang ibayong palakasin ang pagkakaisa upang labanan ang anumang tangkang saulain ang mga tagumpay ng pag-aalsang EDSA […]

Kampanyang disimpormasyon ng AFP at NTF-ELCAC, pagwaldas sa pondo ng taumbayan at pagsabotahe sa usapang pangkapayapaan 
February 07, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kinukundena ng NDF-Bikol at mamamayang Bikolano ang pagbibitbit ng AFP ng kanilang kontramamamayang adyenda sa ibayong-dagat sa harap ng krisis na kinakaharap ng bansa. Habang kapos na kapos ang rekurso para sa mga rescue operations, tulong pampinansyal at rehabilitasyon sa masang nasa Timog Katagalugan at Kabikulang hinaharap nang sabay-sabay ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal at […]

Confidential and intelligence funds ng DICT at iba pang sibilyang ahensya, pondo para sa pasistang panunupil
February 07, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

  Garapalang winawaldas ng rehimeng US-Duterte ang kabang bayan para sa huwad na gera kontra-terorismo. Hindi na masikmura kahit ng mismong mga upisyal ng sibilyang ahensya ang garapalang pangungurakot at paggastos ng pera ng taumbayan para sa pasistang panunupil. Noong Pebrero 3, mismong si DICT Usec Eliseo Rio na ang bumitiw sa pwesto dahil sa […]

Katawa-tawang parada ng mga de-susing robot ng AFP at PNP
December 29, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sa isang kumpas ng rehimeng US-Duterte, nagmartsa ang mga de-susing robot ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa mga kalsada ng Naga City, Camarines Sur at Legazpi City, Albay upang kundenahin ang ika-51 Anibersaryo ng Partido Komunista . Katawa-tawa ang rehimeng US-Duterte sa pag-aakalang matutumbasan ng pagmartsa ng ilampung sundalo’t pulis […]

Photoshop, Pekeng Balita at Disimpormasyon: Ang Katawa-tawang Tagumpay ng 9th IDPA sa Rehiyon
December 28, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sadyang hindi na maisasalba ng mga militar at pulis ang kanilang imahe sa panibago na namang balita ng kanilang palpak na palabas sa Kabikulan. Sa anibersaryo ng PKP nitong Disyembre 26, ipinakalat ng 2nd IBPA ang kagila-gilalas na balitang mayroon na naman umanong 306 sumurender mula sa prubinsya ng Masbate. Lakas-loob pa nilang linakipan ng […]