Pahayag ng NPA-Sorsogon sa Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag
Nakikiisa ang rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon sa mga kagawad ng media at mamamahayag ngayong Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag.
Nagpupugay kami sa mga kagawad ng media na buong tapang at giting na gumaganap sa kanilang gawain upang magpahayag ng totoong balita at magsilbing boses ng publiko sa harap ng walang habas na pamamaslang at iba pang atake sa mga mamamahayag at sa mamamayang Pilipino.
Nagpupugay din kami sa mga mamamahayag na nagbuwis ng buhay sa pagpapabatid ng katotohanan sa mamamayan ng Sorsogon—sina Teodoro Escanilla na pinaslang noong Agosto 27, 2015, Jobert Bercasio na pinaslang noong Setyembre 14, 2020 at iba pang bayani ng malayang pamamahayag.
Patuloy na titindig ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayang Sorsoganon upang ipaglaban ang kalayaan sa pamamahayag. Patuloy naming itataguyod ang mass media na tumitindig sa panig ng katotohanan sa kabila ng kinakaharap na panganib sa kamay ng mga ahente ng rehimeng US-Duterte.