Isang napakalaking kasinungalingan ang ipinangangalandakan ng Gubat Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj. Baltazar L Valenzuela sa midya na si Marlon Macabuhay o kilala bilang Ka Gary noong nasa loob pa siya ng rebolusyonaryong kilusan ay “naaresto” nila noong Mayo 6 nitong taon. Nais muling linawin ng Celso Minguez Command- BHB Sorsogon ang sumusunod: […]
Sa ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines, ipinabot ng NPA-Sorsogon kasama ng buong rebolusyonaryong pwersa ng prubinsya ang maalab at mapulang pagbati at pagpupugay sa lahat ng mga alyadong rebolusyonaryong organisasyon nito at sa mga rebolusyonaryo na nag-ambag at nag-aambag ng kanilang lakas at talino para sa pagsusulong ng […]
Nabalitaan namin na pinatay ang rebolusyonaryong taksil na si Gringo Chan alyas Ka Greg nitong Abril 14 sa Brgy Sta. Cruz, Casiguran. Si Chan ay naging miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa Sorsogon noong 2013 batay sa rekomendasyon ng kababaryo niyang si Antonio Benzon ngunit dahil sa ilang ulit na hindi pagsunod sa mga patakaran […]
Nabatid namin na si Marlon Macabuhay, alyas ka Gary na dating kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na tumalikod na sa interes at hangarin ng masa, ay tuluyan nang sumuko sa reaksyunaryong gubyerno noong Abril 3 kasama ang mga opisyal ng barangay ng Brgy. Sangat, Gubat. Subalit taliwas sa lahat ng pangako ng PNP at […]
Isang miyembro ng CAFGU ang nasawi habang dalawa ang sugatan, isang CAFGU at isang army Corporal, sa inilunsad na ambus ng mga pulang hukbo laban sa labingdalawang sundalo ng 22nd IBPA nitong Enero 15, alas-8 ng gabi sa Brgy. Calmayon, Juban, Sorsogon. Nakilalang nasawi si Dante Gojo alyas Bing at sugatan naman si Lorenzo Gupit […]
Nakikiisa ang Celso Minguez Command – NPA Sorsogon sa lahat ng mga nagbibigay parangal at pagpupugay ngayon kay Kasamang Jose Ma. Sison. Labis na nalulungkot ang mga Sorsoganon sa pagpanaw ng isa sa mga pinakamahuhusay na lider-komunista at lingkod-bayan ng kasalukuyang lipunang Pilipino. Gayunpaman, nais ipaabot ng CMC-NPA Sorsogon ang pagpapasalamat sa iniwang pamana ni […]
“Sa bawat pang-aapi ay may paglaban, at sa paglaban ay may paglaya” ito ang ginintuang aral sa mapait at madilim na kasaysayan ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng batas militar ng rehimeng US-Marcos noong Setyembre 21, 1972, 50 taon na ang nakalilipas. Hindi mapagkakaila na ang mga Sorsoganon, sa mahaba nitong kasaysayan ng paglaban sa […]
Napatay sa operasyong partisano ng NPA nitong Setyembre 5, bandang alas-6 ng gabi si Police Executive Master Sergeant Israel Rebosura ng Pilar Municipal Police Station sa Purok 2, Sityo Cagduyong, Brgy. Ginablan, Pilar, Sorsogon. Si Rebosura ay aktibo sa paniniktik at paglalatag ng lambat ng mga impormer ng pulis sa mga baryo sa bayan ng […]
Pinakamataas na pagpupugay ang ginagawad ng Celso Minguez Command at buong rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon kila Ka Arking at Ka Bitri na nag-alay ng kanilang talino, talento, husay at puso para sa sambayanan. Nasawi sa labanan si Ka Arking nitong Marso 10, 2022, sa edad na 30 at si Ka Bitri nitong Abril 13, 2022. […]
Mariin naming kinukundena ang serye ng pagtatanim ng baril at bomba/granada modus at ang pagbibintang na NPA o MB na ginagawa ng PNP at AFP laban sa mga sibilyan sa probinsya ng Sorsogon. Sinisira ng pakanang ito ang buhay ng mamamayang walang kalaban-laban. Mula 2021 ay umabot na sa 24 na sibilyan ang walang pakundangang […]