Sa ikatlong pagkakataon, ipaiilalim ang Metro-Manila, na mayroong 14 milyong populasyon, sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021. Siguradong susuungin na naman ng taumbayan ang panibagong dagdag na pahirap, gutom at paniniil sa kanilang mga demokratikong karapatan sa ilalim ng panibagong mahigpit na lockdown na ipatutupad ng pasistang rehimeng US-Duterte. […]
Dapat na kondenahin at singilin ng mamamayan ng TK ang rehimeng Duterte sa pabaya, inutil at walang puso nitong tugon sa daing ng mamamayang biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Taal. Wala itong ginawa para ibsan ang kalagayan ng mga apektado ng sakuna. Mas malala pang sakuna sa Taal ang pagiging pangulo ni Duterte at paghahari […]
Sapul nang maluklok sa kapangyarihan si Duterte, mahigit limang taon na ang lumipas, walang kaparis ang kanyang mga nagawang katiwalian, kataksilan, kapabayaan at kalupitan sa mamamayang Pilipino. Nagbunsod ito ng walang kasukat na kahirapan, pagdurusa at pang-aapi sa taumbayan sa ilalim ng pasistang paghahari ng rehimeng US-Duterte. Sa panahon ng panunungkulan ni Duterte, tumingkad ang […]
Mahigpit na nakikiisa ang NDFP-ST sa sambayanang Pilipino sa paggunita sa ika-5 taong anibersaryo ng makasaysayang pagkakapanalo ng Pilipinas sa isinampang kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ng United Nations Convention on The Law of the Sea (UNCLOS) laban sa lantarang agresyon, okupasyon at pang-aagaw ng China sa mga teritoryo at karagatang saklaw ng […]
Kailangan patuloy na makibaka para sa pagkakamit ng hustisya. Kumilos nang buong tatag para isulong at ipagtanggol ng sambayanang Pilipino ang kanilang mga demokratikong karapatan.
Garapal at tusong nais ikutan ni Duterte ang pagbabawal ng 1987 Konstitusyon sa reeleksyon ng Pangulo ng Pilipinas. Pinalulutang ni Duterte ang pagkandidato niya bilang bise presidente sa eleksyon sa Mayo 2022 upang manatili sa kapangyarihan. Pinakikilos nya ang mga kaalyado sa PDP-Laban upang itulak ang kanyang kandidatura bilang bise presidente at ang prebilehiyong piliin […]
Malugod na pinupuri ng NDFP-ST, kaisa ng malawak na masa ng sambayanang Pilipino ang kahilingan ni Prosecutor Fatou Bensouda ng International Criminal Court (ICC) sa Pre-Trial Chamber (PTC) na pagkalooban ng otoridad ang kanyang opisina na imbestigahan ang gubyernong Duterte sa mga krimen laban sa sangkatauhan (crimes against humanity) sa proseso ng pagpapatupad sa Pilipinas […]
Taas-kamaong pagbati at pagpupugay ang ipinapaabot ng pamunuan ng NDFP-ST at ng rebolusyonaryong mamamayan sa rehiyon sa Lucio de Guzman (LdGC), Apolonio Mendoza Command (AMC) at sa Narciso Antazo Aramil Command (NAAC) sa inilunsad na magkakasunod at matagumbay na mga taktikal na opensiba laban sa berdugo at pasistang tropa ng AFP at PNP sa Mindoro […]
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pagdukot ng AFP-PNP noong Mayo 12 sa apat (4) na taong gulang na si MJ, anak ng isang detenidong pulitikal sa Oriental Mindoro. Marapat na panagutin ang mersenaryong tropa ng 203rd Brigade sa ilalim ni Col. Augusto Villareal na nagsagawa ng marahas na pagdukot sa bata. Sa kanilang ginawa, pinatotohanang […]
Mariing kinokondena ng NDFP-ST ang terrorist listing ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa 19 na diumano’y kasapi ng CPP, kabilang ang mga peace consultant ng NDFP. Hindi ito makatarungan at dapat itakwil ng mamamayan dahil humahadlang ito sa panunumbalik ng usapang pangkapayapaan sa bansa. Isinasapanganib din nito ang buhay ng mga peace consultant at iba pang […]