Ibinibigay ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan sa rehiyong Timog Katagalugan ang pinakamataas na pagkilala, pagpupugay at parangal kay Kasamang John Carlo Capistrano Alberto, mas kilala sa tawag na Ka Yago at Ka Iñigo sa mga kasama at masa na kanyang nakapiling sa buhay at kamatayang pakikibaka sa kanayunan. Namartir si […]
Tunay ngang ignorante si Duterte sa kalagayan ng rebolusyonaryong kilusan. Wala siyang karapatan ni awtoridad na sabihing “bahaw na ang ideolohiya” ng rebolusyonaryong kilusan sa taumbayan. Hindi aabot ng limampung taon ang pakikibaka ng bayan kung itinuturing na “lipas na ito” ng sambayanan. Desperado si Duterte na ilayo sa rebolusyonaryong kilusan ang mamamayan. Kahit gaano […]
Matagumpay na ni-reyd at pinaralisa ng isang iskwad ng AMC-NPA-Quezon ang isang kumpanya sa konstruksyon na gumagawa ng KALIWA DAM sa Sityo Salok, Brgy. Magsaysay, Infanta, Quezon sa ganap na alas-4:45 ng hapon hanggang alas-6:25 ng gabi kahapon, Pebrero 7, 2019. Nasira sa operasyon ang 3 backhoe at 1 bulldozer na siyang pangunahing kagamitan ng […]
Singkahulugan ng resignasyon ni Dureza bilang Peace Adviser ni Duterte ang pagkakaloob ng posisyon nito sa isa na namang militarista at mapandigmang heneral ng AFP — ang nalalapit nang magretirong hepe ng AFP na si Galvez. Malaking kabalintunaan ang pagtatalaga ng isang berdugo sa isang ahensyang dapat na magtataguyod ng usapang pangkapayapaan sa mga belligerent […]
Nangangarap nang gising si Duterte kung inaakala niyang malilipol niya ang NPA sa pamamagitan ng pagtatayo ng sariling Duterte Death Squad (DDS) laban sa rebolusyonaryong kilusan. Hibang na hibang si Duterte na kamtin ang kanyang target na lipulin ang NPA sa kalagitnaan ng 2019. Matatapos na ang 2018, ngunit ni kalahatiin man lamang ang bilang […]
Sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 32, pinagpapatuloy ni Duterte ang kanyang kabaliwan at kahangalang patindihin ang ibayong krisis na dinaranas ng iba’t ibang uri at sektor sa lipunang Pilipino. Naglalayon itong palakasin ang mga pwersa ng AFP-PNP sa mga isla at mga probinsya ng Samar at Negros at sa rehiyon ng Bicol bilang bahagi […]
Isang malaking kataksilan sa soberanya at kalayaan ng Pilipinas ang pagpasok ng rehimeng Duterte sa mga tagibang na kasunduan sa gubyernong Tsina. Sa pagpasok sa mga di pantay na kasunduan sa Tsina, walang pakundangang inilagay ni Duterte ang kapalaran ng bansa sa dayuhang kapangyarihan na naglalayong dominahin ang buong rehiyong Asya sa larangan ng ekonomiya […]
Kamakailan, inamyendahan ng reaksyunaryong gobyerno ang naunang Agricultural Tarrification Act of 1996. Tiyak na ibayong pahirap sa masang magsasaka at mamamayang Pilipino ang magiging epekto nito. Bibigyang laya at malaking kaluwagan nito ang malalaking importer ng bigas na mag-angkat nang mag-angkat mula sa ibayong dagat hanggang bahain ng imported na bigas ang iba’t ibang pamilihan […]
Upang matiyak ang mga resulta ng 2019 midterm elections sa Mindanao pabor sa mga pinapaborang kandidato ng pangkating Duterte, inihain sa Kongreso ang resolusyon na nagpapatibay sa Martial Law Extension hanggang Hunyo 2019. Sinusuportahan nito ang imbeng pakana ng AFP-PNP na palawigin ang Martial Law sa Mindanao at maghasik ng teror, kaguluhan at pasismo laban […]
Tuluyang papatayin ng rehimeng US-Duterte ang usapang pangkapayapaan kung itatalaga si AFP Chief-of-staff Lt. Gen. Galvez sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) matapos ang pagreretiro nito. Sa tahasang pagsabi ng uhaw-sa-digmaang heneral ng kagustuhan nitong matalaga sa naturang opisina, tuluyan nang isasakatuparan ng AFP-PNP, rehimeng US-Duterte at ng amo nitong […]