Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Likhain ang panibagong EDSA People Power! Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte!
February 25, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ang NDFP-ST at ang rebolusyonaryong mamamayan ng rehiyon ay mahigpit na nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita sa makasaysayang pag-aalsa sa EDSA, 35 taon na ang lumipas, pag-aalsang nagpabagsak sa kapangyarihan ng diktador na si Ferdinand E. Marcos noong Pebrero 25, 1986. Ang apat na araw na pag-aalsa ng halos isang milyong mamamayan sa EDSA […]

Solusyon ni Duterte sa krisis sa industriya ng baboy, pulos pambababoy
February 17, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Araw-araw sumisidhi ang galit ng sambayanan kay Duterte, higit lalo ngayong diretso sa gutom na sikmura ang epekto ng mga inutil, maka-dayuhan at anti-mahirap na mga patakaran ng reaksyunaryong gubyerno. Mula noong huling kwarto ng 2020 hanggang ngayon, tampok sa mga balita ang pagtaas ng presyo ng karne at ibang mga pagkain. Sa nakaraang mga […]

Reyd at hindi "rescue operation" ang ginawa ng PNP-Region 7 sa Lumad Bakwit School sa Cebu
February 16, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mahigpit na kaisa ng sambayanang Pilipino ang NDF-Southern Tagalog sa pagtuligsa at pagkundena sa ginawang pagsalakay at pang-aaresto ng Philippine National Police-Region 7 (PNP- Region7) sa mga mag-aaral na Lumad, kabilang ang kanilang mga guro at Datu (elders) sa isang retreat house na pag-aari ng Societas Verbas Divini (SVD) na nasa loob ng Talamban campus […]

Panagutin ang mersenaryong 201st IB sa pambobomba’t istraping sa Quezon!
February 08, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang walang alintanang pambobomba at pang-iistraping ng 201st (KABALIKAT) Infantry Brigade ng Philippine Army sa apat na bayan sa Quezon mula Pebrero 5 hanggang sa kasalukuyan. Gamit ang mga bago at mahal na Black Hawk helicopter, hinulugan ng pasistang tropa ng mga bomba at pinaulanan ng bala ang walong barangay na […]

Ipagbunyi ang mga tagumpay at hawakan ang mga aral ng First Quarter Storm
February 07, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Malaki ang kabuluhan ng First Quarter Storm ng 1970 sa pagpunla ng binhi ng pambansa-demokratikong adhikain ng sambayanang Pilipino sa bansa. Hinawan nito ang pag-usbong ng armadong pakikibaka sa buong kapuluan at malawak na anti-diktadurang pakikibaka sa paghahari ni Marcos na rumurok sa tagumpay ng EDSA 1 na nagpatalsik sa diktadurang US-Marcos. Naging inspirasyon din […]

Huwad ang 75 na diumano'y sumukong mga NPA sa CALABARZON!
January 27, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Matapos magyabang at magpakalat ng kasinungalingan at pekeng balita ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army (2nd ID-PA) at ng Armed Forces of the Philippines – Southern Luzon Command (AFP-SOLCOM) na diumano’y kanilang nabuwag ang 3 Larangang Gerilya ng NPA sa erya ng CALABARZON, kaagad sumunod ang PNP-Region IV-A sa pagpapakalat ng kanilang sariling bersyon […]

Hungkag na mga “Tagumpay” at Paghahambog ng SOLCOM
January 22, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Hungkag ang paghahambog ng SOLCOM na diumanong “nabuwag” na nila ang 3 larangang gerilya ng NPA na nasa erya ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).  Ito ang panibagong boladas sa media ni Captain Jayrald Ternio ng Public Information Office ng 2nd ID-PA at nailathala sa pahayagang Inquirer noong Enero 18, 2021. Nais ipinta ng 2nd […]

Labanan ang panunupil sa kalayaang akademiko at iba pang demokratikong karapatan ng mamamayang Pilipino! Tutulan ang makaisang panig na terminasyon ng 1989 UP-DND Accord!
January 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ipinaparating ng National Democratic Front of the Philippines – Southern Tagalog (NDFP-ST) ang mahigpit nitong pakikiisa sa sambayanang Pilipino, lalo na sa buong komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), sa pagkondena at pagtutol sa makaisang panig na terminasyon o pagpapawalambisa na ginawa ni Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defence (DND) sa umiiral na […]

Tutulan at labanan ang pakulong Charter Change (Cha-cha) ni Duterte at kanyang mga alipures!
January 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Walang ibubungang kabutihan ni katiting na pagbabago sa miserableng buhay ng sambayanang Pilipino ang balak ng dalawang kapulungan ng Kongreso na amyendahan ang 1987 Konstitusyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang constituent assembly. Lalo lamang nitong ibabaon ang sambayanang Pilipino sa kumunoy ng miserableng kahirapan at walang patumanggang pang-aabuso at pang-aapi sa pamamagitan ng mga […]

Mga sibilyan at hindi NPA ang pinaslang ng mga militar at pulis sa Baras, Rizal
January 07, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Salungat sa pinalalabas na kwento ng militar at pulis sa masmidya, isang masaker at hindi engkwentro ang nangyaring pagpaslang sa tinaguriang Baras 5 ng mga tropa ng 2nd Infantry Divison ng Philippine Army at PNP Region IV-A sa isang Mango Farm sa Sityo Malalim, Barangay San Jose, Baras, Rizal. Nagkukumahog ngayon ang mga mersenaryo at […]