LANTAD NA ang rehimeng US Duterte sa pagiging inutil, korap, pahirap, pasista, kriminal at pabaya sa kagalingan ng mamamayang Pilipino. Hindi kayang pagtakpan ng kanyang mga alipores at tagapagsalita ang kapalpakan at mabagal pa sa usad kuhol na pagresolba ni Duterte sa kasalukuyang pananalasa ng nakamamatay na pandemyang Covid-19, kahit pa nga pinalitan ng oportunistang […]
Dapat pagbayaran ang KRIMINAL NA KAPABAYAAN ng rehimeng US-Duterte sa pagharap nito sa pandemya at nakamamatay na CoViD-19. MABAGAL pa sa usad-pagong ang pagkilos ng buong gubyernong Duterte para bigyan ng solusyon ang mabilis na pananalasa at pagkalat ng nakakamatay na virus. Umabot na sa 4,934 ang kumpirmadong kaso, 315 ang namatay at 242 ang […]
Sa harap ng malakas na suporta sa kampanya sa social media para patalsikin si Duterte, nagkukumahog ang mga Dutertards na sistematiko at orkestradong pabanguhin si Duterte sa publiko at iiwas siya sa anumang mabigat na pananagutan at pagkakasala sa kriminal niyang kapabayaan sa naging mabilis na pagkalat ng sakit ng Covid-19 sa bansa. Umaabot na […]
Nananawagan ang National Democratic Front of the Philippines—Southern Tagalog na agarang palayain ang mga bilanggong pulitikal sa bansa. Makatwiran at sinusuportahan ng NDFP-ST ang panawagan ng UNCHR na palayain ang mga bilanggong pulitikal kasabay ng pagpapatupad ng pandaigdigang tigil-putukan ng mga nagdidigmaang mga partido at estado. Sa harap ng panganib ng Covid-19, nasa peligro at […]
Berdugo at umaagos ang dugo sa kamay ng pasistang AFP/PNP sa mga kriminal na pananagutan sa patraydor na pakana at atake sa rebolusyonaryong kilusan lalo na sa mga yunit ng BHB. Pinatunayan ng mga labanang naganap sa probinsya ng Rizal nuong Marso 28 at probinsya ng Quezon nuong Marso 31 at Abril 1 ang walang […]
Kinukondena ng Revolutionary Council of Trade Unions-NDF-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ang papatinding pasistang atake ng sabwatang militar at malalaking kapitalista sa hanay ng mga manggagawa sa rehiyong Timog Katagalugan kahit na nasa gitna ng pananalasa ng pandemyang CoViD-19. Imbes na ang pangunahing tugunan ay ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa nakamamatay na virus, sinamantala pa […]
Mariing kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang garapalan at matinding pagbabanta ni Duterte na kanyang ipapabaril sa pulisya at militar ang sinuman na mag-iinstiga ng pagkilos na hahantong sa “kaguluhan” at “maglalagay sa panganib” sa mga kapulisan at kasundaluhan. Ito ang agarang naging tugon ni Duterte sa nangyaring insidente kung […]
Mariing kinokondena ng National Democratic Front-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang patuloy at malaganap na paglabag ng AFP at PNP sa mismong SOMO at SOPO nila alinsunod sa dineklarang “unilateral ceasefire” ng pasistang rehimeng US-Duterte. Ang walang humpay na mga operasyong militar sa rehiyon ng Timog Katagalugan na isinasagawa ng mga batalyon sa ilalim 2nd Infantry Division […]
Sa pagpasok ng Coronavirus Disease-19 sa bansa, tumambad sa taumbayan ang kawalan ng kakayahan ng Rehimeng US-Duterte na pamunuan ang bansa sa isang national emergency sa larangang pangkalusugan bunsod ng pandemic. Unang ginawa niya ay minaliit ang epidemya sa anyo ng mga mapagmaliit na komentaryong “ihian ko yang virus na yan” at maluwag na pagtanggap […]
Sinusuportahan ng NDFP-Mindoro ang deklarasyon ng pambansang pamunuan ng CPP para sa isahang panig na tigil putok [Unilateral Ceasefire] upang alisin ang anumang hadlang sa pagbibigay ng kinakailangang rekurso at serbisyo sa mamamayan sa pagharap nito sa panganib ng COVID-19. Nananawagan din ito sa lahat ng armadong tropa ng GPh na ipatupad ang idineklarang Unilateral […]