Tagumpay na isinagawa ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-Rizal) ang reyd sa mga baraks ng armadong goons ng panginoong maylupa at mangangamkam ng lupa na si Arturo Robes sa Brgy. San Isidro, Rodriguez noong Setyembre 27, ganap na alas-5 ng hapon. Giniba ng isang yunit ng NAAC ang naturang baraks at ang gate na humaharang […]
Nagkakalat ng Covid virus ang Serbisyo Caravan ng 201st Brigade ng Philippine Army sa pangunguna mismo ni Bgen Norwyn Tolentino dahil sa paglabag nito sa health protocol na itinakda ng administrasyong Duterte kaugnay sa maramihang pagtitipon at paglabas-masok ng mga tao sa iba’t-ibang lugar sa panahon ng pandemya. Halos isang buwan na, Agosto 28 nang […]
Limang taong nilukob ni Duterte ang buong bayan sa pasistang lagim ng de facto Martial Law. Hinigitan pa ng kanyang rehimen ang bilang ng mga pinatay at iba pang paglabag sa karapatang tao sa ilalim ng batas militar ng iniidolo niyang diktador na si Marcos. Sa harap ng pinapakawalang terorismo ng estado, inspirasyon ng mamamayang […]
Apatnapung siyam (49) na taon na ang nakakalipas nang ideklara ni Marcos ang Batas Militar sa bansa. Hindi malilimutan ng sambayanan ang mapait at madugong kasaysayan ng panunupil ng mga Marcos sa mamamayang Pilipino na hanggang sa ngayon ay maaalala pa natin sa mga kwento at testimonya ng mga pamilya at biktima ng karahasang militar. […]
Halos walang pinagkaiba ang kasalukuyang pakanang granular lockdown at ‘alert level system’ ng pasistang rehimeng US-Duterte sa mga naunang tangka nitong piitin ang pagkilos at paggalaw ng tao sa gitna ng pandemya. Ang tanging pagkakaiba nito sa nakaraang mga quarantine protocols ay lokalisado hanggang antas-barangay ang lockdown at pangunahing kakarguhin na ng mga lokal na […]
Araw-araw nangangamba ang mga magsasaka sa saklaw ng UP Land Grant sa Sierra Madre para sa kanilang hanapbuhay. Malaon nang ipinagkakait ng estado sa mamamayan ang malalawak na lupaing sana’y pinagyayaman para sa kanilang ikabubuhay. Sa halip ay ibinubukas nito ang mga lupain upang dambungin ng mga burgesya kumprador gaya nina Lucio Tan, Atong Ang […]
Hindi katanggap-tanggap ang paglalaan ng rehimeng US-Duterte ng humigit-kumulang na P4 bilyong pondo para sa palabigasang mga proyektong imprastruktura sa unang distrito ng Quezon sa gitna ng pagtindi ng kahirapan at kawalan ng hanapbuhay ng mga Quezonin. Sa mga bayang saklaw ng Hilagang Quezon pa lamang, naitala na ang P2.6 bilyong pondong inilaan ng estado […]
Walang ipinag-iba ang mga militar sa kanilang amo na si Digong Duterte sa kawalang pagkilala at paglabag sa karapatang pantao lalong higit sa masang populasyon na nakakaranas ng krimen na likha ng isang pabaya, korap at mapanupil na pangulo. Kahapon, napabalita na nakatayo na ang bagong kampo-militar sa Barangay Ilayang Ilog A, Lopez. Ayon sa […]
Sa panahon ng lumalalang krisis pangkalusugan sa bansa, walang patumanggang itinatayo ng 85th IB, 59th IB at 201st Brigade ang kanilang mga kampo militar sa buong lalawigan. Kahapon, napaulat na nagsisimula nang itayo ang mga kubo sa kampo militar sa Barangay Cagacag, Lopez, Quezon. Ang pagtatayo ng kampo militar ay sa bisa ng pagsang-ayon mismo […]
Mariing kinukundena ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang AFP at rehimeng Duterte sa paggamit ng labis-labis na pwersa at mga di-presisong sandatang militar sa pang-aatake sa isang yunit ng NPA sa Barangay Osmeña, Dolores, Eastern Samar noong Agosto 16. Ayon mismo sa AFP, ang 13-oras na operasyon laban sa NPA sa Dolores ay kumbinasyon […]