Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

Sa harap ng paglaban sa nakamamatay na Covid19, operasyong militar ng 4th IB at 203rd Brigade sa Mindoro, nagpapatuloy--NPA-Mindoro
April 09, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Pagpapatupad ng UCF ni Duterte inutil! Mariing kinukondena ng Lucio De Guzman Command [LdGC] – NPA Mindoro ang kasalukuyang inilulunsad na operasyon laban sa mga yunit ng NPA at mamamayan ng 4th IB, 203rd Brigade Philippine Army. Pagpapakita ito ng kawalang malasakit sa kapakanan ng mga Mindoreno at mamamayang Pilipino sa harap ng paglaban sa […]

Pagpupugay para kay Ryan “Ka Reymart” Noriesta — Responsableng Anak ng Bayan! -- NPA-Quezon
April 07, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) |

Tunay na anak ng Bayan at responsableng anak, yan ang katangi-tanging pagkakakilanlan ni Kasamang Ryan “Ka Reymart” Noriesta, 27 taong gulang, mula sa uring magsasaka sa Brgy. Cawayan, Gumaca, Quezon. Namartir si Ka Reymart sa labanan sa bayan ng Gumaca noong Marso 31, matapos tusong atakehin ng 59th IBPA ang yunit ng NPA na naghahanda […]

Patuloy na paglabag ng AFP sa sariling ceasefire -- kontra-solusyon sa paglutas ng Covid-19 crisis -- NPA-Quezon
April 07, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Kailangang mariing kondenahin, ilantad at labanan ang hindi tumitigil na operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines sa lalawigan ng Quezon. Hindi lamang ito paglabag sa sarili nilang deklarasyon ng ceasefire kundi tuwirang pananabotahe rin ito sa ginagawang pagsisikap ng buong sambayanang Pilipino na lutasin ang pandemya ng Covid-19. Pagkatapos ng dalawang magkasunod na […]

Pulang saludo kay Ka Angel at mga dakilang martir ng Bagong Hukbong Bayan!
April 07, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Apolonio Mendoza Commad – New People’s Army (NPA-Quezon) kay Argie “Ka Angel” Casinillo, at sa lahat ng mga rebolusyunaryong bayani na nagbuwis ng buhay para sa sambayanan. Gaano man kahaba ang paglalakbay, ulan, init, hirap, gutom — buhay at sakripisyo man ay palaging handang ilaalay ng mga pulang mandirigma […]

Labanan sa Quezon kahapon, ika-3 nang paglabag sa ceasefire Panagutin ang AFP sa pag-atake sa NPA sa gitna ng kampanya laban sa Covid-19!
April 03, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Sagad ang kawalanghiyaan ng AFP sa patuloy nitong paglabag sa sariling deklarasyon ng ceasefire at paglulunsad ng mga opensibang atake laban sa NPA na ipinapakita ng pinakahuling labanan sa pagitan ng 85th IBPA at isang yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC) sa Barangay White Cliff, San Narciso, Quezon nitong Abril 1. Nagbuwis ng buhay si […]

AFP-PNP, taksil at hindi sinsero! GRP ceasefire declaration, peke at walang saysay -- NPA-ST
April 03, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Hindi sinsero, bulaan at taksil ang AFP-PNP sa patuloy na paglulunsad ng mga atake sa mga yunit ng NPA at mamamayan sa buong bansa. Peke ang deklarasyong tigil-putukan ng GRP at ginagamit lamang na tabing ang krisis sa pampublikong kalusugan na dala ng pandemic na Covid-19 para tuluy-tuloy na atakehin ang rebolusyonaryong armadong pwersa ng […]

Sa ika-51 taong anibersaryo ng NPA, NPA patuloy na lumalakas at minamahal ng mamamayan! -- NPA-Mindoro
April 03, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Sa kabiguan ng SOLCOM na durugin ang NPA sa Timog Katagalugan, muli na namang nagbubuga ng lason ang hepe ng SOLCOM at ng civil-military operations ng AFP na si Gen Antonio Parlade upang pasamain ang imahe ng NPA sa okasyon ng pagdiriwang nito ng ika 51 taong anibersaryo ng pagkakatatag. Kung papansinin ng taumbayan, tuwing […]

Pagdiriwang sa ika-51 anibersaryo ng NPA sa TK, nagbigay-diin sa paglilingkod sa mamamayan
April 03, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Sa harap ng krisis ng CoViD-19 at pasismo ng rehimeng Duterte Matagumpay na nagdaos ang mga yunit ng Melito Glor Command-NPA ST ng mga simple ngunit makabuluhang paggunita ng ika-51 anibersaryo ng NPA habang hinaharap ang krisis ng Covid-19 at nakikitungo sa mga patraydor na atake ng rehimeng US-Duterte habang may umiiral na ceasefire. Naging […]

Aktibong magtanggol laban sa mga tusong pakana ng AFP sa unilateral ceasefire!--NPA-Rizal
March 30, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Hungkag ang deklarasyon ng rehimeng US-Duterte sa kanyang idineklarang unilateral ceasefire. Pagpapatunay nito ang naganap na labanan noong ika-28 ng Marso sa ganap na alas-3 ng hapon sa Sitio Malasya, Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal. Inatake ng isang yunit ng 80th IBPA ang isang yunit ng NPA-Rizal na naghahanda para sa ika-51 anibersaryo ng BHB at […]

Sa pagharap sa krisis pangkalusugan sa bansa, pagkaisahin ang mamamayan sa paglaban sa lockdown at pasismo ni Duterte!
March 29, 2020 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Payak ngunit makabuluhan na ipagdiriwang ng mga yunit ng Melito Glor Command ang ika-51 anibersaryo ng NPA ngayong Marso 29. Maringal ang tradisyon ng taos-pusong paglilingkod sa mamamayan ng hukbong bayan. Ngayong kinakaharap natin ang isang pandaigdigang krisis pangkalusugan, magkaisa tayo at sama-samang harapin at labanan ang pandemikong Covid-19. Maaasahan ng sambayanang Pilipino ang rebolusyonaryong […]