Nasa peligro ngayon ang buhay at kalayaan ni Pedro “Jun” Hisarza Jr, 47, residente ng Barangay San Ramon, Barcelona at kasapi ng Sorsogon People’s Organization (SPO), ligal na samahang nagtatanggol sa karapatang-tao sa probinsya. Ito ang ipinarating sa amin ng ilang concerned citizen matapos tukuying “lider ng NPA” ang isang Jun Hizarza sa resolusyon ng […]
Matagumpay ang operasyong isnayp na inilunsad ng NPA kahapon, Hulyo 21, sa checkpoint ng 2nd Police Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Sta. Teresita, Bulan. Tinamaan sa hita ang kinilalang si P/Corporal Aaron Cascabel. Ang naturang operasyon ay bahagi ng pagsisikap ng NPA-Sorsogon na parusahan ang mga armadong pwersa ng teroristang rehimeng US-Duterte na walang […]
Ayaw lubayan ng mga tropa ng 22nd IBPA ang walang kalaban-labang mga sibilyan sa Bulan. Pati mga batang walang muwang ay hindi pinapatawad ng mga pasista. Kagabi, dinukot ng mga sundalo sa Barangay Bulawan ang magsasakang si Alvin Mapula, 39, at mga pamangkin niyang sina Althea Mapula, 2 anyos, at Janrex Mapula, 13. Hinanap at […]
Mariin naming kinukundena ang muling pag-atake ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Donsol, Sorsogon nitong Hunyo 17. Taliwas sa sinasabi ng pulisya, hindi kailanman naging kasapi ng NPA ang dinakip nilang si Jesus Macenas na umano’y #1 wanted person sa Donsol at #8 wanted person sa rehiyon. Si Macenas ay isang magsasakang nagmamay-ari […]
Kinukundena namin ang pagdukot ng 31st IBPA sa tatlong magsasakang sibilyan sa Donsol nitong Hunyo 6. Ang mga biktima ay sina Etoy Magdamit Jr. at Antonio Razo Jr., kapwa taga-Barangay San Francisco, at si Salvador Moscoso, taga-Barangay Cabugao ng naturang bayan. Nagkokopra ang nabanggit na mga sibilyan habang ginagalugad ng mga elemento ng 31st IB […]
Enjoy na enjoy siyang magsalita sa mga pagtitipon. Pakiramdam niya, magaling siyang magtalumpati at hangang-hanga sa kanya ang mga tagapakinig. Ang totoo, walang sumeseryoso sa kanyang pinagsasasabi—dahil wala kang anumang mapupulot na makabuluhan sa mga iyon. Siya si Ronald Bosa alyas Baot na nagpapakilala bilang Ka Bal sa mga pagtitipong inoorganisa ng TF-ELCAC sa iba’t […]
Lubos na nakikiisa ang Celso Minguez Command ng NPA sa pagdedeklara ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Sorsogon sa araw na ito, Mayo 8, bilang Araw ng mga Bayani ng Kilusang Magsasaka sa Sorsogon. Ginawa ng PKM-Sorsogon ang deklarasyon bilang paggunita ngayong araw sa unang anibersaryo ng pagmasaker ng mga militar at pulis sa limang […]
Pinarusahan ng kamatayan kagabi, Mayo 4, si Angeline Hinga alyas Salapi sa tirahan ng kanyang kinakasama sa Barangay Catanusan, Juban. Ayon kay Samuel Guerrero, tagapagsalita ng Celso Minguez Command, NPA-Sorsogon, si Hinga, na taga-Dolos, Bulan, ang nagsuplong sa limang magsasakang aktibista na pinagbintangang NPA at minasaker noong Mayo 8, 2020. Matapos ang kalunos-lunos na krimen […]
Pinarusahan ng kamatayan kagabi, Mayo 4, si Angeline Hinga alyas Salapi sa tirahan ng kanyang kinakasama sa Barangay Catanusan, Juban. Si Hinga, na taga-Dolos, Bulan, ang nagsuplong sa limang magsasakang aktibista na pinagbintangang NPA at minasaker ng mga tropa ng 31st IBPA, 96th MICO at 2nd PPMFC sa naturang baryo noong Mayo 8, 2020. Agad […]
Nakikiisa ang rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon sa mga kagawad ng media at mamamahayag ngayong Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag. Nagpupugay kami sa mga kagawad ng media na buong tapang at giting na gumaganap sa kanilang gawain upang magpahayag ng totoong balita at magsilbing boses ng publiko sa harap ng walang habas na pamamaslang at […]