Si Duterte ang tunay na pasistang bayrus ng lipunan na mahigit tatlong taon nang nanalasa at pumapatay ng mamamayang Pilipino. Itinaguyod niya ang interes ng mga imperyalista at lokal na naghaharing-uri. Higit na sumidhi ang epekto ng COVID-19 sa buhay at kabuhayan ng mamamayan dahil sa mga neoliberal na patakarang naglustay ng kabang bayan para […]
Alinsunod sa panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), mahigpit na nananawagan ang NDF-Bikol sa lahat ng yunit ng hukbo at komiteng rebolusyonaryo sa kanayunan na magmobilisa upang kagyat na matulungan ang mga taumbaryo na maigpawan ang krisis dulot ng COVID-19. Una, dapat kagyat na makapagbuo ang mga komiteng rebolusyonaryo sa kanayunan ng komprehensibong plano […]
Kagyat, libre at naaabot na serbisyong medikal ang kailangan ng masang anakpawis para maigpawan ang COVID-19. Gayunpaman, batas militar at hindi serbisyong medikal ang sumambulat na solusyong hinapag ng rehimeng US-Duterte sa taumbayan. Sa isang lipunang atrasado at bansot ang ekonomya, tiyak na kagutuman at higit na kahirapan ang magiging resulta ng lockdown at hindi […]
Pinakamataas na antas ng pagkundena ang pinapahayag ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid-Bikol (PKM-Bikol) sa panibagong serye ng pagpaslang at paglabag sa karapatang tao sa hanay ng magsasaka sa Masbate. Nito lamang Marso 10 at 11, walang-awang pinaslang si Kiko Garamay at si Nongnong Hermena, habang dinakip sina Serapin Morada at Julian Ceniza, at nawawala hangang […]
Muli na namang naghasik ng lagim ang pasista at teroristang rehimeng US-Duterte sa prubinsya ng Masbate. Nito lang Marso 9- Marso 11, buong desperasyon nitong pinakawalan ang mga alagang halimaw nito sa mga isla ng Ticao at Burias, sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng 91st DRC, BFMR, 2nd IB, MICO, at PNP Masbate, upang maglunsad […]
“Naging makatotohanang balon siya ng mga praktikal na gabay para sa mga susunod na henerasyon ng mga kadre ng Partido dahil sa kanyang malawak na karanasan sa pagtatayo ng Partido, pamumuno sa tropa at paglubog sa mga pangangailangan at kahilingan ng batayang masa. Kahit madalas niyang sinusubukang hindi maging kapansin-pansin, ang kanyang tangkad at ang […]
Sukdulang karahasan ang inaabot ng masang anakpawis sa ilalim ng Retooled Community Support Program (RCSP) ng rehimeng US-Duterte. Wala itong pinagkaiba sa mga nakaraang programa ng mga pasistang rehimen. Gasgas nang programa ang di umano’y paghahatid ng mga serbisyong panlipunan upang tabingan ang pagsakyada ng militar sa kanayunan at higit na pagtutulak ng huwad na […]
Matagal nang gawi ng reaksyunaryong gubyernong samantalahin ang malaganap at matinding takot o anumang kaguluhan upang ilihis ang atensyon ng taumbayan at ilusot ang pagpapatupad ng mga kontra-mamamayang patakaran. Kasabay ng laban para sa libre, naaabot at de kalidad na serbisyong pangkalusugan, nananawagan ang NDF-Bikol sa mamamayang maging mapagbantay sa anumang pasista at neoliberal na […]
Desperado si Duterte na makapanatili sa poder. Nagmamakaawa siyang makuhang muli ang suporta at isalba ng imperyalistang US at mga lokal nitong ahente sa kanyang napipintong pagbagsak. Naglalaway siyang lamunin ang bilyun-bilyongkurakot mula sa pondo ng taumbayan. Hindi kataka-taka sa gayon ang pagkukumahog ng rehimen na ipatupad ang mga nangungunang adyenda ng kanyang amo: ang […]
Ngayong Pandaigdigang Araw ng Manggagawang Kababaihan, pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng NDF-Bikol sa kababaihang patuloy na nakikibaka kaisa ang masang anakpawis. Mula sa paglaban sa dayuhang mananakop at imperyalismo at pagtatanggol ng mga demokratikong karapatan, nananatiling integral na bahagi ang kababaihan sa pakikibaka ng mamamayan para sa tunay na kalayaan, katarungan at demokorasya. Sa […]