Taas kamaong nagpupugay ang Lucio de Guzman Command-New People’s Army-Mindoro sa lahat ng mga Pulang kumander at mandirigma sa okasyon ng ika-53 anibersaryo ng New People’s Army (NPA)! Kasama ang rebolusyonaryong masang Mindoreño, mga kadre’t kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas, mga alyado’t kaibigan ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang maniningning na mga tagumpay […]
Taas-kamaong nagpupugay ang Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal sa ika-53 taong anibersaryo ng New People’s Army. Binabati nito ang lahat ng Pulang kumander at mandirigma ng NPA at ang buong rebolusyonaryong kilusan para sa buhay-at-kamatayang pakikibaka ng mga ito para isulong ang demokratikong rebolusyong bayan. Mula sa pagkakatatag nito noong Marso 29, 1969, sa panahon ng […]
Kaisa ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna ang buong sambayanan sa pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng New People’s Army. Sama-sama nating ginugunita ang pagkakatatag ng New People’s Army. Ang araw ng Marso 29, 1969 ay simula ng pag-asa sa mamamayang pinagsasamantalahan at ligalig naman para sa mga naghaharing uri. Ito rin ay araw ng paggunita sa mga […]
Ngayong araw na ito ipinagdiriwang natin ang ika-53 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Rebolusyonaryo at taas-kamaong pagpupugay ang ipinaaabot sa mga Pulang mandirigma at kumander ng AMC-NPA-NQ sa walang-humpay at ubos-kaya nitong paggampan at pagsasabalikat ng mabibigat na tungkulin alang-alang sa aping mamamayan na kanyang pinaglilingkuran. Sa mahigit limang dekadang pagsulong ng DRB mas […]
Nagpupugay ang Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog at ang mamamayan ng rehiyon sa matagumpay na ambus ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC)-NPA Rizal sa mga elemento ng 80th IBPA sa Maugraw, Sitio Quinao, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal kahapon, Marso 26, bandang 7:52 ng umaga. Tinambangan ng isang yunit ng NAAC ang 80th IBPA malapit sa […]
Bigwas sa AFP-PNP ang matagumpay na ambus ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA Rizal laban sa 80th IBPA sa Maugraw, Sityo Quinao, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal. Inilunsad ito alas-7:52 ng umaga ng Marso 26, tatlong araw bago ang ika-53 anibersaryo ng New People’s Army. Nag-iigib ang anim na elemento ng 80th IBPA sa Maugraw nang tambangan […]
Malaon nang nagpupuyos ang galit ng mamamayan ng Quezon sa anim na taong walang tigil na paggamit ng dahas, panlilinlang at terorismo ng AFP sa bansa. Sa gitna ng krisis na ating nararanasan, tila isang naglalaway na aso ang mga heneral ng SOLCOM, 85th IBPA at 201st Brigade sa bawat utos ng kanilang commander-in-chief na […]
Mariing tinutuligsa ng Bienvenido Vallever Command (BVC)-BHB Palawan ang tahasang pagpapagamit ni Justine Kate Raca sa Western Command (WESCOM) at Palawan Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa paghahasik ng mga kasinungalingan at panlilinlang sa mamamayan. Itinatakwil ng BVC si Raca, na nakilala ng mamamayang Palaweño bilang Ka Celin/Mira, at dating Pulang […]
Itinatakwil ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang taksil sa rebolusyon at mamamayang Palaweño na si Justine Kate Raca o kilala bilang “Ka Celin”. Sa kanyang mulat na pagpapagamit sa kontra-rebolusyonaryong pakana ng AFP-PNP at rehimeng Duterte, ganap na niyang tinalikuran ang rebolusyonaryong simulain at sinumpaan sa rebolusyon—isang kataksilan upang itiwalag sa Partido, hukbo at […]
Desperado na ang Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular ang 203rd Infantry Brigade, na mapagtagumpayan ang final push ng utak-pulbura nitong among si Duterte, sa pagtutulak ng panibagong porma ng terror sa mga katutubong Mangyan! Sa mga komunidad sa saklaw ng Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro, masugid at sapilitang tinutulak ang mga lider […]