Mariing kinukondena ng NDF-Mindoro at mamamayang Mindoreño ang pagpapagamit ng Adventist World Radio-Seventh Day Adventist (AWR-SDA), isang nagpapanggap na relihiyosong grupo sa maruming gera na inihahasik ng pasistang militar na 203rd brigade (BDE) na nagdulot ng malalang paglabag sa mga pantaong karapatan at karumal-dumal na krimen laban sa mamamayang Mindoreño. Instrumento sa panlilinlang ang AWR-SDA […]
Sukdulang kahangalan at desperasyon ang muling ipinamalas ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang galamay nitong berdugong 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa panibagong panlilinlang sa sambayanang Mindoreño! Sa bayan ng Mansalay, inilunsad noong Marso 25 ang isang pulong talakayan para sa diumano’y mga nagbalik-loob na myembro ng CPP-NPA, walang kahihiyang tinipon […]
Ngayon, higit kailanman, matinding binabayo ng krisis sa ekonomya ang buong bansa, kabilang ang lalawigan ng Palawan. Hindi mapigil ang pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin habang nananatiling mababa o halos wala nang mabunot sa bulsa ang mga Palaweñong bago pa lamang nagsisikap makabawi matapos salantain ng Bagyong Odette ang kanilang […]
Nakakagalit at kasuklam-suklam ang halagang P200 na ayuda ng pasistang rehimeng US-Duterte bilang tugon sa harap ng patuloy na paglala ng kagutuman at paghihirap ng nakararaming Pilipino sanhi ng mga umiiral na neoliberal at anti-mamamayang patakaran ng rehimen, naging kriminal na kapabayaan ng gubyerno sa pagharap sa pandemya at ngayon ang pagsirit ng presyo ng […]
Kinukundena ng National Democratic Front-Southern Tagalog ang pagtatalaga ng pinunong pasistang si Duterte kay Jose Lorenzo dela Rosa bilang isa sa mga bagong associate justice ng Court of Appeals kahapon, kasabay ng anibersaryo ng Bloody Sunday na kumitil sa buhay ng siyam na aktibista sa rehiyon at iligal na nang-aresto at nagkulong sa siyam pang […]
Limang taon na ang nakalilipas, noong ika-7 nang Marso sa taong 2017, nang tuluyang bitawan ni Ka Ash ang kanyang tangan na armas sa kamay ng mga berdugong opensiba ng estado. Sa kabila ng paghihinagpos, kuyom ang kamao niyang inialay ang kanyang buhay sa komunidad ng masang magsasaka sa bayan ng San Andres, sa probinsya […]
Isang rebolusyunaryo at taas-kamaong saludo sa lahat ng mga kababaihan ang ipinaaabot ng Revolutionary Council of Trade Union (RCTU-NDF-ST) sa pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng mga kababaihan! Makasaysayang pakikibaka ng mga kababaihan, laluna ang mga kababaihang anakpawis sa paghulagpos sa iba’t ibang tipo ng pang-aapi’t pagsasamantala sa kanyang uri at pinakabuod ng pagdiriwang tuwing Marso […]
Mariing kinukundena ng NDF-Mindoro at buong mamamayang Mindoreño ang walang patumanggang pambobomba, panganganyon at pang-iistraping mula sa ere ng SOLCOM at 203rd Infantry Bde. sa kabundukang bahagi ng Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro. Noong Pebrero 26, 2022 sa pagitan ng ala una at alas dos ng madaling araw binomba ng dalawang (2) FA50 ang mga […]
Mariing kinukundena ng National Democratic Front-Southern Tagalog ang isinagawang walang patumanggang aerial bombing, strafing at artillery shelling ng berdugong 203rd Bde ng Philippine Army sa hangganan ng mga Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro at Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro mula alas-5 ng umaga kanina. Matinding takot at pinsala na naman ang idinulot nito sa […]
Mariing kinukundena ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Southern Tagalog ang walang pagpaslang kay Kevin Castro, dating tagapagsalita ng National Union of Students of the Philippines mula sa berdugong kamay ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army noong ika-21 ng Pebrero 2022 sa Polillo, Quezon. Si Kevin Castro ay lider-estudyante mula sa UP Diliman College of […]