Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Si Duterte ang tunay na terorista na dapat managot sa nagawa nitong mga krimen sa sambayanang Pilipino!
December 29, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ang pasistang rehimeng US-Duterte ang tunay na terorista. Mismong ang International Criminal Court (ICC) ang nagsabi na may rasonableng batayan para paniwalaan na nakagawa ang gubyernong Duterte ng mga krimen laban sa sangkatuhan (crimes against humanity) dahil sa isinasagawa nitong madugong gyera kontra droga. Patunay dito ang aabot sa 30,000 na mga pinaghihinalaang adik at […]

Pulang pagpupugay sa ika-52 anibersaryo ng pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines
December 26, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Malugod na ipinararating ng pamunuan ng NDFP-ST kasama ng mga magkakaalyadong organisasyong bumubuo nito at ng buong rebolusyonaryong mamamayan ng rehiyon, ang mainit at pulang pagbati sa Communist Party of the Philippines sa rehiyong Timog Katagalugan at bansa sa paggunita at pagdiriwang sa ika-52 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito. Tulad sa nakagisnang tradisyon, isinasagawa ngayon […]

Ipagtanggol ang halaga ng buhay, kagalingan at karapatan ng mamamayang Pilipino! Wakasan ang kultura ng impyunidad at brutalidad ng PNP na itinataguyod ng rehimeng US-Duterte!
December 22, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ang National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ay mahigpit na kaisa ng sambayanang Pilipino sa pagkondena sa panibago na namang karahasan at brutalidad na isinagawa ng isang opisyal ng Philippines National Police (PNP) sa isang walang kalaban-labang sibilyan. Kung hindi nakuhanan ng video ang pangyayari, ang walang pakundangang pagpatay ni Police Senior Master Sergeant […]

Kondenahin ang rehimeng Duterte sa Pag-aresto sa Pitong Aktibista’t Unyonista sa Gitna ng Pagdiriwang ng Ika-72 Anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao
December 11, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang garapal na pag-aresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) sa pitong (7) aktibista at mga unyonista kabilang ang isang mamamahayag sa gitna ng pagdiriwang ng Ika-72 anibersaryo ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao. Higit sa lahat, kinukundena […]

Huwag palulupig. Magpunyagi sa paglaban at pagtatanggol sa karapatang pantao. Wakasan ang tiraniko at pasistang paghahari ni Rodrigo Roa Duterte!
December 10, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ipinaparating ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang mahigpit nitong pakikiisa at pagsuporta sa sambayanang Pilipino na ngayon ay nagtitipon-tipon sa iba’t ibang panig ng bansa sa paggunita sa ika-72 taon ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao ngayong Disyembre 10, 2020. Pinagpupugayan ng NDFP-ST ang mga nagaganap na mga pagkilos ng taumbayan, sa […]

Wakasan ang tiranikong paghahari! Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte!
December 03, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nasa kasukdulan na ang pagiging desperado at pagkatakot ng pasistang rehimeng US-Duterte sa harap ng malawakan at lumalakas na panawagan ng sambayanang Pilipino na siya’y papapanagutin dahil sa kanyang pagmamalabis sa kapangyarihan, kataksilan, katiwalian at kriminal na kapabayaan na pamunuan ang gubyerno na maihaon ang bansa mula sa labis na kahirapan. Bigo itong epektibong labanan […]

Paigtingin ang mga pakikibaka! Mag-aklas! Ibagsak ang inutil, pabaya at pahirap na pasistang rehimeng US-Duterte!
December 01, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ipinaparating ng pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang mahigpit nitong pakikiisa at pagsuporta sa sambayanang Pilipino, lalo na sa mga mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan, na ngayon ay ginugunita at ipinagdiriwang ang dakilang araw ng uring anakpawis at ng ika-157 taong kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio — ang kauna-unahang bayaning […]

Ibagsak ang inutil, walang silbi, pabaya at pahirap sa bayan na pasistang rehimeng US-Duterte!
November 18, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Lalong nalantad ang kainutilan, kawalan ng silbi at pagiging bangkarote ng pasistang rehimeng US-Duterte matapos manalasa sa bansa ang tatlong magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses. Nakapanlulumong makita ang mga larawan hinggil sa lawak at tindi ng naging pinsala sa ating mga kababayan sa Luzon resulta ng bagyong Ulysses. Hindi sana ganito ang lawak […]

Kondenahin ang paghirang ni Duterte kay General Debold "Mañanita" Sinas bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP)
November 09, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Dapat na malakas na kondenahin ng sambayanan ang pagtatalaga ni Rodrigo Duterte kay Gen. Debold Sinas bilang bagong pinuno ng PNP. Si Sinas ay pamoso sa walang-habas na pag-aboso at paglabag sa karapatang tao ng mamamayan at naging bantog sa mga madugong kampanya ng panunupil sa mga lider at kasapi ng mga progresibong organisasyon ng […]

NTF-ELCAC ng rehimeng US-Duterte: Pabrika ng pekeng balita, kasinungalingan at dis-impormasyon
September 25, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kabi-kabilaan na ang mga tanggihan. Kanya-kanya nang mga palusot at paghuhugas ng kamay ang naglalabasan sa bibig nina General Gilbert Gapay pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at General Camilo Cascolan ng Philippine National Police (PNP) matapos tanggalin ng Facebook (FB) ang 57 FB accounts, 31 Pages at 20 Instagram accounts dahil sa […]