Archive of Articles

Pambobomba, pagpapasurender sa Mangyan at Dumagat, kinundena ng NDF-ST
May 21, 2019

MARIING KINUNDENA NG National Democratic Front-Southern Tagalog ang walang awat na militarisasyon sa mga komunidad ng mga Mangyan sa isla ng Mindoro at Dumagat sa prubinsya ng Quezon. Walang tigil ang mga operasyong militar ng AFP at PNP sa Quezon mula pa Mayo 2018. Sa nakaraang buwan, sunud-sunod na nag-imbento ng mga sagupaan ang AFP […]

Militar sa Las Navas, napalayas
May 21, 2019

MATAGUMPAY NA napalayas ng mga residente ng Barangay San Miguel, Las Navas ang mga sundalo ng 20th IB noong Mayo 10. Higit isang taon nang nakakampo ang mga berdugo sa komunidad. Kasunod ito ng organisadong pagbakwit ng mga residente at pakipagdayalogo sa lokal na gubyerno ng Las Navas, 20th IB at Department of Interior and […]

Eleksyon para sa konsolidasyon ng kapangyarihan ng pangkating Duterte
May 21, 2019

Gamit ang dahas, panlilinlang at malawakang pandaraya, “naipanalo” ni Rodrigo Duterte ang 10 sa kanyang 12 kandidato sa pagkasenador sa nagdaang eleksyon. Sa gayon, 19 senador o 3/4 ng Senado ang saklaw ng kanyang pangkatin. Lilima na lamang ang maituturing na oposisyon. Isa sa kanila, si Sen. Leila de Lima, ay nakakulong hanggang sa kasalukuyan. […]

#LabanBayan, protesta kontra dayaan
May 21, 2019

HIGIT 2000 ANG nagmartsa patungong Philippine International Convention Center (PICC) kung saan isinagawa ang bilangan ng 2019 eleksyong midterm noong Mayo 17. Nagkaisa ang sektor ng kabataan, kababaihan, taong simbahan at iba pa sa pangunguna ng grupong Kontra Daya at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para kundenahin ang dayaan at karahasan sa eleksyon. Higit pitong oras […]

TAGUMPAY SA SUPER 8
May 21, 2019

PROTESTA LABAN SA BACIWA TAGUMPAY SA SUPER 8. Tagumpay ang black shirt protest ng Samahang Manggagawa sa Super 8 Retail System Incorporated noong Mayo 8. Inilunsad ang pagkilos at pagpapabagal ng produksyon bilang protesta sa pagsuspinde sa 15 manggagawa na tumangging magtrabaho ng obertaym noong Mayo 4. Agad na ibinalik sa trabaho ang mga manggagawa […]

Pang-aagaw ng lupang Maranao para sa gamit-militar
May 21, 2019

Huwad na rehabilitasyon ng Marawi Magdadalawang taon na matapos palayasin ng rehimeng US-Duterte ang mga Maranao sa Marawi City. Hanggang ngayon, wala pang pamilya ang nakababalik sa sentro ng syudad dahil okupado ito ng mga sundalong Pilipino at Amerikano. Habang nagtatagal, lalong nagiging imposible na makabalik pa ang mga residente dito. Sa bisa ng isang […]

Piket ng mga manggagawa ng Holcim, inatake
May 21, 2019

INATAKE NG MGA hindi nakilalang mga lalaki ang piket ng mga manggagawa ng Holcim Philippines Inc. sa harap ng planta ng kumpanya sa Davao City noong Mayo 1. Higit dalawampung lalaking nakabonet na may dalang mga patalim ang dumagsa sa piket. Pinagbabaklas nila ang mga balatengga at plakard ng Davao Holcim Employees Workers Union. Nakapiket […]

Mas malalaking pagsasanay-militar, planong idaos ng US sa 2020
May 21, 2019

PLANONG IDAOS NG US ang mas malalaking pagsasanay-militar sa bansa sa 2020. Partikular sa pagsasanay na Salaknib, higit doble ang nakatakdang lalahok na mga Amerikanong sundalo mula 900 ngayong taon tungong 1,700 sa susunod na taon. Ang Salaknib ay paghahanda sa taunan at mas malaking pagsasanay na Balikatan. Mula Enero hanggang Marso nitong taon, lalong […]

Gera sa kalakalang US-China, muling sumiklab
May 21, 2019

PANSAMANTALANG NATIGIL ang negosasyong pangkalakalan sa pagitan ng US at China noong Mayo 10 matapos ianunsyo ni Donald Trump, presidente ng US, ang pagpataw ng 10-25% taripa sa mga kalakal mula sa China na nagkakahalaga ng $200 bilyon. Inakusahan ni Trump ang China ng hindi paggalang sa dating mga napagkasunduan kaugnay ng intellectual property rights, […]

Iba pang mga protesta
May 13, 2019

HINDI KRIMINAL ANG MGA BATA. Kasabay ng sesyon ng Senado noong Mayo 20, nagpiket ang mga tagapagtanggol ng karapatang-tao at mga organisasyong nangangalaga sa karapatan ng mga bata sa harapan ng Senado sa Pasay City. Kinundena nila ang nais ipasang batas na magbababa sa edad ng bata na pwedeng ikulong. Pinangunahan ito ng Salinlahi Alliance […]