Archive of NDF-Palawan

Papanagutin ang San Miguel Corporation sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga pambansang minorya sa Bugsuk, Balabac!
October 10, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDF-Palawan ang mga paglabag ng San Miguel Corporation sa karapatang pantao ng mga pambansang minoryang Molbog at Palaw’an sa Barangay Bugsuk, Balabac, Palawan. Marapat na papanagutin ng mamamayang Palaweño ang SMC sa mga kaso nito ng sapilitang pagpapalayas, pagbabanta, intimidasyon at pandarahas sa mamamayan ng Bugsuk. Mula Hunyo 29, dumaranas ang mga […]

Eduardo Año: berdugo, kontra-kapayapaan at perwisyo sa masang Palaweño! Peace talks, ituloy!
August 24, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Tinutuligsa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)-Palawan at buong rebolusyonaryong kilusan sa Palawan ang pahayag ng berdugong si Eduardo Año hinggil sa peace talks. Ang kanyang arogante at puno ng kasinungalingang pamamahayag ay malinaw na pagpapakita ng kanyang pagiging sagad-saring kontra-kapayapaan, kontra-mamamayan, makadayuhan at pahirap sa mamamayang Pilipino. Ang totoo, si Año, sampu […]

Katutubong Palaweño, ipaglaban ang karapatan sa lupaing ninuno, kabuhayan at karapatan!
August 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Kasabay ng paggunita sa Pandaigdigang Buwan ng mga Katutubo, nakikiisa ang NDFP-Palawan sa malaon nang pakikibaka ng mga pambansang minorya sa Palawan, buong bansa at buong daigdig para ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupaing ninuno, kabuhayan at demokratikong karapatan. Ang pakikibaka ng mga tribo at komunidad ng mga katutubong Cuyunon, Palaw’an, Tagbanwa, Batak, Agutaynen, Cagayanen, […]

Suportahan ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mga katutubong Adivasi sa India! Operation Kagaar, kundenahin at labanan!
July 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa pakikibaka ng mamamayang Indian, laluna ng mga katutubong Adivasi laban sa Operation Kagaar na inilulunsad ng pasistang rehimeng Narendra Modi. Ang magkahalintulad na kalagayan ng mga mamamayan at pambansang minorya ng malakolonyal at malapyudal na Pilipinas at India ang dahilan kaya sinusuportahan natin at ng buong […]

Digmang bayan, hindi pekeng reporma sa lupa ang solusyon sa kahirapan ng magsasakang Palaweño
June 12, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Kinukundena ng National Democratic Front-Palawan ang ginawang panlilinlang ng reaksyunaryong gubyerno sa mga magsasaka sa Palawan na pekeng pamamahagi ng lupa noong Abril. Kasabay nito, nagpapatuloy ang iskema ng lokal at mga ahensya ng gubyerno para sa sistematikong pangangamkam ng lupa ng mga dayuhang korporasyon ng mina, plantasyon at lokal na MBK-PML sa lupain ng […]

Uring manggagawa, pamunuan ang pakikibaka para sa demokratikong karapatan at kaseguruhan sa kabuhayan ng masang Palaweño!
May 10, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Mahigpit na sinasaluduhan ng National Democratic Front of the Philippines-Palawan ang uring manggagawa sa buong daigdig at ang mga manggagawang Pilipino sa paggunita nito sa ika-122 Pandaigdigang Araw ng Paggawa nitong Mayo 1 na tanda ng mayamang pakikibaka at mga tagumpay ng uring manggagawa sa kasaysayan sa pagtupad sa istorikong misyon nitong baguhin ang mundo […]

Balikatan 2024: Panggagatong sa apoy ng inter-imperyalistang digma sa South China Sea
April 25, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Palawan (NDFP-Palawan) ang ika-39 na ehersisyong militar o Balikatan na inilulunsad ngayong Abril 22-Mayo 10 sa kalupaan at katubigang saklaw ng teritoryo ng Pilipinas. Ang pagsasanay na ito, na itinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan ay mag-iimbwelto ng 16,700 tropang US at Pilipinas, bukod pa ang mga tropa […]

Sama-samang harapin at labanan ang pananalasa ng tagtuyot na dulot ng El Niño
March 23, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan (NDFP-Palawan) sa panawagan ng bayan na lutasin ang mga suliranin sa buhay at kabuhayang sinasalanta ng tagtuyot na dala ng penomenong pangklimang El Niño, kasabay ang paniningil sa palpak at pabayang rehimeng US-Marcos II at mga lokal na burukrata. Ramdam na sa malaking bahagi ng probinsya ang […]

Tunay na pagbabagong panlipunan, hindi charter change ang solusyon sa suliranin ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino
February 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Kaisa ng mamamayang Palaweño at sambayanang Pilipino, ginugunita ng NDFP-Palawan ang pag-aalsang EDSA ng 1986 na nagpatalsik sa pasistang diktador na ama ng kasalukuyang ilehitimo, korap, palpak, papet at pasistang presidenteng Ferdinand Marcos Jr. Napapanahon ngayong gunitain ang isang matagumpay na kolektibong pagkilos ng sambayanang Pilipino sa panahong tila inuulit ng batang Marcos at mistulang […]

Kasarinlan at karapatan, lupa at kabuhayan, hindi chacha!
January 28, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-Palawan, kaisa ng malawak na hanay ng mamamayang Palaweño, ang ginagawang pagraratsada ng rehimeng US-Marcos II na baguhin ang Konstitusyong 1987. Sa gitna ng krisis pang-ekonomya na nagdulot ng ibayong kahirapan at pagdurusa ng mamamayan, sukdulan ang pagpapauna sa makitid na makauring interes ng malalaking burgesya kumprador, panginoong maylupa at pangangayupapa sa […]