Makatarungan at nararapat na paigtingin ang mga pakikibaka ng mamamayan laban sa pagmimina sa harap ng mga pakana ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte na isulong ito bilang “solusyon” sa bagsak na ekonomya ng Pilipinas matapos ang pandemya. Kaisa ang NDFP-ST sa pakikibaka ng sambayanan para tutulan at pigilan ang mapaminsalang pagmimina sa rehiyon at buong bansa. […]
Ipinaaabot ng NDFP-ST at mamamayan ng buong rehiyon ang mahigpit na pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-37 taon ng Pag-aalsang EDSA noong Pebrero 25, 1986. Lagi nating alalahanin na sa ating pagkakaisa at marubdob na pakikibaka nagawang ibagsak ang kinamumuhiang diktadurang US-Marcos. Hinangaan at dinakila sa buong daigdig ang tagumpay na ito ng […]
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pagbabasura ng first division ng Supreme Court (SC) sa kasong graft kaugnay ng coco levy fund (CLF) na nakasampa laban kay Juan Ponce Enrile. Pinasisidhi nito ang kawalang katarungan para sa mga magsasaka sa niyugan na pinagnakawan ng diktadurang US-Marcos at kanyang mga kroni kabilang si Enrile. Sa paggulong ng […]
Napapanahon ngayon ang paggunita sa ika-37 taon ng Pag-aalsang EDSA UNO sa unang taon ng pasista’t ilehitimong rehimeng US-Marcos II. Malinaw sa buong sambayanang Pilipino na walang pinag-iba si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ama niyang diktador na nagpataw ng batas militar noong 1972. At katulad ng sinapit ng matandang Marcos, itatapon din ng nagkakaisang […]
NDF-Rizal is one with the people in condemning the Government of the Republic of the Philippines’ (GRP) decision to construct the Bureau of Corrections’ headquarters in the Masungi Georeserve site. Masungi has had a long history of land disputes because its vast lands are rich in natural resources. This is the real reason behind the […]
Ampaw at pakitang-tao ang pagbabayad ng Manila Waterworks and Sewerage Systems (MWSS) sa mga katutubong Dumagat at Remontado para sa epekto ng proyektong Kaliwa Dam. Bukod pa sa lubhang malayo ang sinasabi nitong 66 pamilya sa totoong 10,000 pamilyang maaapektuhan ng proyekto, walang maitutumbas na halaga sa ilang henerasyon na nilang tirahan, taniman at ginagalawang […]
Nananawagan ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa mamamayang Palaweño at buong bansa na suportahan ang pakikibaka ng mga magsasaka at natibong Palaw’an sa Brooke’s Point laban sa mapaminsalang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation. Mula Pebrero 18, nagbarikada ang mga residente sa sayt ng mina sa Brgy. Maasin para igiit sa pambansang gubyernong ipahinto […]
Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon na tumindig at nagbarikada laban sa pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa isla ng Sibuyan. Dahil sa kanilang paglaban, naobliga ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipahinto ang konstruksyon ng causeway project at iba pang aktibidad ng APMC doon. Makatwiran ang pagpapatigil ng […]
Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa pagtindig ng malawak na hanay ng mamamayan at mga tunay na makabayang Pilipino laban sa pagtatayo ng karagdagang mga base militar ng US sa bansa sa tabing ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Mariin naming kinukundena ang garapalang pagpapakatuta ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte, laluna ang pasista’t […]
Kinukundena ng NDFP-Mindoro ang pagdukot ng pasistang 203rd Brigade kay G. Elyong, residente ng Sitio Sinariri, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro, umaga ng Pebrero 6. Dapat ilitaw si G. Elyong at ibalik sa kanyang pamilya’t komunidad na labis nang nag-aalala sa kanya. Sa ulat na nakalap ng NDFP-Mindoro, dinukot si G. Elyong sa kanilang sityo […]