Lulong sa mga pekeng tagumpay ang 9th IDPA! Dahil aminado sa malinaw na pagkabigong padapain ang rebolusyonaryong kilusan sa Kabikulan, walang ibang inatupag ang mga yunit-militar sa ilalim nito kung hindi magpakalat ng mga kasinungalingan. Ilinilinaw ng Romulo Jallores Command (RJC-BHB Bikol) sa lahat ng masang Bikolano, laluna sa mga kagawad ng midya, na walang […]
Mulat ang mamamayang Pilipinong hungkag at pawang pakitang-tao ang binabalak ng rehimeng US-Duterte na magpatayo ng baseng nabal sa Panay Island, Bagamanoc, Catanduanes.
Ang pagkasawi ng sariling tropa ng gubyerno ay resulta ng kurapsyon ni Duterte at ng AFP. Dapat managot ang imperyalistang US, ang korap na si Duterte at mga tutang upisyal sa AFP sa pagkasawi ng mga sundalo sa mga serye ng aksidenteng dulot ng bulok at palyadong mga asset-militar na binili at inutang sa US […]
Kung halimaw ang puno, halimaw rin ang bunga. Ang berdugong pagkahubog sa grupong paramilitar na CAFGU ay ilinuwal ng mas masahol pang kultura ng brutalidad at karahasan ng berdugong AFP. Hindi na nakagugulat ang nangyaring pag-aamok ng isang CAFGU member sa Brgy. San Isidro, Sta. Magdalena, Sorsogon sa loob mismo ng kanilang detatsment. Isa lang […]
Rebolusyonaryong hustisya ang iginawad ng mga Pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command (JRC-Masbate) nitong July 10, 5:30 ng umaga sa Sitio Balunos, Brgy. Rizal, Dimasalang. Apat ang napatay at 17 ang nasugatan sa hanay ng mersenaryong hukbo sa ambus na isinagawa ng JRC. Ang 24 na elemento ng dagdag pwersa na ipinadala ng 9th ID […]
Hindi nakapagtatakang desperado nang manawagan ang mga terorista at pahirap na gaya ni Duterte na mag-armas ang sibilyang populasyon. Lantad na lantad na ang pangangatog ng kanyang tuhod sa harap ng lumalakas na armadong paglaban ng mamamayan. Ngunit, hindi na kailangang udyukan ang mamamayang mag-armas. Ilang siglo na nila itong ginagawa at ginagamit upang ipagtanggol […]
Maaaring takasan ni Duterte ang paglilitis ng International Criminal Court (ICC) o anupamang korte ng reaksyunaryong sistema, ngunit hindi niya kailanman matatakasan ang pananagutan niya sa mamamayang Pilipino. Titiyakin ng rebolusyonaryong kilusan na babayaran niya ang lahat ng kanyang krimen sa sambayanan. Lampas pa sa panahong maaari niyang itagal sa poder o ng kung sinuman […]
Mataas na pagpupugay ang iginagawad ng Romulo Jallores Command (RJC-BHB Bikol) sa masang Bikolanong mapagpasyang humarap sa mga atake ng AFP-PNP-CAFGU at bumigo sa Retooled Community Support Program (RCSP) sa kani-kanilang mga komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, dalawang barangay sa Bikol ang matagumpay na nakapigil sa militarisasyon sa kanilang mga erya. Inspirasyon ang karanasang […]
Nananaginip nang gising ang AFP-PNP-CAFGU, NTF-ELCAC at buong pasistang estadong kung inaakala nilang makukumbinsi nila ang mamamayang umayon sa kanilang kampanyang pagpapasuko at pagpapasalong ng armas sa mga kasapi ng NPA sa gitna ng walang patumangga nilang pang-aatake sa sibilyang populasyon. Nitong Hunyo 8, tatlong sibilyan na naman ang pinaslang ng mga berdugo para palabasing […]
Mahigpit na pinupuna ng Romulo Jallores Command at Jose Rapsing Command ang kanilang sarili sa bigong aksyong demolisyon sa Brgy. Anas, Masbate City nitong Hunyo 6, 2021. Buong pagpapakumbabang ipinapaabot ng RJC ang pakikidalamhati sa kapamilya’t komunidad na kinabibilangan magpinsang Keith Absalon at Nolven Absalon. Ang hindi sinasadyang pinsala sa buhay at kaligtasan ng sibilyan […]