Pinagpupugayan ng Melito Glor Command-New People’s Army-Southern Tagalog (MGC-NPA-ST) ang limang Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro na magiting na sumagupa sa sunud-sunod na tatlong labanan sa pinagsanib na pwersa ng 4th IBPA, 76th IBPA, 68th IBPA at PNP-SAF noong Abril 25 sa Brgy. Iriron at Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro. Nakikipagkonsultahan sa mga […]
Marapat kundenahin at panagutin ang 1st at 80th IB sa ilalim ng 202nd Brigade ng Philippine Army sa garapalang pag-atake sa mga katutubong Dumagat at mamamayan ng Quezon para ipagtanggol ang interes ng mga ganid na dayuhang kapitalista’t lokal na burukrata sa likod ng mga mapanirang proyekto sa Sierra Madre. Naglilingkod ang mga bayarang 202nd […]
Binibigyang pugay ng Lucio De Guzman Command ang kagitingan ng 5 kataong tim nito na buong giting at ubos lakas na nilabanan ang pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng 4th IBPA, 76th IBPA, 68th IBPA at PNP-SAF sa tatlong magkakasunod na labanan noong umaga ng Abril 25 sa Brgy. Iriron at Malpalon, bayan ng Calintaan, […]
Inaalala at pinagpupugayan ng Melito Glor Command – NPA ST ang dakilang buhay ni Jorge “Ka Oris” Madlos, yumaong tagapagsalita ng NPA, sa mismong araw ng kanyang kapanganakan, Abril 22. Nawala man ang kanyang pisikal na presensya, nananatiling siyang buhay sa puso at diwa ng bawat Pulang mandirigmang nagsusulong ng digmang bayan. Sa okasyong ito, […]
Purong kasinungalingan at rurok ng kahibangan ang pahayag ni Defense Undersecretary Cesar Yano noong Abril 14 na ang NTF-ELCAC ang “best thing that happened to the Philippines” o ang pinakamagandang bagay na nangyari sa Pilipinas. Pagbabaliktad ito sa malupit na katotohanan at garapal na pagtatangka na pagtakpan ang umaalingasaw na rekord ng pasistang anti-komunistang task […]
Apat ang naging kaswalti ng pwersa ng 76th IBPA sa ilalim ni 1Lt. John Vincent L. Calopez sa naganap na labanan bandang alas 6 ng umaga sa pagitan ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command -NPA-Mindoro (LDGC-NPA-Mindoro) noong Abril 17, 2022 sa So. Pitong Gatang na sakop ng Brgy. Manguyang, bayan ng Gloria sa […]
Arestado ang tatlong sundalo ng 59th IB sa Mauban matapos na pagbabarilin ang isang sibiliyan noong Abril 10. Ayon sa nakuhang ulat, pinagbabaril ng 3 lasing na sundalo ang isang sibilyan sa Brgy. Pulo, bandang alas-9 ng gabi. Nagsampa ng reklamo ang biktima at kagyat na inaksyunan ito ng mga pulis. Samantala, kinundena naman ni […]
Nananawagan ang Apolonio Mendoza Command New People’s Army Quezon na dapat mapanagot ang 85th IBPA sa walang inorasan at maya’t mayang panliligalig at paglabag sa karapatang pantao ng mga berdugong militar sa mga magbubukid sa bayan ng Macalelon, Gumaca, Unisan, Agdangan at Lopez nitong nagdaang mga araw. Kamakailan, napabalita ang pananabotahe ng 85th IB sa […]
Mariing kinukundena ng buong rebolusyonaryong kilusan lalo na sa Timog Katagalugan ang pagpuri at pagpaparangal ng NTF ELCAC sa mga pasistang kriminal at pinakamalalang lumalabag sa karapatang pantao. Nitong Marso 30, 2022 ay walang kahihiyang pinuri at ipinagtanggol ni Usec. Lorraine Badoy at ng NTF-ELCAC ang dating heneral at kriminal na si Palparan at pinalalabas […]
Buong kasiyahang ipinagdiwang ng mamamayan ng TK at mga yunit ng Melito Glor Command – NPA ST ang ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA nitong Marso 29 habang hinaharap ang hibang na kontra-rebolusyonaryong panunupil ng desperadong rehimeng Duterte. Sa okasyong ito, idineklara ng MGC ang kabiguan ng rehimeng Duterte at AFP-PNP sa pamamagitan ng Southern […]