Pinagpupugayan ng NDF-Bikol ang tagumpay na nakamit ng matatag na kilusang masang walang pagod na nagtulak ng hustisya para sa masaker sa Maguindanao. Bunga ng kanilang isang dekadang pagkakaisa’t pagsisikap napilitan na ang reaksyunaryong gubyerno na pananagutin ang kalakhan ng maysala sa naturang masaker. Ngunit hindi pa tapos ang laban. Marapat lamang na ipanawagan ang […]
Buung-buo ang pagsuporta ng NDF-Bikol sa masang Bikolano sa kanilang laban sa militarisasyon at pasismo ng estado. Mabilis na nahuhubdan ang patung-patong na kasinungalingang ipinamamarali ng 9th IDPA at buong Joint Task Force Bicolandia sa rehiyon. Matapos ang magkakasunod na pagkakalantad ng pamamaslang sa mga sibilyang magsasaka sa Catanduanes at ang pekeng pagpaparada sa isang […]
Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang-Tao ngayong Disyembre 10, kaisa ng masang Bikolano ang buong rebolusyonaryong kilusan sa panawagan para sa hustisya at sa pagpapanagot sa numero unong mamamatay-tao at tagasalaula ng karapatang-tao – ang rehimeng US-Duterte. Walang kasingtindi ang brutalidad at karahasan ng rehimeng US-Duterte. Pangunahing target nito ang mga sibilyan laluna ang […]
Ang pagdalaw ni Duterte sa Kabikulan matapos ang pananalanta ng Bagyong Tisoy ay hungkag, ipokrito at hindi maghahatid ng anumang makabuluhang tulong sa mamamayan. Hindi maitatanggi ng pangkating Duterte na ang labis na epekto ng mga kalamidad tulad ng bagyo at lindol ay bunga na ng higit apat na dekadang pagpapatupad ng neoliberal na mga […]
Sa ating mga Minamahal at Dinadakilang mga Ama at Ina, Isang rebolusyonaryong pagbati! Sa diwa ng ika-55 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at paggunita sa Araw ni Gat Andres Bonifacio, pinagpupugayan naming mga anak ng bayan ang inyong hindi matatawaran at dakilang gampanin bilang mga ama at ina. Kayo ang nagsilbing ilaw, haligi, tagapagluwal at gabay […]
Isa ang kabataan sa pinakamaingay na pwersa ng ating lipunan at pinakamabilis magtambol ng mga isyung pambayan. Sa araw-araw nilang pagpasok sa eskwelahan, pakikisalamuha sa komunidad at pagpasok sa trabaho bilang manggagawa, samu’tsari din ang kanilang kinakaharap at nakikitang sistema at tagibang na kaayusan sa lipunan. Sa eskwelahan, kung wala ang mga kabataang hindi lamang […]
Nakikiisa ang NDF-Bikol sa mariing pagkundena sa walang katarungang pag-aresto kay Jaime “Ka Diego” Padilla ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis sa Cardinal Santos Medical Center noong ika-25 ng Nobyembre 2019. Ang iligal na pag-aresto kay Ka Diego ay mukha ng pasismo ng rehimeng US-Duterte. Sa desperasyon nitong gapiin ang rebolusyonaryong kilusan, wala […]
Kung ipagmayabang ni Maj. Ricky Aguilar, tagapagsalita ng 9th IDPA, ang limpak-limpak na pondong ginagastos nila para sa kampanyang pagpapasurender ay tila ba tuwang-tuwa pa siyang nawawaldas ang kabang-bayan para sa walang katuturang pang-aatake nila sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Paano man bihisan, sadyang lumilitaw ang babaw at labnaw ng pagsusuri ng mersenaryong hukbo sa […]
Sadyang nagpapakadalubhasa ang 9th IDPA sa pagpapahusay ng kanilang kampanyang disimpormasyon at saywar laban sa rebolusyonaryong kilusan. Matapos ang sunud-sunod na pagpaparada ng mga pekeng sumurender ay pinapatambol naman nila ngayon ang testimonya umano ng isang sumuko. Ang naturang Ka Daniel umano ang magbibigay-boses at magpapatunay ng mga tagumpay ng kanilang kampanyang kontrainsurhensya sa rehiyon. […]
Kaisa ang malawak na hanay ng mamamayan, kinukundena ng LUMABAN-BIKOL ang panibagong serye ng pasistang operasyong Sauron sa Negros bilang bahagi ng ganap na pagpapatupad ng crackdown laban sa mga progresibo at makabayang mga organisasyon at indibidwal. Nitong Oktubre 31, iligal na inaresto ang 62 sibilyan ng pinagsamang tropa ng CIDG-6, 3rd IDPA, Joint Task […]