Archive of New People's Army

Ubos-lakas na manindigan at makibaka para wakasan ang pasistang rehimeng US-Duterte!
June 28, 2019 | New People's Army | Negros Island Regional Operational Command (Apolinario Gatmaitan Command) | NPA-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) | JB Regalado | Spokesperson |

Ubos-lakas na manindigan at lumaban sa pasistang pang-aatake sa mga sibilyan sa paglabag ng karapatang pantao sa pamamagitan ng panghaharas ng mga mamamayan, panggigipit, pang-aaresto sa mga gawa-gawang mga kaso at pamamaslang ng mga berdugong pwersa na AFP at PNP sa ilalim sa dikta ng papet na rehimeng US-Duterte. Sa pagpapatupad ng hindi makataong MO#32, […]

Pagpupugay sa mga aksyong militar ng AMC-NPA Quezon laban sa mga atake ng AFP
June 27, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Ipinapaabot ng Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog (MGC – NPA ST) ang pinakamataas na pagpupugay sa mga Pulang Mandirigma at Kumander ng Apolonio Mendoza Command – New People’s Army (AMC – NPA) sa Quezon laban sa mga atake ng AFP sa magkaibang distrito ng probinsya. Inilunsad ng AMC – NPA ang […]

Mga atake ng 203rd Bde sa mga Mindoreño at kapamilya ng mga martir, mariing kinundina
June 27, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Mariing kinukondena ng Melito Glor Command NPA ST ang panggigipit ng AFP-PNP sa mga kapamilya ng mga namartir na Pulang mandirigma sa Sityo Mawan, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Hunyo 13. Isang desperadong hakbang at malinaw na paglabag sa karapatan ng mga kamag-anak na kunin ang kanilang mga kapamilya upang mabigyan ng disenteng libing. […]

Hinggil sa insidente sa Juban nitong Hunyo 24
June 27, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

NITONG Hunyo 24, isang team ng NPA ang inatasang arestuhin si Cpl. Ruel Alarma, intelligence operative ng 31st IBPA, upang maimbestigahan sa kaniyang pagkakasangkot sa mga ekstrahudisyal na pamamaslang sa probinsya. Isang pormal na asunto ang nakasampa laban sa kanya sa Pamprobinsyang Hukumang Bayan kaugnay ng ilang pagpatay nitong mga nakaraang taon. Papalapit ang arresting […]

Kasamang Edwin “Dupax” Dematera
June 27, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

  “Ang kamatayan ay pangkaraniwan, nagkakaiba lamang ng kahulugan, kung sino ang ipinakikipaglaban!” Sinumang rebolusyonaryo ay nakahanda sa anumang sakripisyo kaakibat ng kanyang pagkilos para sa pagpapalaya ng bayan. Ganito inilaan ni Edwin “Ka Dupax” Dematera ang kanyang buhay bilang isang tunay na kawal ng mamamayan. Nagmula si Ka Dupax sa uring panggitnang magsasaka. Panlima […]

Pahayag at bukas na liham sa mga opisyal ng bayan sa prubinsya ng Masbate
June 26, 2019 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Nitong nakalipas na linggo ay may nakaabot sa aming impormasyon na ilang mga matataas na opisyal ng 2nd IBPA at PNP Masbate PPO ang mag-iikot sa dalawampu’t isang (21) mga bayan at lungsod ng Probinsya ng Masbate upang makipagdayalogo sa mga opisyal ng bayan, partikular sa mga bagong halal. Mayor na pag-uusapan ay ang hikayatin […]

Hinggil sa bulaang ulat ng 85th IBPA sa naganap na labanan noong Hunyo 11, 2019
June 26, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

“Kung ang pinuno ay haling, mga basalyos pa ba ang gumaling” Walang kahihiyan ang pagsisinungaling ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines sa inilabas nitong balita pagkatapos ng labanan sa pagitan ng NPA at AFP noong Hunyo 11 sa Sityo Bunga, Barangay Villa Nacaob sa bayan ng Lopez. Ayon sa balita sa […]

Lumalawak na militarisasyon sa kanayunan ng Central Negros, kinukundena ng mamamayan
June 24, 2019 | New People's Army | Negros Island Regional Operational Command (Apolinario Gatmaitan Command) | NPA-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) | JB Regalado | Spokesperson |

Simula nitong unang buwan ng hunyo ngayong taon, nakaranas ng malawakang militarisasyon mamamayan ng Central Negros sa kanayunan. Noong Hunyo 17, 2019 hanggang sa kasalukuyan nagpapatuloy ang operasyon militar na aabot 15 kasundaluhan sa ilalim ng 62nd IBPA ang sumakop ng 4 na baranggay, ang Brgy. Mansalanao, Brgy. Camandag at Brgy. Manghanoy na sakop ng […]

Pagparusa sa PNP at Duterte Death Squad intel operative, ipinagbunyi ng sambayanan
June 24, 2019 | New People's Army | Negros Island Regional Operational Command (Apolinario Gatmaitan Command) | NPA-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) | JB Regalado | Spokesperson |

  Ikinasaya ng mamamayang Guihulnganon at buong rebolusyonaryong masa ang pagpatupad ng LPC-NPA sa parusang kamatayan kay Joerge Colongon na residente ng Brgy. Buenavista, Guihhulngan City noong Hunyo 14, 2019 sa Sitio Culasi ng nasabing baryo. Si Jorge Colongon isang mabangis na ahente ng PNP at DDS na nagbenta ng mga rebolusyonaryo at mga progresibo […]

Duterte, inutil sa insidente sa Recto Bank
June 19, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Inutil si Duterte na harapin ang China sa sinadyang pagsagasa at pagpapalubog ng mas malaking barko nito sa pangisdang basnig na F/B Gem-Ver na naglagay sa panganib ng buhay ng 22 mangingisdang Pilipino sa Recto Bank ng West Philippine Sea. Kung hindi nasagip ng barkong pangisda ng Vietnam ang 22 mangingisda, malamang na mauwi sa […]