Ginigisa ang taumbayan sa sarili nilang mantika. Pondo ng publiko ang perang winawaldas ng rehimeng US-Duterte para sa madugong gerang tumatarget din mismo sa kanila. Sa kabila ng matinding krisis sa ekonomya, pinili ng pangkating Duterte na pagkagastusan ang pagpondo sa mga walang kapaki-pakinabang na aktibidad at programa ng kanyang mersenaryong hukbo. Sa Bikol, nakapaglunsad […]
Limang siglo matapos sakupin ng kahariang Espanya ang Pilipinas at gawing kolonya, may panibagong banta mula sa ngayo’y mga mas makapangyarihang dayuhan sa pangunguna ng imperyalistang US at Tsina. Linalayon nilang agawin ang soberanya ng Pilipinas at tuluyang itali ang bansa sa pagiging isang malakolonya magpakailanman. Kapwa tinatangka ng dalawang imperyalistang mananakop na sagpanging lubos […]
Walang kasawa-sawa ang 9th IDPA sa gasgas nilang palabas ng mga pinaparadang sumukong NPA. Habang tumatagal, lalong nagiging eksaherado at desperado ang mga eksena. Mula noong nakaraang buwan hanggang ngayon, sunud-sunod ang ilinalabas nilang balita ng daan-daan umanong sumukong NPA sa prubinsya ng Camarines Sur, Sorsogon at Masbate. Maging ang tatlong magsasakang mula sa Brgy. […]
Kung anu-anong kalokohan na naman ang lumalabas sa bibig ni Duterte! Matapos ang malisyosong paratang na mga drug lord ang NPA, binawi ni Duterte ang una niyang pahayag na maglalabas ng ala-narcolist ng mga lider ng NPA at mga drug lord sa batayan ng pambansang seguridad. Hindi ito kaiba sa mga dati nang paratang ng […]
Bagsak na bagsak na ang morale ng mga elemento ng militar at pulis sa rehiyon. Hindi na nila masikmura ang brutalidad at pagkahumaling sa karahasan ng institusyon ng AFP-PNP-CAFGU na kanilang kinapapalooban. Hindi na nila kayang magbingi-bingihan sa mga gawa-gawang kwento ng labanan at panloloko sa masa ng NTF-ELCAC at mga lokal na katumbas nito. […]
Malaking kalokohan ang pagngawa ng PNP, AFP at NTF-ELCAC para sa katarungan gayong tigmak ng dugo ng mga sibilyan ang kanilang mga kamay. Walang inaasahang katarungan ang mamamayan mula sa reaksyunaryong gubyerno at mersenaryong hukbo nito laluna’t malinaw naman sa sambayanan ang rekord ng pasistang estado sa pambabalasubas at pambabaluktot sa katwiran sukat ang paggamit […]
Hinding-hindi maitatago ni Eleazar ang kabulukan ng PNP kahit ilan pang pulis ang sibakin niya upang makapagpabango sa publiko. Ang katarungan para sa lahat ng biktima ng SACLEO, tokhang at iba pang marahas na operasyon ng PNP ay hindi makakamit sa pamamagitan lang ng pagsibak sa pwesto ng iilang elemento, kung hindi sa pagwasak ng […]
This senseless war that have resulted to the loss of thousands of innocent lives and destruction of communities must stop! Truth is, Israel wouldn’t be so bold and arrogant to go into war with Palestine if not for the support and biding of the imperialist US. NDF-Bicol joins the international community in the call for […]
Only a drastic, radical and revolutionary change in the system can free everyone, including the LGBT community, from discrimination, exploitation and oppression. The fight for equal rights and freedoms is an integral part of the national struggle to crush the semi-colonial and semi-feudal system. Together, we can work toward a society where a person’s capacity […]
Pinapatay ni Gov. Miguel ‘Migz’ Villafuerte at ng iba pang pulitikong nagtutulak ng puspusang pagtatayo ng mga dambuhalang imprastruktura ang magsasakang Bikolano. Nitong Hunyo 3, basta-basta na lamang tinabunan ng municipal government ang ekta-ektaryang taniman ng palay sa Pili, Camarines Sur upang masimulan na ang pagpapatayo ng ala-Colloseum na munisipyo. Kung hindi ito tinabunan, malamang […]