Ngayon, higit kailanman, matinding binabayo ng krisis sa ekonomya ang buong bansa, kabilang ang lalawigan ng Palawan. Hindi mapigil ang pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin habang nananatiling mababa o halos wala nang mabunot sa bulsa ang mga Palaweñong bago pa lamang nagsisikap makabawi matapos salantain ng Bagyong Odette ang kanilang […]
NO to 3in1 Palawan! Ito ang boses ng mayorya ng mamamayang Palaweño sa katatapos na ginawang plebisito na magseselyo sa paghahati ng Palawan bilang tatlong lalawigan. Inilampaso ng botong NO ang maniubrang pulitikal ng pangkating Duterte-Alvarez at tuluyang ibinasura ang RA11259! Sa kabila ng granyosong paghahanda ni Alvarez sa COMELEC, DepEd, sa ilang ahensyang pangkalusugan, […]
“Maghati para makapaghari” ang taktikang nuon pa man ay ginagamit ng mga imperyalistang mandarambong upang manakop ng bansa. Kung kaya’t malaking palaisipan sa mga Palawenyo ang magaganap na plebisito ng 3in1Palawan ngayong darating na Marso 13, 2021. Ang botong “Yes or No” ang magtatakda sa magiging husga upang hatiin ang isla ng Palawan bilang tatlong […]
Malinaw ang pagyurak ng imperyalistang China sa soberanya at teritoryal na integridad ng Pilipinas. Nagpapatuloy ang pandarambong nito sa patrimonial asset ng bansa sa exclusive economic zone sa Recto Bank. Patuloy na pinatatatag ng China ang mga itinayong istrukturang militar sa mga isla at bahura sa Spratly Islands sa ngalan ng inimbentong mapa na 9-dash […]
Pinagpupugayan ng buong rebolusyonaryong kilusan ng Palawan ang kahanga-hangang dedikasyon ni Ka Pia sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa kanyang huling hininga. Napaslang ang kasama sa isang labanan sa Occidental Mindoro nuong Setyembre 14, 2020 habang gumagampan ng kanyang mga rebolusyonaryong gawain nang mapalaban sa mga pasistang tropa ng 203rd Bde PA. Si […]
“Ang magbuhos ng dugo para sa bayan Ay kagitingang hindi malilimutan Ang buhay na inialay sa lupang mahal Mayaman sa aral at kadakilaan” Sa saliw ng awiting “Sulong mga Kasama” ay taas-kamao ang buong pwersa ng rebolusyonaryong kilusan ng Palawan bilang pagpapakita ng pinakamataas na respeto at pagpaparangal kay Kasamang Bonifacio Magramo na kilala bilang […]
Walang anumang salita ang makakapaglarawan kung paano kami lubusang nakikidalamhati sa biglaang pagpanaw ni Kasamang Fidel V. Agcaoili. Nararamdaman namin ang malaking kawalan ng isa sa pinakamahusay, huwarang lider, tapat at buong–buong naglilingkod sa masang api at pinagsasamantalahan. Ang buong NDFP- Isla ng Palawan kasama ang lahat ng alyadong organisasyon nito lalo na ang […]
Buong galak at pulang pagsaludo mga kasama! Ipinararating ang pagbati ng NDFP-Isla ng Palawan sa mga pulang mandirigma ng Bienvenido Vallever Command na buong giting na isinakatuparan ang kanyang tungkulin na maglunsad ng taktikal na opensiba na dudurog sa mga ahente at pasistang AFP/PNP ng Rehimeng US-Duterte at Jose Chavez Alvarez. Sa dalawang ambush na […]
Harasment, intimidasyon, pagbabanta at iligal na interogasyon ang nararanasan ng mga komunidad ng mga katutubong Palaw’n sa sityo ng Lagasan, Bayug, Terongan at Naglakon na sakop ng barangay Aribungos sa bayan ng Brookes Point mula sa tila wala-sa-katinuang mga elemento ng 4th Marine Batallion Landing Team na nagsasagawa ngayon ng focus military operation. Ayon sa […]
Ang NDF-Palawan ay nagpapahayag ng mariing pagkundena at pagtutol sa panukalang Anti-Terror Act na kukumpleto sa hindi deklaradong batas militar at tiranikong paghahari ng pasista, korap, magnanakaw at berdugong si Rodrigo Roa Duterte. Nananawagan ang NDF-Palawan sa lahat ng makabayang pulitiko, mga patriyotikong mamamayan at sa lahat ng mga demokratiko’t rebolusyonaryong pwersa na nakikibaka para […]