Isang malaking banta sa kaligtasan ng mamamayan ang inilalakong nuclear energy cooperation agreement na “123 Agreement” ng US sa Pilipinas na kasama sa mga adyenda ni US Vice President Kamala Harris sa pagbisita sa Pilipinas. Ang nuclear energy ay enerhiyang nalilikha mula sa pagsasanib (fusion) o paghahati (fission) ng mga radioactive na elemento tulad ng […]
Dapat na mariing kundenahin at panagutin ang 203rd Brigade ng AFP at ang ilehitimong rehimeng Marcos II sa walang habas na pang-aatake sa isla ng Mindoro. Inulat ng NPA Mindoro ang isang insidente ng panganganyon sa Oriental Mindoro at magkasunod na araw ng pang-iistraping sa Occidental Mindoro. Pinagdusa nito ang libong mamamayan na binabayo ng […]
Singilin ang inutil at ilehitimong rehimeng Marcos II sa matinding epekto ng nagdaang bagyong Paeng. Naiulat ang malalaking pinsala na umaabot sa P3.16 bilyon sa agrikultura at P2.9 bilyon sa imprastraktura. Samantala, higit tatlong milyong mamamayan ang naapektuhan. Naiulat ang 154 patay kung saan 36 dito ay sa Timog Katagalugan (TK). Dahil dito, isa ang […]
Kailangang mahigpit na labanan ng mamamayan ang pinatinding paniniktik at panunupil ng surveillance state ng ilehitimong rehimeng Marcos II na rumurok sa pagsasabatas ng RA 11934 o SIM Card Registration Act nitong buwan. Imbes na masindak, hamon sa hanay ng demokratikong pwersa na paigtingin ang anti-pasistang pakikibaka at ipaglaban ang demokrasya sa gitna ng de […]
Labis na pasakit na agad ang ipinalasap ng rehimeng Marcos II sa mamamayang Pilipino sa unang 100 araw pa lamang nito sa estado poder. Nagbunyi ang mga naghaharing uri, lalo ang pangkating Marcos-Duterte. Higit pang iniratsada ang mga pahirap na neoliberal na patakaran sa tulak ng imperyalismo at lalong pinasidhi ang pasismo ng estado. Resulta […]
Nakaririmarim ang sapilitang pagkawala ng tatlong magsasaka sa Batangas at Mindoro sa unang 100 araw ng ilehitimong rehimeng Marcos II sa poder. Nakikiisa ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa panawagan ng mga kaanak na ilitaw ang mga biktima kabilang ang mga naunang desaparecidos ng reaksyunaryong estado. Marapat ding papanagutin ang AFP-PNP, paramilitar at bayarang goons […]
Ginugunita ng NDFP-ST at ng buong bansa ang ika-50 taong deklarasyon ng Martial Law ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Isang madilim na yugto ito ng kasaysayan kung saan dinanas ng sambayanang Pilipino ang di mabilang na mga karumaldumal na paglabag sa karapatang tao habang nagpapasasa ang pamilya Marcos, mga kroni at among imperyalistang […]
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pagtatanggol ng estado sa mga kriminal na pulis na pumaslang sa mga biktima ng Bloody Sunday. Kamakailan, nangako ang PNP na tutulungan nito ang 30 pulis na kinasuhan ng pagpatay matapos kwestiyunin sa Kamara ang Department of Justice (DOJ) sa mabagal na pag-usad ng kaso. Higit lamang nitong pinalala ang […]
Muling nananariwa ang mga sugat ng mamamayang nagdusa sa Martial Law sa kasalukuyang pakana ng ilehitimong rehimeng Marcos II na magpasa ng mga pasistang batas na magsusuhay sa tiranya ng naghaharing pangkatin at kikitil sa natitirang katiting na demokratikong ispasyo. Iilang buwan pa lamang si Marcos Jr. sa poder, isinusulong na ng sunud-sunurang Kongreso ang […]
Positibo ang mga pagsisikap ni Senador Loren Legarda at mga makabayan at progresibong kongresista sa Kamara na muling buksan ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Kapuri-puri ang pagsuporta rito ng mga taong simbahan, makataong institusyon at mamamayan sa gitna ng pakana ng mga alipores ng ilehitimong rehimeng Marcos II na pigilan ito. […]