Archive of Ma. Roja Banua | Spokesperson

Hinggil sa mga pakulong kilos-protesta laban sa rebolusyonaryong kilusan
December 27, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

  Walang anumang halaga ang pagsasagawa ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), sa pamumuno ng mga nangungunang berdugo sa rehiyon, ng isang kilos-protesta sa Naga City sabay sa pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Walang kabuluhan ang kanilang pagtatangkang siraan ang rebolusyonaryong kilusan at palabasing hindi na […]

Pahayag hinggil sa matagumpay na kilusang masa sa Maguindanao Massacre
December 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng NDF-Bikol ang tagumpay na nakamit ng matatag na kilusang masang walang pagod na nagtulak ng hustisya para sa masaker sa Maguindanao. Bunga ng kanilang isang dekadang pagkakaisa’t pagsisikap napilitan na ang reaksyunaryong gubyerno na pananagutin ang kalakhan ng maysala sa naturang masaker.  Ngunit hindi pa tapos ang laban. Marapat lamang na ipanawagan ang […]

Mamamayan ibayong pandayin ang pagkakaisa! Labanan ang pasismo ng estado!
December 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Buung-buo ang pagsuporta ng NDF-Bikol sa masang Bikolano sa kanilang laban sa militarisasyon at pasismo ng estado. Mabilis na nahuhubdan ang patung-patong na kasinungalingang ipinamamarali ng 9th IDPA at buong Joint Task Force Bicolandia sa rehiyon. Matapos ang magkakasunod na pagkakalantad ng pamamaslang sa mga sibilyang magsasaka sa Catanduanes at ang pekeng pagpaparada sa isang […]

Pabagsakin ang pasistang rehimeng US-Duterte! Manindigan para sa karapatang-tao!
December 11, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang-Tao ngayong Disyembre 10, kaisa ng masang Bikolano ang buong rebolusyonaryong kilusan sa panawagan para sa hustisya at sa pagpapanagot sa numero unong mamamatay-tao at tagasalaula ng karapatang-tao – ang rehimeng US-Duterte. Walang kasingtindi ang brutalidad at karahasan ng rehimeng US-Duterte. Pangunahing target nito ang mga sibilyan laluna ang […]

Hinggil sa Pagdalaw ni Duterte sa Kabikulan
December 07, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ang pagdalaw ni Duterte sa Kabikulan matapos ang pananalanta ng Bagyong Tisoy ay hungkag, ipokrito at hindi maghahatid ng anumang makabuluhang tulong sa mamamayan. Hindi maitatanggi ng pangkating Duterte na ang labis na epekto ng mga kalamidad tulad ng bagyo at lindol ay bunga na ng higit apat na dekadang pagpapatupad ng neoliberal na mga […]

Palayain si Ka Diego Padilla!
November 29, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDF-Bikol sa mariing pagkundena sa walang katarungang pag-aresto kay  Jaime “Ka Diego” Padilla ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis sa Cardinal Santos Medical Center noong ika-25 ng Nobyembre 2019. Ang iligal na pag-aresto kay Ka Diego ay mukha ng pasismo ng rehimeng US-Duterte. Sa desperasyon nitong gapiin ang rebolusyonaryong kilusan, wala […]

Tunay na panlipunang pagbabago, hindi huwad na ECLIP program ang panawagan ng mamamayan
November 22, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kung ipagmayabang ni Maj. Ricky Aguilar, tagapagsalita ng 9th IDPA, ang limpak-limpak na pondong ginagastos nila para sa kampanyang pagpapasurender ay tila ba tuwang-tuwa pa siyang nawawaldas ang kabang-bayan para sa walang katuturang pang-aatake nila sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Paano man bihisan, sadyang lumilitaw ang babaw at labnaw ng pagsusuri ng mersenaryong hukbo sa […]

Disimpormasyon at Saywar ng 9th IDPA, Gatong na Nagpapaliyab sa Paglaban ng Masang Bikolano
November 21, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sadyang nagpapakadalubhasa ang 9th IDPA sa pagpapahusay ng kanilang kampanyang disimpormasyon at saywar laban sa rebolusyonaryong kilusan. Matapos ang sunud-sunod na pagpaparada ng mga pekeng sumurender ay pinapatambol naman nila ngayon ang testimonya umano ng isang sumuko. Ang naturang Ka Daniel umano ang magbibigay-boses at magpapatunay ng mga tagumpay ng kanilang kampanyang kontrainsurhensya sa rehiyon. […]

Summit para sa mga pambansang minorya, pakitang-tao ng JTFB
October 20, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kasuklam-suklam ang mapanlinlang, mapang-abuso at mapagsamantalang paggamit ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB) sa mga katutubo upang ipalaganap ang saywar laban sa CPP-NPA-NDFP at pahinain ang kanilang rebolusyonaryong diwa. Nagpoposturang mga santong tagapagligtas ng mamamayan, ilinunsad ng JTFB ang Regional Indigenous Peoples Empowerment Summit (RIPES) upang di umano’y ituro sa mga Manide at Agta ang […]

Sa Harap ng Pasistang Paghahari ni Duterte, Tungkulin ng Mamamayan ang Alalahanin ang Bangungot ng Batas Militar
September 19, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sa panahong namamayani ang pasismo, kagutuman at kahirapan, isang krimen ang lumimot. Sa okasyon ng paggunita ng ika-47 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa panahon ng diktador na si Marcos, ipinapaabot ng NDF-Bikol ang mahigpit na pakikiisa sa mamamayang patuloy na naninindigan para sa karapatan at kalayaan at nagtatakwil sa muling paglukob ng bangungot […]