Archive of NDF-Bicol

Dalawang pulis at isang police informant, kolateral sa operasyong militar ng 83rd IB
July 18, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Nel del Mundo | Information Officer |

Buong sigasig ang PRO5 sa kampanyang linisin ang kanilang imahe matapos ang kalunus-lunos at palpak na engkwentro sa pagitan ng mga elemento ng 83rd IB at mga pulis. Pinalalabas na ang pangyayari sa Payak, Bato nitong Hulyo 15 ay engkwentro sa pagitan ng yunit ng Edmundo Jacob Command (EJC) at pinagsamang lakas ng militar at […]

Pinakamataas na pagpupugay para kay Ka Obet at Ka Cardo
July 02, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ipinagluluksa ng buong Kabikulan ang pagkawala ng buhay sa nagpapatuloy na todo-giyera ng Rehimeng US-Duterte laban sa mamamayan.  Nakikiramay ang NDF-Bicol at ang buong rebolusyonaryong kilusan sa mga pamilya, kakilala, kaibigan, at kasama nina Roberto “Ka Obet” Balcueva at Salvador “Ka Cardo” Remoto ng Tomas Pilapil Command, NPA-East Camarines Sur.  Napaslang  sila sa pangungubkob ng […]

Isang Bukas na Liham Para kina Emman Bombase at Christine Atole ng Bombo Radyo Naga at sa Mga Kagawad ng Midya
July 02, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ibinalita kamakailan sa Bombo Radyo Naga ang mga naganap na engkwentro sa pagitan ng Bagong Hukbong Bayan at iba’t ibang yunit ng 9th Infantry Division-Philippine Army at PNP-Provincial Mobile Force Company sa mga bayan ng Caramoan at Ragay, Camarines Sur. Sa mga balitang ito, partikular na pumukaw sa aming atensyon ang mga naging komentaryo ng […]

Mapangahas na Labanan ang Pandarahas at Panunupil ng Rehimeng US-Duterte
June 19, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Marapat na ipakita ng nagkakaisang hanay ng mamamayang Bikolano ang kanilang pagkundena sa sistematiko at malawakang panunupil at pandarahas ng rehimeng US-Duterte upang apulahin ang pangangalit ng mamamayan. Ang panatiko’t madugong gera ng rehimen ay dapat harapin ng buong tatag at determinasyon ng sambayanang lumalaban. Hindi mapagtatakpan ng anumang palabas na “distribusyon ng lupa” ang […]

Ipagbunyi ang Lumalawak na Makabayang Diwa 
June 19, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Dapat na ipagbunyi ng sambayanang Pilipino ang panibagong bugso na diwang makabayan dulot ng pandarahas ng mga Tsino sa mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank ng West Philippine Sea. Marapat at matuwid ang pagturing sa dayuhang panghihimasok at pandarambong bilang pangunahing banta sa ating bansa. Patuloy na isinusuko ng rehimeng US-Duterte ang soberanya at patrimonya […]

Kamtin ang Hustisya para kina Nelly Bagasala, Ryan Hubilla at lahat ng mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao! Ubos-kayang labanan ang Oplan Kapanatagan ng rehimeng US-Duterte!
June 16, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

  Walang kasing-bagsik at kasing-sahol ang atake ni Duterte sa karapatang tao sa ilalim ng kanyang kontra-mamamayang gerang Oplan Kapanatagan. Sa loob lamang ng isang araw, dalawang sibilyan ang biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa rehiyon. Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang pagpatay ng mga ahente ng reaksyunaryong estado kina Ryan Hubilla at Nelly Bagasala kahapon […]

Bukas na liham ng isang kasama para sa mga Sundalo at Pulis ngayong Araw ng Kalayaan
June 12, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mga kasama sa kasundaluhan at kapulisan, Kamusta kayo? Ipinagbubunyi natin ngayong araw ang pagtalilis ng mga prayle at mga Espanyol at pagkakatatag ng Republika ng Pilipinas. Sa halagang dalawampung milyon nagpalit-kamay ang pangingibabaw ng monarkiya ng Espanya patungo sa paghahari ng imperyalistang US. Ngunit huwag sana nating kalilimutang ang republikang ito’y naitatag mula sa pagbabalikwas […]

Resulta ng Eleksyon 2019, konsolidasyon ng pwersa ng rehimeng US-Duterte para sa pasistang diktadura
May 20, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Buong tahasang ipinapangalandakan bilang Duterte Magic ang garapalang pandaraya, malawakang pananakot at pagbubuhos ng pondo ng taumbayan para makamit ng rehimeng US-Duterte ang super majority sa Senado at Kongreso. Pagkatapos ng isa sa mga pinakamaruruming eleksyon sa bansa, mapanlinlang na nailuklok ng pangkating Duterte ang mayorya sa kanyang mga pinakamatatapat na kaalyadong pulitiko upang higit […]

Red-Tagging sa mga Progresibong Party-list at Kandidato, Patunay ng Panghihimasok ng Militar sa Eleksyon at sa Balangkas ng National Task Force to End Local Communist Insurgency (NTF)
May 01, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Bagamat hindi dapat nakikialam sa eleksyon, aktibong nangangampanya ang AFP laban sa mga partido at kandidatong progresibo at anti-Duterte sa pamamagitan ng malaganap na Red-Tagging o pagpaparatang bilang mga “prenteng organisasyon” at tagasuporta ng CPP-NPA-NDFP. Ang malaganap na kampanyang panunupil na ito sa ligal at demokratikong kilusan at sa oposisyon ay malaking bahagi ng sibil-militar […]

Bakit Wala sa Listahan ng mga Narco-Pulitiko si Paolo Duterte at Mans Carpio?
March 31, 2019 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kahina-hinalang hindi napabilang sa listahan ng mga narco-pulitiko sina Paolo Duterte at Mans Carpio sa kabila ng mga naganap na pampublikong pagdinig na nagresulta sa konkretong mga ebidensyang nagpapatunay sa kaugnayan nila sa pagpuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa Davao noong 2017. Tigas-mukhang ilinabas ng Malacanang ang listahan sa kabila ng kawalan ng […]